Wala na kaming nagawa nang hilahin na kami ni Mommy papunta sa hapagkainan. Napahinto din kami nang madatnan Namin Sila Dad na masayang nagkukwentuhan.
“Well, well, well..Look who’s here. Don’t tell me pinalayas ka na ng Fiancee mo? Iniexpect ko pa Naman bangkay ka ng iuuwi Dito” Saad ni Trisha Kaya napakuyom Ang kamao ko.
“Trisha! Stop it!” sigaw ni Dad.
“What? Don’t tell me Dad your happy that she’s here! And really? You shouted at me because of that sampid?” duro ni Trisha sa akin. Hinampas Naman ni Dad Ang table at Galit na tiningnan si Trisha.
“I said stop it!”Galit na sa sigaw ni Dad.
“I won’t stop because I hate her to the core” sigaw din ni Trisha. Pumalakpak naman Ako.
“Good. Nagpunta lang talaga Ako Dito para inisin ka. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakikita kong nagkakaganyan ka dahil sa akin. Kaya pipilitin kung mabuhay ng matagal Hanggang sa magkulubot yang balat mo dahil sa inis mo sa akin.” Nakangisi kong sagot Kay Trisha. Tumayo naman si Trisha dahil sa inis. “Since nakuha ko na Ang gusto ko, aalis na ako” dagdag ko pa Saka Sila tinalikuran.
“Anak..” habol sa akin ni Mom.
“Im sorry Mom. Hindi ko gustong gumawa Ng gulo. Alam ko namang Hindi Ako welcome Dito.” Hinawakan Naman ni Mom Ang kamay ko.
“Anak, pagpasensyahan mo na Ang Kapatid mo. Masyadong lang Silang naspoiled kaya nagkakaganyan Sila. Hindi ko na nga Rin alam ang gagawin ko sa kanila.” Malungkot nitong Sabi.
“Mom, ayos lang Po yon. Sanay na ako. Ako nga Po dapat humingi Ng sorry dahil pinatulan ko pa siya. Sige na Mom. Bumalik ka na don. Aalis na rin kami.”
“Kakarating niyo lang, aalis na kayo kaagad?”
“May pupuntahan lang po kami Mom, naisipan ko lang din po dumaan Dito para Makita ko Po kayo. Sige Po. Aalis na po kami” Paalam ko.
“O Sige. Mag iingat kayo” paalam din nito.
“So saan tayo niyan?” Tanong ni Abby nang makalabas na kami Ng gate.
“Sa Lugar na pinakagusto mong puntahan” nakangiti kong sagot.
“Ay, gusto ko Yan. Ano pang hinihintay natin..Let’s go!” excited nitong sabi kaya Masaya na Rin Ako. Hindi ko nalang didibdibin Ang nangyari kanina. At least may Isang tao na handa akong damayan at samahan kahit saan man Ako magpunta.
Umuwi Muna kami sa condo at nagpahinga dahil napagod talaga ako sa byahe kanina. Nagising lang Ako nang marinig ko Ang ring Ng cellphone ko. Pinatay ko Rin ito kaagad nang Makita ko Ang caller. Pero Ang walang hiya tumawag pa Rin ulit kaya pinatay ko na Ang phone ko.
“Bahala ka Dyan” sambit ko. Marami ng atraso Ang mokong na yon sa akin. Pinauwi uwi pa niya talaga Ako sa bahay na Wala Naman Pala akong dapat Gawin Doon. Alam naman Niyang mainit Ang ulo ni Dad at mga Kapatid ko sa akin. Bumangon na Lang din Ako at ginising si Abby para makaalis na kami.
“Hi..may pasyente si Dok” Tanong ko sa bagong secretary ni Doc.
“Wala na Po Maam” sagot nito.
“Okay. Thank you.” Saad ko at tinungo na namin Ang room kung nasaan si Doc. Kumatok Muna Ako Bago pumasok.
“Doki” masayang tawag ko sa kanya.
“Hey, kanina pa kayo? Hindi niyo man lang Ako sinabihan na pupunta kayo eh di sana nag undertime Ako.”
“Ayos lang Dok, kakarating lang din Namin” Saad ko at pasalampak na umupo sa sofa.
“Hi Doc, for you” pacute na Saad ni Abby. Aba kailan pa nakapuslit bumili Ng pasalubong itong bruhang ito.
