Chapter 18

4167 Words
"Mateo?" Ang bulalas ko. Iyong ekspresyon ng nabigla at hindi makapaniwala. "T-totoo ang mga narinig mo, Mar. Mahirap mang paniwalaan, pero sa unang beses na magtama ang ating mga paningin ay may sumibol na kaagad na pagtatangi sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit. At mas lalong hindi ko alam kung papaano. Maari ngang wala ako sa tamang timing na magpahayag ng naramdaman pero hindi ko na kasi matitiis na nahihirapan kang ganyan. Sa mga narinig kong kwento mula sa'yo, hindi mo kasalanan kung nauwi man sa isang mapait na hiwalayan ang lahat ng sa inyo ni Lukas. Biktima ka lamang ng pagkakataon at ng mga taong mananamantala sa kahinaan ng kanilang kapwa. Huwag mong idiin at parusahan ang sarili mo. Ang ginawa mo ay pagpapakita lamang ng kadakilaan at kung hanggang saan ang kaya mong isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig. Diyan ako bumilib sa'yo nang husto at napaibig. Hindi man ngayon, ngunit handa akong maghintay sa panahon na kung saan handa ka na ulit na magmahal o kung hindi man, kuntento na ako sa kung hanggang saan lang ang pwede mong ibigay sa akin. Basta hayaan mo lang na pakamamahalin kita at alagaan!" Tuluyan ng nabusalan ang aking bibig sa pagpapahayag na iyon ni Mat. Hindi ko alam kung paano mag-react sa kanyang sinabi pero kahit paano, nakaramdam naman ako ng ginhawa nang malamang may tao pa palang nakahandang tumanggap at magmahal sa akin sa kabila ng aking nakaraan bukod sa aking pamilya. May bulong sa aking isip na siya na lang ang lalaking mamahalin ko dahi lumagay na sa tahimik si Lukas sa piling ng iba ngunit hindi naman sumasang-ayon ang aking puso. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon na magdesisyon. Kung kailan iyon, panahon lang ang makapagsabi. Niyakap kong muli si Mat sabay bulong ng, "Salamat" at isang masuyong halik muli ang ginawad niya sa aking tuktok. Matapos ang pag-uusap naming iyon ay inalok niya akong uminom ng kaunti sa kanyang tinutulugang quarter. Pumayag naman ako dahil gusto kong makalimot. Habang nagpatuloy kami sa pag-iinom, napagdesisyunan kong tuluyan nang bigyang laya ang sarili mula sa pagmamahal kay Lukas. Hindi ko na iindain ang mga pagpapaselos niya at iyong kagaspangang ipinapakita niya sa akin. Kailangan kong isilsil sa aking isipan na matagal nang natuldukan ang kabanata ng aming pagmamahalan. Bahagi na lamang iyon ng aming masayang kasaysayan na maari namang gunitain pero hindi na maaring babalikan. May punto si Mat. Hindi ko dapat sisihin ang sarili sa mga nangyari dahil wala naman talaga akong kasalanan. Kung nagkahiwalay man kami ni Lukas, iyon ay dahil sa iyon talaga ang itinakda para sa amin. Hindi namin hawak ang kapalaran kaya kailangang tanggapin kahit gaano man ito kasakit at nakakapanghinayang. Ang mahalaga ay may aral akong napulot. Mas nakilala ko ang aking sarili sa kung saan ang kaya kong maibigay at maisakripisyo sa ngalan ng pagmamahal. Sa mga nangyari sa akin ay mas lalo akong tumibay at naging matatag. Mas lalo kong na-appreciate ang buhay at nabigyan ng kahalagahan. Siguro panahon na para simulang buksan ang puso ko sa iba. Tumagilid akong paharap sa natutulog ng si Mat. Nakatihaya siya at ang kaliwang kamay niya ay nakapatong sa kanyang noo. Napakaamo lang ng kanyang mukha na animo'y anghel na bumaba sa lupa. Sinong