ISANG oras lang ang itinagal ng private lesson ni Mabel sa paghahabi. Hindi pa siya nauupo sa harap ng loom. Nakinig muna siya sa basic lecture tungkol tradisyonal na paghahabi. Mataman siyang nakinig sa mga itinuturo sa kanya. Hindi muna niya inalala ang nakatakdang dinner date nila ni Kellan mamaya. Itinuon niya ang buong atensiyon sa wooden weaving loom. Paglabas ni Mabel ay kaagad niyang nakita si Kellan sa harap ng showroom. Kausap nito ang may-ari ng Sagada Weaving. Nang makita siya ng binata ay kaagad siyang nginitian at kinawayan. Her heart skipped a beat. Hindi niya maintindihan ang masidhing pananabik na biglang dumagsa sa kanyang dibdib pagkakita sa binata. Kaninang tanghali lang sila nagkita. Bakit masyado siyang masaya na makita itong muli? “Ready?” tanong ng binata nang ma

