“NO!” ang bulalas ni Cai, nanlalaki ang mga mata. “Yes,” ang sabi ko habang tumatango-tango. “Umabot sa puntong ganoon ang kahibangan ko, Cai. Nagpunta ako sa mangkukulam.” Nakabalik na mula sa honeymoon sina Cai at Wilder. Kaagad ko silang pinuntahan nang araw na iyon pagkatapos ng trabaho ko sa clinic. Excited ako sa mga pasalubong pero mas excited akong ikuwento sa kanya ang mga nangyari sa akin nitong mga nakakaraang linggo. Ngayong tapos na ang kasal at honeymoon ay kaya ko na siyang abalahin hanggang sa gusto ko. Maaari ko nang kunin ang atensiyon niya mula kay Wilder. It was time she become my best friend. “Alam ko na medyo may pagkaloka-loka ka madalas pero hindi ko talaga inasahan na aabot ka sa puntong ipapakulam mo si Mark.” Mukhang labis na ikinagulat ni Cai ang aking mga