mag-aakala na ang makisig na lalaking tulad niya ay iibig sa isang tulad ko. Bumaba ang mga titig ko sa hubad niyang katawan. Napalunok ako. Nakaramdam ako ng init sa katakam-takam na nilalang na nasa aking harapan lalo pa't nakainom ako pero pinigil ko ang sarili. Malaki ang respeto niya sa akin kaya hindi ko iyon dapat abusuhin. "Hindi ka pa matutulog?" Nagising siya. "H-hindi ako makatulog eh" Umaayos ako sa paghiga. "Kung titig nang titig ka ba naman sa akin e, paano ka nga naman niyan makakatulog. Huwag mong sabihing in-love kana sa akin?" "Heto na, matutulog na po!"At ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko na pinansin ang huling sinabi niya. Siya naman iyong tumagilid paharap sa akin. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa isa kong pisngi. Binuksan ko ang aking mga mata. Titig na titig siya sa akin. Sa sobrang lapit niya, nagkaamuyan na kami ng hininga. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking labi. Ewan, pero na-mesmerized ako sa kanyang mga titig na naging dahilan para salubungin ko ang maiinit niyang labi. Dahil sa nakainom kaming pareho naging mapusok ang aming halikan. Hanggang sa dumagan na siya sa akin at ang mga labi niya'y nagsimula ng gumapang pababa sa aking leeg. Nagsimula na ring maglumikot ang aking mga kamay sa maumbok niyang dibdib. Subalit agad din naman kaming natigil sa ginagawa nang may narinig kaming mga yabag papalayo sa kanyang silid. Saka lang din namin napansing nakaawang pala iyong pintuan. Bumangon siya upang isara iyon ngunit nang muli siyang nahiga ay hindi na namin naipagpatuloy ang ginagawa. Ewan, pero ang mga yabag na iyon ang nagpabalik sa amin sa katinuan. "Sino kaya iyon?" Ang tanong ko na lang sa kanya . "Baka si Rodnie, binobosahan tayo" "Huh? Silahis din ba 'yun?" "Malamang. Walang girlfriend e!" "Pag wala bang girlfriend, silahis na agad? E, pwede namang hindi pa lang luma-lovelife iyong tao?" "Tingnan mo, ikaw, walang girlfriend. Wala rin ako. At mas lalong wala sina Ricky at Lukas, hindi pa ba malaking proof iyon? Duda na nga rin ako sa dalawa pang trabahador e. Pwede na tayong mag-orgy dito, orgy sa rancho. Hehehe" "Mukha mo. Mamaya mahuli pa tayo ng PDEA. Pagpiyestahan ng mga netizen at ng medya!" "Bakit ba. Hindi naman tayo nagdu-druga. Sabi nga ni Pia Wurtzbach, being gay is not a crime diba?" At doon ko na siya hinambalos ng unan sa mukha. Nagkatawanan kami bago muling nagpasyang matulog. Nagising akong wala na sa tabi si Mat. Bumangon ako at tumungong kusina para maghilamos at magsipilyo. Naratnan ko naman si Rodnie na kasalukuyang nagpapainit ng tubig sa takuri. "Nakita mo ba si Mat, Rod?" Ang tanong ko habang naghihilamos. "Pinatawag ni Sir Lukas. Mukhang may pinag-uusapan sila" "Ganito kaaga?" "Ewan, baka importante lang" Lumabas ako ng quarter upang tumungong kwadra. Sa gaanong oras kasi pinapakain ng dayami ang mga alagang kabayo. Laking gulat ko naman nang maratnan ko roon si Mat, himas-himas ang mukha ni Mat-mat. Pansin ako ang lungkot sa kanyang mukha at laglag ang mga balikat. Mukhang may dinadala siyang problema. "Maaga ka raw pinatawag ni Lukas, may problema ba?" Ang tanong ko nang makalapit sa kanya. Humarap siya sa akin kasabay ng isang malalim na buntong-hininga. "Nagpaalam lang ako" "Bakit, saan ka pupunta?" "May natanggap kasi akong text