98

1524 Words

DOZ’s POV Kumalma na si Iza. Hindi man siya nasa ICU, kumpleto pa rin ang aparatong nakakabit sa kaniya. Mga makinang tahimik na umaandar, mga linya at monitor na nagsisilbing bantay sa bawat segundo ng kaniyang buhay. Wala siyang tubo sa bibig dahil kaya naman niyang huminga nang mag-isa. Iyon ang isa sa mga unang bagay na sinabi ng doktor, at iyon din ang una kong pinanghawakan bilang pag-asa. May iba’t ibang antas ang pagiging comatose. Hindi kritikal ang sa kaniya. Hindi pa lang siya mulat, hindi pa bumubukas ang mga mata niyang minsan ay puno ng sigla, pero may mga reaksiyong ipinapakita ang kaniyang katawan, bahagyang paggalaw ng daliri, pagbabago sa t***k ng puso, munting senyales na naroon pa rin siya. Hindi siya tuluyang lumisan. Naririto lang siya, natutulog sa isang mundong h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD