Chapter 36 - Escape Plan?

2570 Words
"Psstt. Umalis na lang kaya tayo rito? Hindi maganda kutob ko sa babaeng iyan eh," pabulong na sabi ko kay Rikinor. Napatingin ako ulit doon sa babaeng ang pangalan ay Aini. Nakaupo siya ngayon sa kama habang naka de kwatro at tinitingnan ang kanyang kuko. "Hindi. Hayaan na muna natin ang mga bagay-bagay sa kung ano ang gusto niya. Saka maayos na rin ito. Para kung sakali, mas malapit tayo sa kalaban," balik niyang bulong sa akin. Nakaupo kami ngayong dalawa ni Rikinor sa sulok ng kwarto malapit doon sa estanteng kinuhanan ko ng mga patalim kanina. Sina Meya naman at Riki ay nakaupo na rin sa sahig at lugar na gusto nila. Pero asahan niyo nang hindi magkatabi yung dalawa. Magkagalit lagi iyon eh. Maiba ang usapan, ilang oras na rin ata kaming nandito. Kahit pa may nakataklob na puting kurtina sa bintana, nakikita ko ang liwanag ng buwan. Mas maliwanag pa ito sa kinabukasan namin ngayon. Malalim na ang gabi pero wala pa ring nangyayaring usad sa amin. Ni hindi man lang kami nakakain sa may canteen kanina. Kung sana lang ay hindi na ako nagmakulit kanina eh di sana nasa canteen pa rin kami ngayon at sana ay may pagkain kami. Kumakalam na ang sikmura ko at naririnig ko ang tunog nito paminsan-minsan. Narinig pa nga ni Rikinor ang pinakahuling pagtunog nito kaya napatitig na lang siya sa akin na siyang ikinahiya ko. Paniguradong gutom na rin itong mga ito pero hindi lang pinapahalata o di kaya'y di lang nila maramdaman iyon ngayon dahil mas nangingibabaw sa kanila ang panatilihing ligtas ang kanilang sarili mula sa dalang panganib ng mga nakapasok. "Dito na lang ba tayo?" Biglang sabi ni Meya sa gitna ng katahimikan sa kwarto. "Maaaring mahanap tayo rito ng mga kalaban ngayong gabi. Kailangan na nating kumilos kahit pagod pa tayo," dagdag niya pa. "Ayoko mang sumang-ayon ngunit tama si Meya, Rikinor. Hindi tayo maaaring manatili rito. Hindi imposible na may nakakita sa ating pumunta rito lalo na't kalat na kalat sa unang palapag ang mga ilusyon," pagsang-ayon ni Riki. Napahinga naman nang malalim si Rikinor at kumuha ng sigarilyo sa bulsa niya. Habang sinisindihan ito ay nagsasalita siya. "Tama kayo. Ngunit hindi natin masisigurado na mabubuhay tayo kapag umalis tayo rito." "Mas ayos na iyon kaysa naman panghabang buhay tayong nakatunganga rito at naghihintay ng mangyayari. Kahit gaano man kaliit, mabuti na ang kahit papaano ay may pag-asa tayo." "Dalawa lang ang mangyayari sa atin sa labas. Iyon ay mamamatay tayo o magiging ligtas tayo at makakalabas dito. Kung dito naman, ganoon din ang maaaring mangyari. Ngunit mas pipiliin ko na ang nauna para magkaroon ng mas malaking pagkakataon na mabuhay. Hindi na ako makakapghintay rito," sabi ni Meya. Tumayo na siya at nagsimulang ihanda ang sarili. "Hmmm... Aalis na kayo? Kawawa naman ako, maiiwan ako rito." Napatingin naman kami kay Aini nang magsalita siya. Hindi naman siya mukhang nag-aalala para sa sarili niya o para sa amin. Nakanguso lang siya na parang isang batangg hindi nabilhan ng candy na gusto pero makikita mo naman sa buong mukha niya na hindi talaga ganoon ang nararamdaman niya. Ano ba talagang trip ng babaeng ito? "Bakit? Ayaw mo sumama?" Tanong naman ni Rikinor nang walang gana. "Hmmm..." Umakto siyang parang nag-iisip pero nararamdaman kong hindi naman talag siya nag-iisip at may sagot na siya. Napakahalata naman ng taong ito kung magpakaplastik. Babaeng-babae talaga. "Siguro. Ayos lang naman. Kaso hinihintay ko pa ang mga kasamahan kong makarating dito. Ang tagal nga nila eh," sabi niya habang aktong nalulungkot. Hinihintay? Siraulo ba siya sinong hiunihintay niya? Eh baka nga... hindi naman sa pagiging negatibo pero... baka nga wala ng buhay ang mga iyon eh. Hindi niya ba naisip iyon? "O sige. Eh paano tayong apat? Ano na gusto niyo bang umalis