kaninang madaling araw. Na-stroke ang Itay kaya kinailangan kong makauwi sa lalong madaling panahon!" Bigla akong nanlumo sa narinig. Hindi kasi biro ang ma-stroke at alam ko kung gaano kamaselan ang lagay ng taong na-stroke na maaring ikaparalisa ng buong katawan at ang pinakamasklap maari itong hahantong sa kamatayan. "Kumusta naman daw ang lagay ng Itay mo?" "Hindi ko pa alam e. Kanina pa ako tumatawag pero patay ang linya nila. Kailangan ko na talagang makauwi agad ng Mindoro para malaman ko ang lagay ni Itay at makapag-abot ng pera" "Kailan naman ang balik mo?" "Siguro sa isang buwan o baka higit pa. Depende sa kalagayan ng Itay ko" Nakaramdam naman ako ng lungkot sa pag-alis ni Mat. Sa mahigit isang buwan naming magkasama sa rancho ay napalapit na ang loob ko sa kanya. Siya kasi iyong naging sandigan ko sa lahat ng bagay at naging katuwang ko sa hirap ng mga gawain. Iyong mga payo niya ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para muling bumangon mula sa aking pagkakadapa. Sa kanya ko rin na-realised na hindi ko dapat ibunton ang lahat ng sisi sa aking sarili sa kung anuman ang mga nangyari ng nakalipas. At higit sa lahat, aaminin kong mami-miss ko siya. Hindi na niya nagawang mag-almusal. Kailangan na raw kasi niyang umalis nang maaga para maaga rin siyang makarating sa Mindoro. Inihabilin niya sa akin si Mat-mat. Ako raw muna ang magiging amo nito habang wala siya. Hinatid ko siya hanggang sa bungad ng rancho. Isang mahigpit na yakap ang iginawad namin sa isa't isa bago siya nagpaalam na umalis. Bumalik ako ng rancho at nag-almusal kasama si Rodnie. Pagkatapos, tumungo akong kwadra para simulan ang kalahating araw na namang paglilinis. Nasa kasagsagan ako ng paglilinis ng, "Mario, may naghahanap sa'yo!" Boses iyon ni Rodnie. Akmang lilingon ako, "Mar, kumusta ka na? Wait, ano 'yang ginagawa mo?" Bulalas ni Gina. Itinabi ko muna ang hawak kong mga panlinis at sinalubong siya. Iginaya ko siya sa lilim ng puno ng kamatsile sa labas para doon maupo at mag-usap. "Pumunta ako sa bahay n'yo. At ang sabi ng Inay mo, dito ka na raw nagtatrabaho. Di ko akalain, caregiver ka na pala ng mga baka at kabayo?" "Mabuti na ito kaysa wala. Alam mo namang hindi pa ako pupuwedeng magtrabaho na naayon sa propisyon ko" "Sabagay, pero hindi kaya nakokompriso na ang kalusugan mo? Pumayat ka ah. Mabibigat ang mga gawain dito, Mar" "Namulat ako sa hirap, Gina kaya sanay ako sa anumang mabibigat na gawain. Saka nag-enjoy na rin ako dito" "Dahil ba kay Lukas?" Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Hindi kaagad ako nakapagsalita. "Yes, Mar. Alam kong si Lukas ang may-ari nitong rancho at alam ko rin ang mga ginagawa niyang pagpapahirap sa'yo" "Paano mo—" "—Kay Trexor. Sa kanya ko nalaman ang lahat kaya napasugod ako rito para kausapin iyang ex mo..." Halatang gigil si Gina. Mukhang seryoso sa gagawing panunumbat. "...Kailangan niyang malaman ang katotohanan sa likod ng pakipaghiwalay mo noon sa kanya. Kailangan din niyang malaman ang ginawa mong pagsakripisyo para lang mailayo sa kapahamakan ang buhay niya mula sa isa mo pang siraulong ex" "Pwede bang huwag na lang Gina. Maayos naman ang lagay ko dito. Tsaka, nakaraan na iyon, nangyari na ang lahat. Hindi na nito kayang baguhin ang kasalukuyan" Pakiusap ko sa kanya. "Maayos? Inaalila ka niya tapos ayos