CHAPTER 59

1507 Words

“Peggy!” sigaw ni Watt habang nakatayo sa may pintuan ng maliit nilang bahay. “Punta nga tayo ng market. May bibilhin ako.” Biglang sumilip si Peggy mula sa kusina, hawak ang isang sandok habang ngumunguya ng pandesal na halatang kinapalan niya ng palaman. “Oh, you're going to the marketing? Alright!” sagot niya, gamit ang kanyang signature English na, as usual, sablay na naman ang grammar. Napailing si Watt habang pinapanood ang mataba niyang pinsan na may suot pang apron na may stain ng kung anu-ano. “Ano bang bibilhin mo?” tanong ni Peggy habang lumalapit. Napaisip si Watt, “Oo nga, ano nga ba bibilhin ko?”, pero agad ding pumasok sa isip niya ang paboritong pagkain ni Kyla—adobong balun-balunan ng manok. Halos naamoy niya na ang tamis-alat ng adobo habang iniisip ito kaya napangiti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD