HELL, I don’t know. Pinigilan ni Kellan ang sarili sa pagsasabi niyon dahil alam niyang iba ang tinatanong ni Mabel. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa. Ano ang dahilan kung bakit niya niyaya ang dalaga roon? He knew he shouldn’t be doing this. Ngunit nahihirapan siyang pigilan ang sarili sa paglapit. Tila napakalakas ng puwersang humahatak sa kanya palapit sa dalaga. He just simply couldn’t stay away from her. It had been like that since the first time he saw her. The moment their eyes met, he immediately felt the force pulling him to her. Hindi siya naging handa. He saw how sad her eyes were. Pagkatapos niyang kausapin si Vera Mae ay tinungo niya ang direksiyon na pinuntahan nito. He immediately found her. Hindi kaagad lumapit si Kellan. Pinagmasdan niya mula sa malayo ang isa sa