lang? "Sapat naman ang pinapasod niya sa akin kaya wala akong nakikitang problema" "Hay, nakakaloka ka Mar. Hindi kita maiintindihan kung bakit hanggang ngayon ay kailangan mong magtiis at magsakripisyo nang dahil sa lalaking iyan. Wala ka namang kasalanan ay kung bakit kailangan mong magtiis ng ganyan!" "Iyon ang paniniwala niya at kailangan ko iyong pagbayaran" "God—" Sapo ang kanyang noo. "—Huwag kang magpakabulag, may kinakasama na si Lukas kaya hayaan mo ang sarili mong makahanap ng iba" "Alam ko at wala sa hinagap kong hilingin sa kanyang maging kami ulit. Sapat na sa akin na muling maibalik ang aming pagkakaibigan" "Paano kung ayaw niya? Huwag mong sabihing magpapakahirap ka pa rin dito? Hahayaan mo na lang na alilain ka niya?" Hindi ako nakasagot. Tanging ang pagbuga ng hangin ang tangi kong nagawa. At dahil doon mas lalong nanggagalaiti si Gina. "Saan na ba ang Lukas na 'yan at kausapin ko!" Akmang tatayo na siya ay pinigil ko siya sa braso. "Huwag na Gina, nakikiusap ako. Pagmaka-graduate na sina Leny at Rolly ay aalis din agad ako rito. Pagtiisan ko na lamang muna itong trabahong ito. At tatanawin ko na lang din na iyong kagaspangan niya sa akin ay kalakip iyon sa sweldong tinatanggap ko!" Nagsusumamo ang aking mga matang nakatitig sa kanya. Muli siyang bumalik sa upuang yari sa malaking tabla. "Okey, sa ngayon sisikapin kong intindihin ka, Mar dahil kaibigan kita. Pero sa oras na malaman kong labis-labis na ang pinagagawa niya sa'yo pasensiyahan na lang at talagang ako ang makakalaban ng Lukas na 'yan. Hindi ako natatakot kahit siya pa ang pinakamayang tao dito sa Mariveles, itaga mo 'yan sa balat ng mga kabayong nandito!" Medyo natawa ako sa huli niyang tinuran pero infairnes, mas lalo akong napahanga sa pagmamalasakit sa akin ni Gina. Talagang ipinapadama niya na isa siyang tunay na kaibigan at hinding-hindi iiwan lalo na sa panahon ng kagipitan. "Ito lang ba ang sadya nang pagpunta mo rito?" Pag-iiba ko ng usapan. "Hindi. Binisita ko lang din si Tita at mamayang hapon magkikita kami ng manliligaw ko!" Kinilig. "Manliligaw? Saan na pala iyong boyfriend mo?" "Brake na kami. Napag-alaman ko kasing may iba siya at lalaki pa?" "Silahis si Yowhan?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Minsan din kasi itong sumama kay Gina nang bumisita sa akin sa Bilibid. Wala maman akong naamoy sa kanya. "Corrected by! Kaya pala palaging nagpapa-load ay dahil abala sa pang-i-stalk ng mga machong lalaki sa sss at Twitter, gamit ang sandamakmak niyang dummy accounts, my gosh. Kaya natuto na ako. Hindi na ako tumatanggap ng manliligaw na tiga-siyudad dahil alam ko ang totoong silakbo ng damdamin ng mga taga-roon. Sa panahon ngayon, sa probinsiya na lamang matatagpuan ang tunay na mga lalaki!" Tawanan. Ilang sandali pa'y nagpaalam na si Gina dahil sasaglit pa siya sa kanyang Tita. Hinatid ko siya sa bungad ng rancho. At no'ng bumalik na ako sa kwadra ay siya namang pagdating ni Lukas mula sa pangangabayo. Wala siyang damit pang-itaas kaya kitang-kita ko ang nangingintab sa pawis niyang katawan na hanggang ngayon nagdudulot pa rin sa akin ng kakaibang init. "Ang aga mo namang makipagtsismisan. Sayang naman ang pinapashod namin sa'yo kung palagi kang ganyan!" Salubong niya sa akin. Mataas ang tono ng kanyang boses. "S-si Gina iyon. Hindi ko inasahan ang pagbisita niya!" Ang tugon kong hindi makatingin sa kanya nang deretso. "Alam ko at wala akong pakialam sa kung sino ang bibisita sa'yo basta ba hindi makokompromiso ang mga gawain mo!" At talagang tumaas na ang kanyang boses. "Sorry. Hindi na mauulit!" "Dapat lang dahil kung hindi mapipilitan akong papaalisin ka sa rancho. Dahil sa totoo lang, nasusuka ako kapag nakikita iyang pagmumukha mo. