“Sa susunod, tingnan mo ang dinadaanan mo, okay!? Gusto mo itumba kita rito ngayon!?” galit na sigaw ni Art kay Peggy, sabay ambang suntok. Halos mag-collapse naman si Peggy sa sobrang nerbyos at napapikit na lang siya, parang nag-aabang ng kung anong mangyayari. Well, I guess walang nagagawa ang kanyang katalinoha sa English sa ganitong sitwasyon. And even his Albert Einstein genes were nothing when facing a kamao in his face. Mabuti na lang, mabilis ang reflex ni Watt. Nasalo niya agad ang kamao ni Art bago pa ito dumapo sa mukha ni Peggy. Kung hindi, malamang humihilik na ngayon ang pinsan niyang si Peggy, si “Mr. Albert Einstein’s genes” kuno. Nerbyos na kung nerbyos pala ang super confident na pinsan halos maihi na tuloy siyang sa kanyang pantaloon. He's lucky though dahil may pinsa

