STRICT ANG AKING parents noong nag-aaral pa ako. Hindi ako basta na lang nakakagala kahit na kilala na nila ang mga kaibigan na sasamahan ko. Hindi ako nakakapunta ng ibang lugar kung walang prior notice o official statement mula sa school. Hindi rin basta-basta na lang pumipirma ang Daddy sa mga waiver na iniuuwi ko noon. Understandable naman ang pagiging strict nila. Bukod sa babae ako, only child din lang nila ako. Pareho nang retired ang aking mga magulang. Pareho nang senior citizen. They had me late in life. Med tech si Daddy at nagtrabaho naman sa isang malaking art gallery si Mommy. Ang sabi nila sa akin, inakala nila na hindi na sila magpapakasal noon. Hindi nila halos namalayan na tumanda na silang binata at dalaga. Hanggang sa magtagpo sila at nagpakasal. Then they had me. Hind

