HINDI KO NAPANINDIGAN ang pangako ko dahil iritable si Daniel sa maghapon. Sinubukan ko naman talaga siyang aliwin. Sinubukan kong ibaling ang kanyang pansin sa ilang pelikula na nasa tablet ko. Sinubukan ko rin siyang aliwin sa ilang mga kuwento tungkol sa ilang pasyente sa clinic pero hindi niya ako halos pinakikinggan. Abala kasi siya sa pagkakamot. That’s right, hindi katulad ng inasahan ang epekto ng mga gamot at ointment. Parang temporary lang ang epekto sa kanya. Pansumandali lang siyang makakaramdam ng relief pero magfe-flare-up uli. He was absolutely miserable. Awang-awa naman ako sa kanya pero wala akong gaanong magawa para matulungan siya. Ang tanging kaya ko lang ay tulungan siya sa pag-apply ng mga ointment at paypayan siya paminsan-minsan. “Do I look huge? I feel like I’m