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa aking isipan ang ginawa mong kataksilan kasama ng boyfriend mo!" "Patawarin mo ako, Koy. Pinagsisihan ko na ang mga kamaliang iyon. Aaminin kong pinagdusahan ko na nang husto ang ginawa ko sa'yo" Pahayag ko sa garalgal kong boses. Tiningnan ko siya sa mata. Nais kong ipabatid kung gaano ako katotoo sa aking mga sinabi "Tapos ano? Makipagbalikan ka sa akin? May gana ka pang kainin muli ang minsang isinuka mo na? Iyan ba ang dahilan kung bakit nag-apply ka dito sa rancho gayung marami naman diyang pwede mong pasukan?" "Tao lang ako, nagkakamali. Kaya nga heto ako muling bumabangon. Noon pa man, ipinagdarasal ko na sana'y makita kitang muli para makahingi ng tawad ngunit hindi ako pinagbigyan ng pagkakataon. Nang mag-apply ako rito, wala akong kaalam-alam na isa ka sa may-ari nito hanggang sa isang araw pinatawag ako sa opisina at nakita kita. Natuwa ako dahil sa wakas sinagot na rin ang aking mga dasal. Aaminin kong mahal pa rin kita hanggang ngayon at walang nagbago sa nararamdaman ko sa'yo subalit wala naman akong planong makipagbalikan pa dahil alam ko kung gaano mo ako kinasusuklaman. Isa pa may bago ka ng kinakasama at batid kong mahal mo siya, nagmamahalan kayo at ayokong makikigulo. Ayokong makisawsaw sa isang pag-ibig na hindi na inilaan para sa akin. Ang tanging hiling ko lang na sana'y matanggap mo akong muli bilang kaibigan!" "Sa dinami-raming tao sa mundo, ako pa talaga ang gusto mong maging kaibigan? Sigurado ka bang iyan lang gusto mo o baka naman ang yaman ko lang ang habol mo? Don't get me wrong, Mario dahil iyan ang dahilan kung bakit mo ako ipinagpalit kay Keith. Sariwa pa sa utak ko ang masasakit na salitang binitawan mo sa aking mahal mo nga ako pero sana lang kayang buhayin ng pagmamahal ko ang nagdarahop mong pamilya, na ako'y isang hamak na gwardiya lang na kahit gugulin ko pa ang buong araw ko sa trabaho ay hindi pa rin ito sasapat na makamit ang kaginhawaang pinapangarap mo. Kung alam mo lang kung anong klaseng hirap ang dinanas ko nang mawala ka sa buhay ko. Ilang taon kitang iniyakan. Ilang taon kong ipinagsisigawan ang pangalan mo. Ilang beses kong tinangkang wakasan ang aking buhay dahil hirap kong tanggaping dahil lang sa aking pagiging dukha, winakasan mo ang pagmamahalan natin. Kung nahihirapan at nasasaktan ka man ngayon, kulang pa iyan sa sakit na dinanas ko noong iniwan mo ako. Kaya kahit maglumuhod ka pa sa harapan ko, hinding-hindi ko maibibigay ang hinihingi mo!" "Hindi ko naman hinihingi nang agaran ang kapatawaran mo. Handa akong maghintay kung kailan mo iyon maibigay..." Hindi ako nakapagpigil na lumapit sa kanya para siya ay yakapin subalit malakas niya akong itinulak at sumadsad ako sa damuhan. "...Huwag mo akong mayakap-yakap o kahit ang mahawakan man lang dahil nandidiri ako sa'yo. Sinasabi mong mahal mo pa rin ako tapos kagabi lang, nakipaghalikan ka kay Mateo? Bilib din ako sa pagiging