Sandy POV
May mga naririnig akong mga yabag kaya dahan dahan Kong binuksan Ang mga mata ko. Nagtaka ako nang makita Ang paligid.
‘Paano Ako napunta Dito sa kuarto ko?’ sa isip isip ko. Sa pagkakaalala ako nasa sasakyan ko Kasama ko Si Lolo sa Restaurant Kasama din si..
“Good morning” pagudlot ng isang lalaki kaya Bigla akong napalingon sa kinaroroonan nito. Nakita ko si Mokong na prenteng nakaupo sa sofa. “Mabuti Naman gising ka na. Kanina pa kita hinihintay na magising” nakangising Saad nito.
“Anong ginagawa mo dito sa kuarto ko?” Tanong ko sa kanya habang pinandidilatan ito.
“Don’t tell me nakalimutan mo kagabi?”
“Kagabi?” Bigla Kong tiningnan ang katawan ko na meron pang kumot. Nagulat ako dahil iba na Ang suot Kong damit.
‘May ginawa ba ang manyak na ito sa akin?’ Tanong ko sa sarili. Binalingan ko ito Saka tiningnan Ng matalim.
“Relax okay..For your information hindi Ako r****t. Kung gusto ko man galawin Ang Isang babae gusto ko pareho naming gusto para pareho kaming masisiyahan.” Saad nito sabay tayo at dahan dahan na lumapit sa akin. Kaya tinakpan ko Ang katawan ko Ng mabuti.
Nilapit pa Niya Ang Mukha Niya sa Mukha ko kaya feeling ko nanigas Ako.. “Don’t held yourself back. Im sure bibigay ka din sa akin and it will be soon” bulong niya sa akin Saka ito ngumisi Ng nakakaloko. Kinilabutan Naman Ako bigla sa ngisi Niya.
“You better get up now or baka gusto mo na Gawin na natin ngayon din?” dagdag pa nito kaya binato ko ito Ng Unan.
“Alis! Manyak ka talaga…” sigaw ko sa kanya pero Ang walanghiya humagalpak lang Ng tawa.
“Okay. Not now Kasi may pupuntahan pa Tayo. Kaya bumangon ka na Dyan at magbihis. I’ll wait for you downstairs. Please don’t make me wait for too long. I hate waiting” nakangisi nitong saad sabay alis. Feeling ko may ibang gustong ipahiwatig ito.
‘Hay, no ba Yan. Nahawa na ata ako sa kadumihan Ng utak ng mokong na yon’ kausap ko sa Sarili.
“Oh, bat dika pa bumangon Dyan? Magready ka na. Naghihintay si boss Sayo.” Sambit ni Abby. Hindi ko man lang napansin itong pumasok dahil sa kung Anu anong iniisip ko.
“Alam mo ba kung saan daw kami pupunta?” Tanong ko Dito.
“Wala Naman siyang sinabi sa akin. Sabi lang Niya tulungan daw kitang magready. Kaya Sige na maligo ka na at magbihis” nagmamadali Naman akong pumunta sa bathroom.
“Good morning Ma’am. Pinapasabi Po ni Sir cancel daw po lakad niyo Ngayon dahil may importante daw po siyang lakad.” Bungad sa akin Ng katulong. Napakuyom tuloy ako ng kamao.
‘Minamadali pa ako ng walang hiyang yon. Pinagloloko Niya ba ako’ himutok ng kaloob looban ko.
“Sabi niya Rin po Ma’am ipapahatid Niya kayo sa bahay ninyo Kasi matatagalan daw po Siya Ng balik. Sunduin ka nalang daw Po niya doon” dagdag pa ng katulong.
“Teka nga Po Manang. Nasaan ba siya?”
“Umalis na Po Ma’am. Yong driver Po Ma’am nasa labas po naghihintay para ihatid Po kayo sa inyo.” Sagot Naman nito.
“Sige po Manang. Mag impake lang po ako.” Saad ko nalang Dito.
“Sabi Po ni Sir Ma’am wag na daw Po kayo magdala ng gamit dahil may gamit na daw po kayo sa inyo” kahit nakakapagtataka Hindi nalang Ako nagtanong pa dahil naiinis talaga Ako sa mokong na yon. Matapos niya akong madaliin. Bwesit Siya.
Habang nasa byahe kami diko pa rin maiwasang mainis.
