MIGUEL
“I will get it from you.” Hinawakan ko ang kamay niya at sinubukang tanggalin ang singsing. How come the ring doesn't move a bit on her finger? Nilagyan ba niya ng permanent glue ang daliri niya kaya ayaw matanggal?
This can't be true. It really makes crazy.
Naalala ko bigla ang antic collector na pinagbilhan ko ng singsing. She said something to me. This ring will only fit to the person you will love forever. And Adelle is the one I will love forever. Ipinilig ko ang aking ulo sa isiping iyon. I don't believe such things like that! That’s so superstitious!
“Ayaw po talaga, Sir! Baka matanggal na 'yun daliri ko sa kakahila niyo. Ang sakit na po kaya...” Naiiyak na sabi si Maria. I can see that she is almost crying from the pain but I kept on pulling the ring from her finger.
“No, there must be a way. Kailangang matanggal ang singsing na ito.” Determinado kong sabi sa labanderang parang gusto na akong suntokin. She must be really hurt.
“Hala ka, Sir! Paano na yan? Baka naman po may sumpa ang singsing na ito? Saan niyo po ba nabili 'to? Bakit ganito 'to?" Sunod-sunod na tanong ni Maria sa amo niyang lalaki. She is already crying in vain.
It is her fault why she was in this situation.
“Are you insinuating that it's my fault that you wear it? Sinabi ko bang isukat mo? That's not yours. So, bakit mo isinuot?" Singhal naman ni Miguel sa labandera.
Naghanap ito ng sabon at nilagyan ang paligid ng palasinsingan nito. In that way baka dumulas ang singsing sa daliri nito at tuluyan ng matanggal.
This time sana gumana na. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis kay Maria. Namumula na ang mukha nito habang umiiyak.
“Aray, Sir! Tama na po! Masakit!" Halos mapasigaw na ito sa sakit. Hindi gumagana ang padulas na sabon para maalis ng singsing. Tingin ni Miguel ay mas lalo pa nga iyong sumikip.
"Konting tiis nalang, Maria. We can make it. We can pull that out in your finger.” I tried to cheer her up kahit ang totoo ay gusto ko na siyang sigawan.
“Sir, baka naman maputol na ang daliri ko?” Angal nito ng muli kong hilahin ang singsing.
“Kasalanan mo naman lahat ng ito kaya magtiis ka." Gigil na turan ko rito.
Binanlawan ko ang buong kamay nito. I surrender. Ayaw talaga gumana ng sabon bilang pampadulas sa singsing.
“Sir, ako nalang po ang magtatanggal.” Sumisinghot na sabi ng labandera.
Kung nasa iba kaming pagkakataon ay baka naawa na ako sa kanya.
Tumingin ako sa palasingsingan ni Maria, namumula na ito. At parang may kung anong bombilya sa isip ko na bigla nalang nagpop-out. Naisip kong isubo ang buong daliri nito kung saan nakalagay ang singsing. I will get that ring using my mouth.
Napamulagat si Maria ng makita ang ginawa ko. Nabigla yata sa ginawa kong pagsubo sa daliri nito.
“Hala ka, Sir! Ano po yang ginagawa mo? Kakagatin niyo ba ang daliri ko para makuha niyo ang singsing? Maawa na kayo, Sir! Huwag niyo naman tanggalin ang daliri ko.” Humahagulgol nitong sabi sa akin.
I weirdly looked at her. Hinila ko ang singsing gamit ang bibig ko. Gumalaw lang iyon ng kaunti, ramdam ng bibig ko pero hindi ito sumasama para matanggal ng tuluyan.
Ako pa ang nagulat ng bigla iyong hilahin ni Maria palabas sa bibig ko.
“s**t! This is ridiculous!" Gigil kong usal.
Nagmukha na akong ewan sa ginawa ko pero wala pa rin nangyari.
Napalingon ako ng may marinig na humahagulgol. Maria is sobbing like a little kid. Nakatingin ito sa kamay niya, specifically sa daliri nitong isinubo ko.
"Bakit ka umiiyak? It's your fault, Maria!" I couldn’t resist my temper. And I think, I will lose my control.
Nakasimangot itong humarap sa akin. I can a glint of anger in her eyes.
“Sinong hindi maiiyak, Sir? Nilawayan mo yung daliri ko. You are gross, Sir! Gross!" Huli ko na napagtanto ang ginawa ko. Napatingin ako sa daliri niya. I silently chuckled to myself. Ginawa ko palang lollipop ang daliri ni Maria.
