LIAM POV Pagkalabas ko ng kwarto ni Kuya Lucas, sumandal muna ako sa pinto at napatingin sa cellphone ko. Nakita kong nag-reply na si Thea—isang simpleng "Gising na po, baby. Kakakain lang din. Miss mo mukha mo, kakaalis mo lang kaya kahapon! 😜" Napangiti ako, pero saglit lang din 'yung nawala. Ibinalik ko ang phone sa bulsa ko at naglakad pabalik sa sarili kong kwarto. Humiga ako nang patihaya sa kama, braso ang ginawang unan, habang nakatitig sa kisame. Ang gulo. Ang bigat bigla ng pakiramdam ko. Nung pumasok ako sa kwarto ni Kuya kanina, akala ko aasarin ko lang siya tungkol sa pustahan namin o kaya magpapasalamat lang ako sa plates. Pero nung marinig ko kay Tita na aalis na siya agad pagka-graduate, parang may sumuntok sa dibdib ko. Aalis si Kuya. Buong buhay ko, si Kuya Lucas na