“Hoy yang nguso mo parang puwet ng manok kikibot kibot” puna ni Abby.
“Tseh! Wala Ako sa mood Ngayon” Singhal ko Dito.
“Bakit dahil ba napaasa ka?” pangbubuska pa nito kaya inirapan ko ito. Tumingin nalang Ako sa labas baka sakaling malibang Ako. Pero dahil traffic Lalo lang akong nainis. Habang nakahinto Ang sinasakyan Namin nagawi Naman Ang tingin ko sa Isang restaurant.
‘Hayst! Ano ba Yan! Dahil sa inis ko sa mokong na yon kung saan saan ko nalang Siya nakikita’ maktol ko sa sarili ko. Namamalikmata lang Ako kaya iniling iling ko Ang ulo ko.
“Sandy, di ba si Boss Yan?” biglang sambit ni Abby kaya napalingon Ako sa kanya. Nakatingin din ito sa restaurant na tiningnan ko kanina. Ibig Sabihin Hindi ako namalikmata. Si mokong Nga yong Nakita ko. Tiningnan ko ulit Ang restaurant. Nandon nga si mokong nakikipagtawanan Kasama Ang babae.
‘Wait, familiar sa akin yong babae. Siya yong nakasama namin noon. Si Amara.’ Napakuyom Naman Ako Ng kamao. So Siya yong importante sa kanya. Hindi ko alam pero parang gusto Kong umiyak habang pinagmamasdan Sila na sobrang saya.
“Hoy Sandy! Ayos ka lang? Bat nakatulala ka na dyan?” alog ni Abby sa akin. Diko namalayan na umusad na pala kami.
“Sa hitsura mo Ngayon para Kang nakakita ng multo” dagdag pa nito.
“Kapag Hindi ka pa tumigil siguradong multo mo na Ang makikita mo” inis Kong sagot nito.
“Ito Naman pinapasaya lang kita Kasi Wala ka sa mood kanina pa. Isa pa nababagot Ako” nakasimangot nitong Sabi.
“Matulog ka!” singhal ko Saka sumandal sa upuan at pumikit. Pero napadilat din Ako dahil Mukha ng walang hiyang Mavvy na yon Ang nakikita ko habang nakikipagtawanan sa babae niya.
‘’Selos yarn! Alam mo denial ka lang eh. Bakit kasi ayaw mo pang tanggapin na inlove ka na sa Fiancee mo” pangbubuska pa lalo ni Abby.
“Anong selos at inlove yang pinagsasabi mo? Hinding Hindi mangyayari yon. No way na maiinlove Ako sa babaerong yon” may diin Kong Sabi.
“Eh bakit ka ganyan?”
“Nainis nga lang ako dahil sinira ng siraulong yon Ang Araw ko! Kaya wag ka na dumagdag” giit ko at tiningnan ko pa ito Ng masama. Nagzip sign Naman ito ng bibig kaya sumandal na ulit Ako saka pumikit.
“Maam, nandito na Po tayo” gising sa akin ni Manong driver. Hindi ko namalayan nakatulog Pala Ako. Tumingin naman Ako sa katabi ko. Tulog pa Rin si Abby.
“Kanina pa po ba tayo nakarating Manong?” Tanong ko habang inaayos Ang Sarili.
“Hindi Naman Po Ma’am. Ginising ko na Po kayo para makapagpahinga kayo Ng mabuti sa bahay po” magalang nitong sagot.
“Okay Po. Salamat.” Binalingan ko Naman si Abby.
“Abby, gising” Sabay yugyog sa kanya.
“Bakit?” pupungas pungas nitong Tanong.
“Nandito na Tayo! Bakit ka dyan. Tara na!” Saad ko Saka bumaba Ng sasakyan. Tiningnan ko Muna Ang buong kabahayan Saka bumuntong hininga.
“Anak mabuti dumalaw ka.” Bungad sa Amin ni Mommy pagkapasok Namin Ng Bahay. “Tamang Tama Ang dating niyo dahil kakain na Tayo Ng lunch” dagdag pa nito.
“Mommy, ano po kasi-“
“Ano ka ba anak, Saka na yang sasabihin mo Kumain Muna Tayo. Minsan lang na kompleto tayong Kumain. Abby halika na!” Putol ni Mama sa sasabihin ko. Nagkatinginan Naman kami ni Abby.