ALAM KO NAMAN na madalas na abala sa ospital si Daniel kaya kahit na paano ay inihanda ko na ang aking sarili. Hindi ako umasa na madalas niya akong matatawagan. I know he would call and text often if he could. He had in the past. Kahit na noong magkaibigan pa lang kami. Tatawagan niya ako kapag wala siyang ginagawa at alam niyang wala akong ginagawa at magkukuwentuhan kami tungkol sa kahit na ano. Naging abala rin naman ako sa trabaho. Medyo nawala sa ayos ang mga bagay-bagay sa station ko at kailangan kong ibalik sa ayos ang lahat. Tumaas ang blood pressure at blood sugar ng aking among doktor habang wala ako dahil may pagkapasaway rin siya at nakayan-kayanan niya ang pumalit pansumandali sa akin. May mga pasyente na kailangan kong lambingin dahil na-offend in some ways ng kapalit ko. M