"Laway lang yan! Hugasan mo!" Galit na sagot ko rito para mawala ang kaunting hiya na nararamdaman ko.
Ang arte ng babaeng 'to. Hindi niya ba alam na maraming babae ang may gusto na malawayan niya?
Tumalima naman ito. Lumapit ito sa gripo at naghugas ng kamay. Kinuskos niya iyon sabon na para bang may nakakahawang sakit ang laway ko. Well, dirty naman talaga ang saliva. Pero coming from a handsome man like hindi dapat iyon pandirihan.
"Paano na ito, Sir?" Sumisinghot-singhot na humarap muli sa akin si Maria. Maga na ang mga mata nito sa kaiiyak.
“Dalawa lang ang sagot. Sayo na yan or putulin natin ang daliri mo para matanggal ang singsing ko."
“Huh?!” Mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Or baka ayaw niya lang intindihin ang sinabi ko.
“That’s the only solution I could think. But I am not a bad person. You can keep that ring."
“Talaga po, Sir?" Nakita kong nabuhayan ang mga mata nito sa sinabi ko.
"Pero hindi ko naman pwedeng ibigay yan sayo ng basta-basta lang yan, Maria. Walang libre dito sa mundong ibabaw, lahat dapat pinaghihirapan. Kaya bayaran mo nalang sa akin iyang singsing at tapos na tayo sa usapan."
Tumango naman si Maria sa sinabi ko. Mukhang madali naman itong kausap.
"You know how much it cost?" Tanong ko rito.
I am already trying to intimidate her but damn this woman, she doesn’t even flinch.
"Hindi po, Sir. Magkano po?"
"It only cost 450, 000, Maria. Almost half a million, kung mong iisiping mabuti. Pay me the price and that ring is yours!" Nagulat ito sa laki ng presyo ng singsing. Hindi naman pwet ng baso ang dyamanteng nakakabit sa singsing kaya hindi kagulat-gulat na ganoon kalaki ang presyo nito.
"Sir, sampung libo lang po ang sahod ko rito kada buwan. Paano po ako makakabayad? May paluwagan po akong binabayaran tuwing katapusan. Nakuha ko na rin ang sahod ko doon kasi nagpapagawa po ako ng bahay sa Binangonan. Wala rin po akong savings, Sir. Paano po akong makakabayad? Maawa na kayo Sir, wala po bang ibang option?" Pagmamakaawa nito sa akin.
"Exactly! It will take you four years to pay all your debts kung iaawas iyon sa sahod mo. Four years is too long for me. I need cash and I want it now." I said firmly. How can I be so sure that she will stay with us for four years? Baka tumakas lamang ito.
"So, ano po ang gagawin ko, Sir?" Tanong naman nitong muli.
The nerve of this woman to ask me what do. I didn’t tell her to wear the ring in the first place. I bitterly smiled at her.
"It's either ibalik mo sa akin ang singsing o ipakukulong kita!" Tuluyan ng nawalan ng kulay ang pagmumukha nito.
"Sige Sir, putulin niyo nalang po ang daliri ko. Wala po talaga akong maipambabayad rito.”
And now she is using pity to get away with this.
Nagsimula na naman itong umiyak sa harapan ko. And I am really pissed of her drama.
“Masakit man po ito para sa akin, kung yun lamang po ang solusyon para maibalik ko itong singsing sa inyo. Sige po! Putulin niyo nalang ang daliri ko." At nagsimula na itong humagulgol.
“Will you not cry like that?”
Hilam ng luha ay tumingin ito sa akin. “Hindi ko po kayang tumawa sa isiping puputulin ang daliri ko.”
“Enough, Maria. Stop crying like that.” Utos ko rito.
Okay lang sana kung pa-demure umiyak. Pero para kasi itong kinakatay na baboy kung umatungal. Nainis akong makita siya kaya naman umalis nalang ako.
MARIA
Naiisip ko palang na mawawalan ng isang daliri ay hindi ko na mapigilang umiyak. Hindi ko alam kong anong espiritu ang sumapi sa akin kanina at sinuot ko itong singsing. Hindi ko ugaling mangialam ng gamit ng ibang tao. Ngayon lang.
"Bakit mo kasi pinakialaman iyang singsing?" Galit na galit na tanong ni Manang sa akin.