dalawa? KAnina pa nakasalampak ang pwet niyo diyan ah," sabi ni Meya. "Oo nga, Leo. Kanina ka pa diyan. Saka rinig na rinig ko na iyang pag-ugong ng tiyan mo. Umalis na tayo para makakain ka na," sabay tawa ni Riki. Ah talaga ba, Riki? Kung sa bagay, may punto naman sila. Mas okay nga na gumawa na kami ng paraan na makalabas kaysa maghintay ng sasagip sa amin sa loob. Pero baka kasi maulit lang ngayon ang nangyari sa amin kanina. Baka nga nandoon pa rin ang mga ilousyon na nakita namin kanina. "Makinig kayong dalawa, Meya, Riki. Posible na nasakop na ng mga kalaban ang buong kampo. Hindi magiging madali ang pagtakas natin gaya ng iniisip niyo. Siguradong alam niyo na iyon pero kailangan ko parin ipaalala sa inyo. Hindi imposible na hindi na natin maprotektahan ang isa't isa. Handa ba kayong harapin ang ganoong pangyayari?" Tanong pa ni Rikinor sa kanila. Natahimik naman sila. Panigurado naman kasi na kahit anong tapang ng dalawang iyan, nakakaramdam pa rin ng takot sa mga buhay iyang mga iyan. Kahit naman ako eh. Lalo na ako. Pero sa pagkakataong ito, kaysa magtago rito ay mas pipiliin ko na ring lumaban. Hindi pwedeng panghabambuhay ay dito na lang ako sa likod ng mga anino nila. Alam ko namang matapang na talaga ako dahil kahit noon pa man ay lumalaban na ako sa buhay para kay mama at para kay Kurt na makulit kong kapatid. Pero hindi ko minsan inisip na kailangan kong paabutin ang tapang ko sa level na handa akong itaya ang buhay ko para sa isang bagay. Pero hindi ko naman iyon gagawin ngayon. Kailangan kong maging matapang para mabuhay dahil may mission pa ako--- ang misyon kong makabalik at matulungan si Hiraya pati na rin ang misyon kong makabalik sa aking pamilya. "Handa ako sa kung ano mang mangyayari, Leo. Para saan pang pinangarap kong maging kawal kung hindi ko itataya ang buhay ko para sa kaligtasan ng nakararami?" Tumayo na rin ako at inayos ang sarili. Itinuro ko ang pinto at nauna nang pumuntaroon. Nagsisunuran naman sila. Hinawakan ni Rikinor ang balikat ko at pinaatras palikod. Muntik pa akong matumba pero buti na lang magaling akong magbalanse ng katawan at hindi naman ako kabigatan. "Ano, tara na?" Ito na talaga iyon. Makikipaglaban na talaga ako. Paniguradong marami kaming makakasalubong na kalaban. Hindi pwedeng isipin kong wala kaming kalaban at umakto ako nang isinasaisip iyon. Pero teka nga, bakit parang may nakakalimutan ata kaming gawin? "Sandali lang," pagpigil ko kay Rikinor. Hinawakan niya na kasi yung doorknob pero pinigilan ko siya. Di ako makapaniwalang ganun-ganun na lang at sasabak na kami sa gyera. Wala man lang kaming pinag-isipang gawin! "Ano palang gagawin natin? Wala ba tayong balak o kahit anong panukala para ligtas tayong makaalis dito?" Napaharap naman sa amin si Rikinor, patalikod sa pinto. Naupo kaya't napaupo rin kaming tatlo nina Meya at Riki. Di ako makapaniwalang nakaisip sa amin na gumawa ng plano. Buti na lang pala matalino ako. "Basta kailangan nating makalabas dito at makahingi ng tulong sa ibang kampo. Sila lang ang makakatulong sa atin," sabi ni Riki. "Paano natin gagawin iyon?" Tanong ni Meya. "Pupunta tayo sa labas, malamang. Ngunit kakailanganin nating dumaan sa unang palapag dahil doon lang naman ang daanan papasok at papalabas ng lugar. Siguradong mapapahamak tayo kung ganoon," sabi naman ni Rikinor.. Ilang saglit natahimik ang lahat. Nag-iisip kung ano ang dapat gawin at paano. Kahit ako wala na ring maisip ehh. "Oh eh akala ko ba matalino ka?" Narinig ko naman ang mumunti niyang tawa na siyang ikinairita ko. "Oh? Bakit ka nandito?" "Gusto ko lang namang kahit paano ay iparamdam sa iyo na hindi kita pababayaan. Saka nandito ako para gabayan ka at tulungan kang mabuhay hanggang sa makabalik ka sa inyo. At di ko lang ito ginagawa dahil iyon ang makabubuti kay Hiraya. Ginagawa ko ito dahil