"Hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin 'yan dahil dati ko pa napapansin na may lihim na inggit sa iyo 'yang si Daniel. Kaya nga hindi ko siya pinagbibigyan sa mga gusto niya. At kaya rin siya pumapalpak sa mga utos ko sa kaniya dahil hindi siya nagtatrabaho nang gusto niya. Nagtatrabaho siya para magpakitang gilas at masabing mas magaling siya sa iyo," sabi sa akin ni Rodulf sabay lapit sa akin. Malalim siyang bumuntong hininga. "Pero sigurado ka na ba talaga sa gusto mo?" Marahan akong tumango. "Opo. Alam ko po na malaki ang utang na loob ko sa inyo dahil itinuring niyo akong parang kamag-anak ko na. Na parang naging pangalawang tatay ko rin kayo simula nang mawala ang Papa ko. Pero tao lang din po ako, nagmamahal. Kaya gusto ko na po sanang magbagong buhay. Gusto ko na pong makasa