“Wow, thank you. So ano? Bat naisipan niyo akong guluhin Ngayon?” Saad ni Doc sabay tumayo at umupo sa tabi ko. Sumunod din Si Abby at umupo katabi ni Doc.
“Bakit parang Hindi mo kinasaya ang pagpunta Namin Dito Doc?” may himig tampo Kong Tanong.
“Tss. Eto na Naman si dramatic prince-s. Nagulat lang Naman Ako na Bigla nalang kayong dumating na parang kabote” tatawa tawang Saad nito.
“Wala Kasi sa mood yong isa Dyan Doc” sambit ni Abby.
“Tsee. Sino ba sa atin Ang super excited pumunta Dito. Wag ka nga.” Buska ko din dito. Bigla Naman itong pinamulahanan Ng Mukha. “Kitams?” dagdag ko pa kaya napasimangot si Abby.
“So bakit nga kayo nandito?” Tanong ni Doc habang nakacross arm.
“Labas Tayo Doc” excited Kong Sabi.
“At saan Naman Tayo pupunta?”
“Goodtime” nakangisi Kong sagot. Tinitigan Naman Ako nito na parang Hindi makapaniwala.
“Ano?” kunot noo Kong tanong. Pumapalatak Naman ito.
“Okay. Since brokenhearted ka dadamayan ka namin”
“Sinong brokenhearted? Ako? No way!”
“Sige deny pa. Tamaan ka sana Ng kidlat. Ayan na nga oh. Nakasulat Dyan sa pagmumukha mo” pambubuska nito.
“Sinabi ng hindi-“
“Oo na. Naniniwala na kami. Napaka defensive mo. Nahahalata ka tuloy” natatawa nitong Sabi sabay Tayo. Napasimangot nalang din Ako.
Sabay sabay kaming pumunta sa Isang bar. First time Kong pumunta sa Isang bar for goodtime. Pumupunta lang Ako sa bar para magtrabaho. Susulitin ko Ang gabing ito para magsaya at kalimutan Ang hudyong lalaking yon.
Mavvy’s POV:
Nandito kami sa quarter dahil meron kaming operation ngayon. Kanina pa ako naiinis dahil nakailang tawag na Ako kay Sandy pero pinapatayan lang Ako. Lalo akong nainis nang Malaman Kong nakipagkita na Naman ito sa labanos na doctor na yon ayon sa taong pinabantay ko dito. Matigas talaga Ang babaeng ito.
‘I’ll definitely punish you after this operation’ sa isip isip ko.
“Boss, ready na Po ang lahat” untag sa akin Ng tauhan ko.
“Okay, Let’s go” Saad ko Saka tumayo at lumabas. Habang nasa byahe kami panay pa Rin Ang dial ko SA number ni Sandy pero Hindi pa Rin nito sinasagot kahit si Abby. Halos durugin ko na Ang cellphone ko sa inis.
“Boss nandito na Po tayo” Saad ng tauhan ko.
“Okay, you know what to do” tumalima Naman ito kaagad. Nagpaiwan Muna Ako at yong IBA naming kasamahan dito sa sasakyan. Maya Maya nakarinig kami Ng putukan kaya nagmadali na kaming kumilos para sa reinforcement Ng mga kasamahan Namin. Nakikipagpalitan na Rin ako Ng putok sa mga kalaban Namin.
“Check the area. Kunin lahat ng mga pwedeng evidence.” utos ko sa mga tauhan ko nang humupa na Ang putukan. Nakita Kong tumatakas si Sandoval kaya nagmadali akong habulin ito. Kailangan ko Siyang mahuli Ng Buhay dahil alam Kong may alam Siya sa nangyari sa mga magulang ko.
“Sandoval!” tawag ko Dito habang nakatutok sa likuran Niya Ang baril nang maabutan ko ito. Huminto naman ito at dahan dahang humarap sa akin habang nakataas ang kamay.
“Guererro?” Tanong pa nito.
“Yes, it’s me. Mabuti Naman at nakilala mo pa ako Sandoval. At sisigiraduhin ko sa pagkakataong ito Hindi ka na makakawala sa mga kamay ko!” Saad ko habang nakatutok pa rin sa kanya ang baril ko.
“Look, sinabi ko na Sayo na Wala akong kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang mo.”
“May kinalaman ka man o Wala, marami ka pa ring kasalanan na kailangam mong panagutan!”
“C’mon Mavvy. Para namang Wala tayong pinagsamahan niyan.”