NAPAKA-WARM NG welcome sa amin ng pamilya ni Daniel. Mukhang excited at masaya ang kanyang mga magulang na makita ako. Niyakap ako nang mahigpit ng kanyang mama. “Finally. You’re finally here as his girlfriend. Medyo nainip na ako sa paghihintay,” ang sabi pa niya sa akin bago niya ako pinakawalan. “Mom, don’t scare her, please.” “If I wanna scare her I’d say we should get married soon para mabigyan na ninyo kami ng apo ng Dad n’yo.” Hinila ako ni Daniel. “Okay, that’s enough.” Natawa ako sa palitan ng mag-ina. They obviously adored each other. Nasabi na sa akin ni Daniel na close siya sa kanyang mga magulang. Isang sikat na aktres noong araw si Jana, ang ina ni Daniel. Nang magbuntis siya ay nagpasya siyang talikuran ang career at maging full-time mom and wife. Hindi nagkaroon ng yay

