CHAPTER 18: BOYFRIEND

1482 Words
I woke up with no one in the room. I looked at the clock next to me and it was barely six o'clock in the morning. Bakit ang aga nila? Naalala ko na may usapan kami na magsu-swimming ngayong araw dahil mamayang gabi ay magba-byahe na kami pauwi. Last day na namin ngayon at maayos na rin ang pakiramdam ko. My face was no longer swollen, and the pain in my throat had subsided. Before getting up, I stretched my body. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na kokonti pa lang ang tao sa dagat. "GUYS BANGON NA KAYO!" Napabuntong hininga na lang ako sa nangingibabaw na boses ni Claire. Dumiretso muna ako sa banyo at naghilamos. I know she's solely referring to me because they're all downstairs. Maaga pa naman, hindi ba sila nakakaramdam ng lamig? Pagbaba ko ay nakita ko sila na kumakain na sa kusina. Nagtimpla ako ng kape at naupo sa tabi ni Chesca. Nang magtama ang paningin namin ni Margaux dahil nasa harap ko s'ya ay nginitian n'ya ako at inabutan ng tinapay. "Girls nakahanda na ang mga swim wear natin huh! Pagkatapos nating kumain ay magsu-swimming na tayo. Last day na natin kaya kailangan na nating sulitin 'to. Ang mga boys naman, bahala na sila sa buhay nila. Malalaki na sila at kaya na nila ang sarili nila." Diretso lang ako sa pagkain ng tinapay na pinalamanan ko ng cheese habang nakikinig sa mga plano ni Claire para sa buong maghapon. "Isasama ba natin ang mga boys?" "Ano ba Isabelle, hindi ka ba nakikinig? Bahala na nga ang mga boys sa buhay nila. Basta tayong mga girls mag-eenjoy tayo." "Huwag nating isama ang mga boys. Mahirap mag boy hunting kapag may nakabantay." Pabirong sabi ni Margaux at kinindatan ang boyfriend n'ya na ngayon ay hindi na maganda ang ekspresyon. "Kapag sumama si Margaux, ngayong umaga pa lang ay uuwi na tayo." "Huwag ka ngang KJ Tyler. Gan’yan ba kapag hindi gwapo, takot na baka ipagpalit?” Pang-aasar ni Claire na tinawanan naman naming lahat. Nakangiting tagumpay s’yang tumayo at naglagay ng pinagkainan sa sink. Nang makakain na ang lahat ay nagsipagbalikan na kami sa aming mga kwarto upang makapagbihis. “Whhaaa! May favorite talaga si God. Lahat na lang ng blessings, ibinigay n’ya kay Nadz.” Napailing ako sa komento ni Isabelle, kung alam n’yo lang. Nagpalit na kasi kami ngayon ng swimwear. I wore a white short to cover my swimwear since it was too early and I didn't have any plans to swim. Sina Isabelle at Claire ay nagtapis lang ng bandana habang sina Margaux at Chesca ay nagpatong pa ng sando bukod sa short na suot. Hindi tuloy halata ang swimwear na suot nila. “Ikaw talaga Isabelle, halika na nga sa labas. Naiwan na nila tayo eh.” We instantly drew the attention of the crowd as we left the Cabin. Even Xander was gazing in our direction, and I could see them talking to Lance and grinning, as if they were teasing him. Napalipat tuloy ang atensyon ko kay Lance at kitang kita ko kung paano gumuhit ang gulat sa kan’yang mukha kasabay ng pagguho ng sand castle na kanina lang ay binubuo n’ya. "Nadz! Isabelle! Dito tayo." Napadako ang tingin namin kay Tyler, kasama niya sina Chesca at Margaux kaya kaagad rin kaming lumapit. Isinuot ko ang sunglasses ko at naglakad papalapit. “Si Claire?” tanong ni Isabele, doon ko lang rin napansin na wala si Claire. Sa aming lahat ay s’ya pa naman ang pinaka-excited. “Hay naku! Nakakita ng oppa, kaya biglang nawala” “Nadz, magpalagay ka na ng sunblock kay Lance, masusunog ang balat mo. Nagsisimula nang sumikat ang araw oh!” Nagulat ako sa sinabi ni Chesca. Bakit naman kailangan na si Lance pa ang maglagay. “Hindi na, kaya ko naman. Okay lang ako.” Nagpanggap akong may inaayos at inabot ang sunblock cream na nasa tabi n’ya. Hindi ko magawang tingnan sila dahil parang nag-iinit ang pisngi ko. “Ano ka ba? Hindi mo malalagyan ang likod mo kapag ikaw ang naglagay. Kay Lance din naman ako nagpalagay ng sunblock kanina, kaya okay lang yun.” "O -okay" “Lance, palagay rin daw ng sunblock si Nadz.” “Huy! Huwag mo ngang isigaw.” Napalunok ako ng ilang ulit nang makalapit si Lance sa akin. Hindi s’ya nagsasalita at basta n’ya lang inabot ang sunblock cream na nasa tabi ko. Halos malagutan