nag-aalala din ako sa lagay mo at gusto ko rin ang ikabubuti mo," mahabang sabi niya. Sa isip-isip ko ay tumatanjgo-tango na lang ako sa kanya kahit medyo nacocornyhan ako sa pinagsasasabi niya. "Bakit ka nnga nandito? Tutulungan mo ba kaming makalabas dito?" "Hindi." Hayss. Para saan pang nandito itong babaeng ito? "Oy, Leo! Akala mo ba hindi ko nababasa mga nasa isip mo? Nababasa ko iyon para sa kaalaman mo noh!" "Ahh ganoon ba? O sige paalam na. Wala ka naman palang sasabihin eh." "Sandali lang. Hindi ko kayo tutulungan na makalabas dito ngunit may ibang makakatulong sa inyo." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Sino?" Takang tanong ko sa kanya. "Tingin ka sa kaliwaq mo. Sige na. Paalam." "Teka---" Hindi ko narinig ang boses niya at napahinga na lang ako nang malalim at napamasahe nang matindi sa noo. Napakagulo talaga ng babaeng iyon. "Leo!" Napatuwid naman ako nang upo nang marinig kong isigaw ang pangalan ko. "Ha?" "Ayos ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong ni Riki. Unti-unti naman akong umiling bilang sagot sa kanya. "Hindi. Ayos lang ako." "Siguradon ka. Mukhang problemado ka diyan ah," dagdag niyang komento. "Hindi. Ayos lang talaga ako. Saka sino bang hindi sasakit ang ulo sa ganitong pangyayari," palusot ko na lang. "Kung sa bagay, tama ka." Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun na siyang ikinahinga ko nang maluwag. Napatingin naman ako sa kanan ko at nakita si Rikinor na matiim na nakatitig sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inalis niya na ang titig niya sa akin. Biglang naalala ko naman yung sabi sa akin ng mahiwaga at napakabait kong gabay kaya't napatingin ako sa kaliwa. Muntik na akong mapatalon nang maabutan ko si Aini na nakatitig sa akin. Medyo kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya dahil para bang kinikilatis niya ako at kahit anong oras ay kakainin ako nang buhay. "B-Bakit? May kailangan ka?" Tanong ko kay Aini. Bigla namang napatingin sa akin yung tatlo at kay Aini. "Wala naman. Iniisip ko lang kung tutulungan ko kayo o hindi." Weh? Parang hindi naman iyon ang iniisip niya eh. "Alam niyo kasi..." Tumayo siya at lumapit sa amin. Naupo siya sa gitna namin. Bali kaharap niya ang likod ng pinto. Sa kanan niya ay kami ni Rikinor at sa kaliwa niya ay sina Meya at Riki. "Merong tagong daanan palabas ng kampo. Alam ko kung saan matatagpuan iyon ngunit hindi ko alam kung saan patungo iyon. Ipinakita lang iyon sa akin minsan nang isang nakatataas na kawal." Napakilos naman ang ulo naming lahat papalapit sa kanya para mas mabuti pang marinig ang mga susunod niyang sasabihin. "Kung gusto niyo, maaari ko naman kayong samahan hanggang sa makalabas kayo ng daang iyon para na rin alam ko kung saan ako mapupunta pag lumabas kami ng mga kasama ko papunta roon. Ngunit bahala na kayo kung saan kayo pupunta at kung anong gagawin niyo pagkatapos niyon." Napaisip-isip naman ako sa sinabi niya. Dapat nga hindi ko na pinag-iisipan iyon eh. Dapat, oo na agad! Hihindi pa ba kami rito eh siya nga itong nag-aalok ng tulong. Saka malaking tulong ang isang lihim na daanan! Siguradong walang makakakita kung doon kami dadaan. "Kung ganoon, hindi na kami tatanggi sa tulong mo. Saan matatagpuan ang sinasabi mong lihim na daan?" Napangiti naman siya at umayos ng upo na para bang napakahaba ng sasabihin niya. "Dito lang iyon sa ikalawang palapag. Sa may dulo. Alam niyo naman na tatlo ang daanan dito papunta sa mga silid, di ba? Ang lihim na lagusan ay matatagpuan sa isa sa mga kwarto sa pangatlong daanan, sa pinakahuling kwarto sa kanan. Diyan sa kaharap ko." Ibig niyang sabihin ay doon sa kanan namin. "Kung ganoon, kumilos na tayo. Huwag na tayong gumawa ng pinag-isipang mabuti na gagawin. Basta kailangan lang nating makalagpas sa daanang iyon. Gawin na lang natin ang lahat