ILANG gabing walang tulog si Monique sa pag-iisip ng mga pangunahing hakbang na gagawin niya para makaganti kay Georgina. Saan ako mag-uumpisa? Aniya sa kanyang sarili saka ininom ang natitirang wine sa kanyang baso. Inihagis niya iyon at nabasag. She smirked. "Tulad ng pagkabasag ng wine glass na 'yon, Georgina. . .babasagin rin kita." Humagalpak siya ng tawa. Tawang parang baliw na nakatakas sa mental. She thought of the old woman. The owner of the apartment kung saan namamalagi si Georgina. "Maybe that old woman can help," nababaliw niyang sabi. Kinaumagahan ay maaga pang sinadya ni Monique ang matandang si Lola Ester sa apartment nito. Sinadya niya talagang tulog pa ang mga nakatira do'n tulad na lamang nina Georgina. She acted like she was there for some professional work to