Naabutan ako ni Manang Sonia na umiiyak kanina matapos iwanan ni Sir Miguel dito sa laundry room. Nagulat ito noong una at tinanong ako kung anong nangyari.
“Hindi ko naman po sinasadya, manang. Natukso lang po akong isukat pero ibabalik ko naman.”
Hinampas ako nito sa balikat gamit ang pamaypay na bitbit palagi. "Napakatigas ng ulo mo, Maria! Kabilin-bilinan ko sayo na kapag may nakita ka sa labahin ay ibalik mo sa akin! Naghahanap ka talaga ng problema!"
"Sorry na po, Manang. Na-engganyo lang naman po akong isukat eh. Ang ganda ganda kasi niya... Hindi ko naman alam na may sumpa pala ang singsing na ito." At umatungal na naman akong muli.
Naghalo na yata ang sipon at luha ko. Pero wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko. Ang nais ko lamang ay matanggal ang singsing na ito sa kamay ko.
Muli ako nitong pinalo ng pamaymay. “Bakit? Tinawag ka ba ng singsing? Maria, sukatin mo ako! Ganun ba, Maria? Napaka-imposible mo talagang bata ka!”
“Sorry na, manang! Kasalanan ko na po.”
“Anong sabi ni Sir Miguel sayo?" Mahahalata mo talaga ang sobrang pagka-bwisit sa akin ni Manang Sonia. Kung hindi lang siguro ako kalakihan ay baka natiris na ako nito.
“Bayaran ko daw po dahil kung hindi ay ipakukulong niya ako.” Sumbong ko rito.
“Santisima!” Napa-sign of the cross bigla ang matanda.
Lumuhod ako sa harapan ni manang. “Manang, tulungan niyo naman ako.”
“Ano naman ang maitutulong ko sa’yo? Gusto mo bang pareho tayong mapalayas dito dahil sa kalokohan mo?”
“Pautangin niyo po ako ng pambayad, manang. Kahit kayo na po ang kumubra ng sahod ko." Matandang dalaga si Manang kaya alam kong may pera itong nakatago.
"Diyos ko mio, Maria! Magkano ba ang kailangan mo?" Mukhang willing naman itong magpahiram.
"450,000 po, Manang." Nabigla yata ito sa presyo ng singsing kaya hindi ito agad nakapagsalita.
Ngunit ng maapuhap nito ang sarili ay agad na naman ako nitong pinalo ng pamaypay. This time masakit na ang pagpalo niya.
"Diyos kong bata ka! Anong akala mo sa akin? Bangko? Saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera, aber?" Gigil na naman nitong tanong sa akin.
"Tulungan niyo po ako, Manang. Ano po ang gagawin ko?" Humagulgol akong muli. “Hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko. At lalong ayaw kong makulong.”
Hinila ako nito nito patayo. “Tumayo ka na riyan, Maria. Huwag mo akong luhuran at hindi ako Diyos.”
Sumunod naman ako sa sinabi nito. Tumayo ako pero ang mga kamay ko ay nasa magkabilang braso ni Manang Sonia. Para akong bata na ayaw maiwanan ng ina.
"Hala! Ayusin mo iyang sarili mo at ako na ang bahalang kumausap kay Sir Miguel.”
Nabuhayan ako ng loob. “Talaga po?”
Tumango naman ito at pinunasan ang luha sa aking pisngi. Para namang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi ng matanda.
“Ipanalangin mo sa mahabaging Maykapal na sana ay pakinggan ako ni Sir Miguel.”
Napayakap ako sa matanda dala ng sobrang kaligayahan. Alam kong hindi niya ako bibiguin.
“Thank you po, manang.” Sinsero kong sabi sa matandang mayordoma.
“Napakatigas kasi ng ulo mo, Maria. Simpleng utos, hindi mo masunod." Parungit nitong muli sa akin.
“Sorry na po, manang. Hindi ko na po talaga uulitin.” Alam ko naman na kahit ilang beses akong manghingi ng sorry ay hindi na maibabalik ang lahat sa dati.
“Sige na. Tapusin mo na iyang ginagawa mo at pupuntahan ko lang si Sir Miguel. Kakausapin ko siya na bigyan ka ng pagkakataong makapagbayad ng paunti-unti.” Mabilis na itong tumalilis.
Ako naman ay naiwang nakatulala sa harap ng washing machine.
Tahimik na nananalangin na sana nga ay makumbinsi ni Manang Sonia si Sir Miguel.