ako ng hininga nang makita kong pumwesto s’ya sa likod ko at hinawi ang nakaharang kong buhok sa may likod. "Cherry!" "Frances!" "Oh my god! Kuya, you’re here." Iniwan ni Chesca ang ginagawa at tumakbo siya papalapit sa kuya n’ya at niyakap ito. Hindi ko magawang lumapit sa kanila dahil nilalagyan ni Lance ng sunblock ang likod ko, kaya naman ngumiti lang ako sa direksyon nila at kumaway. Napansin siguro ni Francis ang sitwasyon ko kaya ito na ang kusang lumapit sa akin. “I miss you, Nadz” “Syempre na-miss rin kita.” Naramdaman ko ang marahas na pagbagsak ng buhok ko kaya napalingon ako sa likod, at tanging ang bakas ng anino na lamang ni Lance ang naabutan namin. Nangyari dun? “Ahm Chesca, Nadz, kita na lang tayo mamaya for catch up. May kailangan lang muna akong ayusin.” Pamamaalam nito sa amin, mukha nga s’yang nagmamadali. Humalik pa muna ito sa noo ng kapatid at nakipag-beso sa akin. “Guys, mauna na ako sa inyo.” Pamamaalam din nito sa mga kasama namin. Si Francis ang nakakatandang kapatid ni Chesca, nasa five years ang tanda nito sa amin at may business na ito sa America kaya minsan na lang ito mag-stay sa Pilipinas. Nakakagulat lang na magkikita kami dito. Nilingon ko si Chesca na gumagawa na rin ngayon ng sand castle. “Bakit daw nandito ang kuya mo?” “May business daw s’ya dito, tapos nasabi ko na nandito tayo para mag-celebrate. Kaya naisipan n’ya na dumaan na rin sa atin kasi may ibibigay rin daw s’ya sayo.” “Huh? Ano daw yun?” “Mamaya na lang, malalaman mo rin mamaya. Gosh! Kinikilig ako para kay kuya.” Pinaningkitan ko ng mata si Chesca dahil sa reaksyon n’ya. Napansin n’ya siguro na iba ang tingin ko sa kan’ya kaya natatawa s’yang nag-explain. “Huwag ka ngang feeler, hindi tungkol sa’yo yun no.” Hindi ko na lang s’ya pinansin at naglakadlakad muna sa tabi ng dagat. Maganda ang sikat ng araw ngayon at hindi masakit sa balat. Madami na rin ang mga tao sa labas kumpara kanina. Naupo ako sa dalampasigan at hinayaan na abutin ng alon ang mga binti ko. Ang ganda ng dagat, napakalinaw ng tubig at ang asul na repleksyon ng langit ang nagpapaganda sa tanawin nito. Ipinikit ko lang ang aking mga mata at hinayaang isayaw ng hangin ang aking buhok. Nang hindi ako nakuntento ay hinubad ko ang suot kong short upang makapaglangoy. Suot ang kulay dilaw kong halter neck one piece suit ay lumubog ako sa tubig at nagsimulang sisidin ito. Napaka-calming sa ilalim ng tubig. Wala akong maramdamang lamig at kapag pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng hininga ay aahon ako saglit sa tubig, pagkatapos ay sisisid na ulit. Masyado akong nalunod sa kapyapaan na hatid ng dagat na hindi ko na napansin ang oras. Nandito ako ngayon sa ipina-book na resto ni Francis. Bago umuwi pabalik sa Manila ay nagpaalam ako sa mga kasama na may dadaanan muna. Alam na naman ni Chesca ang tungkol dito at hindi ko s’ya mapilit na samahan ako. "Wedding invitation?" Nagtataka kong tanong. Hindi ko man lang nabalitaan na may fiancé na pala s'ya tapos wedding kaagad? Napainom ako sa ice tea na halos matunaw na ang yelo dahil hindi ko kaagad nainom. "Hindi ka na nasanay. Isa pa, okay naman kami ng fiancé ko.” "Sino'ng malas na babae naman ang naipagkasundo sayo?" Pang-aasar ko dito, mukha naman na hindi ganoon kalabag sa loob n’ya ang mangyayari. Tinapik ko ang kamay n’ya na nasa ulo ko nang guluhin n’ya ang buhok ko. "Huwag ako ang pag-usapan natin. Ikaw nga itong hindi nagsasabi sa akin na may boyfriend ka na pala." Napakunot ako ng noo sa sinabi n’ya. Ibinaba ko muna ang ice tea na hawak dahil baka maibubo ko pa ito sa gulat "Boyfriend?" "Oo. Hindi ba't boyfriend mo yung Lance Reyes?" Sinapak ko s'ya sa balikat dahil sa sinabi n’ya. Akala ko ay mayroon na rin na ini-arrange sa akin si lolo. "Hindi noh. Sino namang nagsabi sa'yo?" "S'ya mismo. Hinarang n’ya ako sa daan kanina para sabihin na layuan kita. Nang tinanong ko kung sino s’ya, sinabi niya na boyfriend mo daw s’ya. Natawa pa nga ako kasi nagselos pa yata kanina kaya s’ya umalis." Napahawak ako sa aking dibdib at natulala sa narinig. Bakit naman sasabihin ni Lance ang ganoong bagay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD