“WAAAH!” Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng sigaw. Talaga namang nagulantang ang mahimbing kong tulog. “Petraaa!” Mabilis akong bumaba ng kama nang marinig ang natatarantang sigaw ni Daniel. Tinungo ko ang sa palagay ko na pinanggagalingan ng tinig, sa banyo. “Bakit? Ano ang nangyari?” ang tanong ko, bahagyang nag-aalala. Napansin ko na hindi pa ganap na maliwanag sa labas. Ano ang dahilan ng pagpa-panic ni Daniel sa mga oras na iyon? Masyado pang maaga para magkaroon ng ganap sa paligid. “Ano ang ipinainom mong gamot sa akin kagabi? Bakit ganito ang hitsura ko?” “Ano ba ang sinasabi mo—“ Natigil akong bigla sa pagsasalita at napamata kay Daniel. Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko mapaniwalaan ang hitsura niya sa kasalukuyan. “Waah!” ang sigaw ko rin. “Ano ang nangyar

