Kabanata 30

1229 Words

Maaliwalas ang langit nang sumapit ang gabi, punô ng bituin na para bang kumikislap para lang sa amin. Ang init ng apoy mula sa malaking bonfire ay nagbibigay ng ginhawa habang nakapalibot kaming lahat. Amoy na amoy ang usok ng kahoy, halong alat ng dagat, at ang amoy ng roasted marshmallow na hawak ni Linux, na tingin ko sunog na. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga 'tong si Linux, parang aning. Tumatawa pa siya niyan. “Hoy, bestie, tikman mo!” sigaw niya, inabot sa’kin ang medyo sunog na marshmallow na nakatusok pa sa stick. Natawa na lang ako. “Hindi mo ba alam kung paano lutuin nang tama ’to?” Tinanggap ko pa rin kahit pa sobrang itim na halos parang uling. “Basta matamis pa rin ’yan,” sagot niya, proud pa. “Characterized!” Umiling lang si Rozen habang nakatingin sa akin. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD