“LAST NIGHT. We’ve only been here for days pero pakiramdam ko ay ang dami nang nangyari sa ating dalawa.” Tinanggap ko muna ang wine glass na inaabot sa akin ni Daniel bago ako sumagot. “True.” May sasabihin pa sana ako pero napatitig na lang ako sa wine glass na hawak ko. May pulang likido roon na sa palagay ko ay wine at hindi grape juice. “May ganitong drama na tayo ngayon?” Banayad niyang pinisil ang aking ilong, natatawa. “I just thought wine will be perfect.” “Hmn.” Imbes na magreklamo ay napagpasyahan kong subukan muna kung magugustuhan ko ang inumin. Totoo kasi ang sinabi niya, parang perfect ang wine. Nasa labas uli kami ng cabin. Nagsindi siya ng mga kandila. Perpekto ang klima, hindi gaanong mababa ang temperatura. Nagustuhan ko ang wine. Hindi iyon ang unang pagkakataon n

