“I DON’T UNDERSTAND what’s happening.” Napabuntong-hininga ako habang nakatingala sa kisame. Alas dos na ng madaling-araw. “Ako rin, Dan-dan. Ako rin.” “Pinatulog man lang sana ako sa magdamag ng mga gamot.” Hindi ako umimik. Puno ng pag-aalala ang aking dibdib. Pagod na ako sa mga nararamdaman kong guilt at helplessness. Labis na akong naaawa kay Daniel. Hindi na lumala ang kalagayan niya pero hindi rin naman masasabing bumubuti siya. Hindi nahupa ang pamamaga kahit na nakailang dose na siya ng prednisone. “Is this a delayed reaction?” Hindi pa rin ako umimik. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya na kailangan naming magtungo sa mangkukulam pagkasikat ng araw. Halos sigurado na ako sa magiging reaksiyon niya. Nahihiya ako at kinakabahan. Iniisip kong maigi kung kailangan ko ba