para mabuhay." Hindi naman kasi ganoon kadaling gawin iyon eh. Itong mga ito talaga. Mamamatay na talaga ako nang maaga. Tumayo na si Rikinor kaya't nagsitayuan na rin kaming lahat. Pumauna si Aini sa aming lahat at siya na rin ang magbubukas ng pinto. "Handa na kayo, ha? Huwag niyo akong sisihin kapag may nangyari sa inyong masama. Pumayag kayo sa mungkahi ko." "Handa kami. Hindi mo na kami kailangang sabihan," sagot ni Rikinor. "Kung ganoon, tayo na!" At binuksan na nga niya ang pinto. Dahan-dahan niya itong binuksan at sumilip muna sa kaliwa't kanan. Nang masiguradong wala namang banta sa buhay namin doon, tuluyan na siyang lumabas nang may malalaking hakbang ngunit walang ingay na nagagawa. Sumunod si Rikinor, si Meya, ako at si Riki. Naging mabilis ang mga pangyayari. Tumakbo kami papunta roon sa sinasabi ni Aini. Nakasunod lang kami sa kanya hanggang sa makarating kami roon. Nang makarating kami sa pinakadulong kwartong sinasabi niya ay sinubukan niya itong buksan ngunit naka-lock ang pinto. Ilang bses niyang inikot-ikot yung hawakan pero walang nangyari. Kailangan ng susi. "Kaya niyo bang buksan ito. Nandito ang sinasabi ko." "Tumabi ka diyan." Si Rikinor ay pumunta sa harap at hinawakan ang doorknob. Nakita kong nagkaroon ng puting ilaw ang kamay niya at mas lalo iyong lumiliwanag habang mas matagal niyang hinahawakan ang doorknob. Ilang segundo lang ay dahan-dahan niya itong inikot at bigla na lang itong natanggal sa pinto at nasira. Tinulak niya ang pinto at bumukas na ito. Hindi naman ako nakapagsalita sa nangyari. "Tara na." Pumasok na naman na kami sa loob. Ang kwartong pinasukan namin ay parang yung kwarto lang din kanina --- isang ordinaryong kwarto para sa mga sundalo. Pero mukhang hindi basta-basta ang nakatira rito dahil sabi nga ni Aini, may lihim na daanan dito. Nasaan kaya iyon? "Halikayo rito." Lumapit naman kami kay Aini na nasa tapat ng isang cabinet. Binuksan niya ito at tumambad sa amin ang gabundok na mga damit. Agad tinanggal ni Aini ang mga damit na iyon at tumambad ang isang kahoy na parihaba na hugis isang pinto. Mukhang lumang-luma na ito at hindi pa nalilinisan dahil may agiw-agiw pa. "Ito na iyon. Halina kay. Kailangan nating makalabas agad dito." Umakyat si Aini sa closet at pilit binuksan ang pinto. Nabuksan niya naman tio pero gumawa ito ng ingay dahil sa lakas ng impact nang buksan niya ito. Nauna nang pumasok si Aini. Susunod na sana si Rikinor pero bigla siyang tumigil at napatingin sa pinto. Umalis siya sa may daanan at sinenyasan kaming mauna. "Bakit Rikinor?" Tanong ko sa kanya. "Basta. Mauna ka na." Hinayaan ko na lang siya pero pinauna ko na sina Meya at Riki. Nagpumilit pa si Riki na paunahin ako epero tinulak ko na siya papasok. Nang makapasok siya ay napatingin ako kay Rikinor at sa tinitingnan niya. Sa labas ng pinto ay wala namang tao. Pero parang may... usok? Nang titigan kong mabuti ang labas ay napagtanto kong hindi usok ang nakikita ko kundi hamog. Palaki ito nang palaki at papalapit nang papalapit sa kwarto agad akong nataranta at hinila si Rikinor. "Rikinor, tara na!" "Mauna ka na. Bilis!" Umakyat naman na kaagad ako para makaakyat na rin siya agad. Nang makaakyat ay agad ko siyang hinila upang pumasok na siya. Nang makaakyat na siya sa may clset ay nakita ko ang hamog na papalapit na rito at nasa likod lang ni Rikinor. "Rikinor, bilis!" Agad ko siyang hiniloa at nagmadali naman siyang gumapang. Nang tuluyan siyang makapasok ay nakadapa siya kaya't agad akong dumagan sa kanya. Bago pa man makapasok ang hamog dito ay isinara ko na ang pinto ng daanan. Hindi ko man naisara ang pinto ng cabinet ay okay na kaysa naman sa wala. Agad akong umalis sa pagkakadagan ko kay Rikinor at siguradong nabibigatan ito sa akin. "Hooh! Muntikan na iyon ah."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD