UMALIS AKONG NAGNGINGITNGIT at labis na nasasaktan. Bumalik akong masaya at mas magaan na ang pakiramdam. Uneventful ang pag-uwi namin ni Daniel. May night shift siya kaya naman madaling-araw pa lang ay umalis na kami sa Baguio para magkaroon pa siya ng kaunting panahon para makapagpahinga. Maayos na ang kalagayan ng kanyang balat pero nagbilin pa rin akong regular niya iyon pahiran ng ointment at moisturizer. Gusto ko rin sanang magtungo siya sa isang dermatologist para masiguro na hindi mag-iiwan ng bakas sa kanyang balat ang eruption. Ang sabi niya ay susubukan niya pero baka maging abala siya masyado sa trabaho sa mga susunod na araw. Nang magalit ako sa kanya ay naglalambing niya akong niyakap at sinabing susubukan niyang talaga at hindi niya pababayaan ang sarili. Naging sapat na iy

