“SERIOUSLY?” Hindi ako pinansin ni Daniel, ipinasok na lang niya ako sa loob ng kanyang silid. “Ano na lang ang iisipin ng pamilya mo—ng mama mo—kapag nagkulong tayo rito?” Kahit na ganoon ang mga sinasabi ko, hindi pa rin talaga ako tumatanggi. Aminin ko man o hindi, may naramdaman akong excitement sa plano niyang gawin. Isinara ni Daniel ang pinto at isinandal niya ako roon. “Hindi nila mapapansin ang absence natin.” “I highly doubt that.” “Just shut up and let me kiss you.” Tumalima ako at pinagbigyan ang kanyang gusto. Ipinaikot ko ang aking braso sa kanyang leeg at banayad ko pa siyang hinila palapit sa akin. Naipikit ko ang aking mga mata nang magtagpo ang aming mga labi. Banayad sa simula ang paghalik niya hanggang sa tumugon ako. Mabilis na naging mainit at mapusok ang halik

