SALUBONG ANG AKING mga kilay habang nakatingin sa balat ni Daniel kinabukasan. Ganap nang humupa ang pamamaga. Hindi na rin pink ang balat niya, nagiging medyo darker na ang kulay. Papunta na sa pagiging brown. Masarap na rin ang tulog niya sa magdamag. He looked so well-rested. Halos hindi mabura ang ngiti sa kanyang mga labi. Masigla ang nanginginang ang kanyang mga mata. I love that look on him. Hindi ko sigurado kung ano ang iisipin, sa totoo lang. Masaya ako na maayos na ang kalagayan niya. Kailangan pa ng TLC ng kanyang balat pero mukhang hindi naman magpepeklat kahit na nagkamot talaga siya nang bongga. Gusto ko isipin na dahil sa mga gamot na ininom at ipinahid niya kaya maayos na siya sa kasalukuyan. Nurse ako kaya iyon ang dapat na ganap na paniwalaan. Pero hindi talaga mawala a

