ISINARA KO ANG pinto sa kuwarto ni Daniel, ingat na ingat na huwag makalikha ng ingay. Alas-kuwatro na yata siya nakatulog. Kailangan niya ng tulog kaya hahayaan ko lang siya. Dalangin kong huwag na muna siyang magising hanggang sa tanghali. Mapula at namamaga pa rin ang kanyang balat pero nagpapasalamat ako na nakatulog na siya nang higit pa sa dalawang oras. Sana talaga ay ganap nang tumalab ang mga gamot at ointment. Hindi ko sana siya gustong iwanan pero kailangan ko ring makausap si Madam Virukka. Baka pigilan ako ni Daniel kaya magandang pagkakataon na umalis ako habang natutulog pa siya. Hindi ko rin gusto na mainis pa siya sa akin. Ganap kong naiintindihan ang pinanggagalingan niya. Doktor si Daniel. Hindi siya religious pero hindi rin siya atheist. Naniniwala siya sa higher powe