higad mo. Balak mo yatang tikman ang lahat ng lalaking nandito!" Iyon lang at tumalikod na siya at nagtuloy-tuloy sa kanilang bahay. Dahan-dahan naman akong tumayo at pinagpagan ang sarili habang ang mga mata ko'y nakatuon sa kanyang paglayo. Siya pala iyong nakakita sa halikan namin ni Mat nang nagdaang gabi. Nagsisi tuloy ako kung bakit nagpatangay sa kapusukan ni Mateo. Mas lalong nawalan ako ng sinseridad sa paghingi ng patawad kay Lukas dahil sa kanyang nasaksihan. At mas lalong bumaba pa ang aking pagkatao sa kanyang paningin. May nangyari mang kumprontasyon sa pagitan namin ni Lukas, naging normal pa rin naman ang pamamasukan ko sa rancho. Iyon nga lang hindi na niya ako pinapansin maliban na lamang kung may ipag-uutos siya sa akin. Tuloy pa rin ang lantaran niyang pakikipagharutan kay Ricky kaya naman pumasok sa isip kong paraan niya iyon para pagseselosin ako at ibalik ang sakit na idinulot ko noon sa kanya. Sa totoo lang matagal na siyang nagtagumpay. Nang malaman kong siya ang live-in-partner ni Ricky ay parang hiniwa ang puso ko sa sobrang sakit. Napagtanto kong hindi ko pa pala kayang makita siyang inaangkin ng iba. Ngunit hanggang sa pagluha na lamang ang pwede kong gawin dahil wala naman akong karapatan para ipaglaban at bawiin siyang muli. Sana lang kaya kong maibalik ang nakaraan upang maitama ang mali kong nagawa. Ang mga nakalipas ay hindi na maaring balikan. Kailangan kong makubinse ang aking puso na malabo na ang kanyang inaasam, ang muling makuha ang loob ng lalaking kanyang itinitibok. Panahon na para ibaling sa iba ang aking atensiyon. Pagbigyan ang taong kumakatok at naghahangad na makamit ang aking pagmamahal. Kung ako lang sana ang masusunod, ayoko ng magmahal pa at di bale ng tumanda akong nag-iisa. Pero paano kung nasa paligid ko lang pala ang taong itinadhana para sa akin at naghihintay lang ng aking pansin? Pumasok sa isip ko si Mateo. Hindi kaya siya ang lalaking para sa akin? Sa totoo lang, hindi siya mahirap mahalin, bukod sa biniyayaan ng magandang katangiang-pisikal, taglay din niya ang mabuting pag-uugali. Madalas na sinasabing, hindi natuturuan ang puso, pero pwede naman sigurong pag-aralan ang pagmamahal. Nasa ganoon akong pagmumuni-muni sa harap ng lawa habang nagpapastol ng mga tupa nang biglang may pumiring sa aking mga mata. "Sino ka?" "Hulaan mo kung sino?" Pinapaliit nito ang boses ng parang sa dwende. "Umayos ka nga. Paano kita mahuhulaan kung ganyang iniiba mo ang iyong boses" "Isang buwan lang akong nawala, limot mo na kaagad ako!" Kunwaring nagtatampo ang kanyang boses "Mat, ikaw ba yan?" Bulalas ko. Nakaramdam ako ng kakaibang excitement sa kanyang pagbabalik at siyempre gusto ko ring kumustahin ang lagay ng kanyang Itay. "Oo, narito na ulit ako, mahal ko!" Humarap siya sa akin. Pinisil niya ang magkabila kong pisngi saka tumabi ng upo. Sinabi niyang ayos na ang lagay ng kanyang ama bagama't paralisado ang kabilang binti nito. Laking pasalamat niya at mild lang ang stroke ng kanyang Itay. "Kumusta ka rito habang wala ako?" "A-ayos lang naman, medyo namiss ka" "Medyo lang? E, ako nga, halos hindi makatulog sa sobrang pagka-miss sa'yo" Nayayamot niyang pahayag. "Sinabi ko bang hindi ka matutulog?" "Hindi. Pero talaga bang nami-miss mo ako?" "Oo sabi. Paulit-ulit? Sumeryoso ang kanyang mukha nang tumitig sa akin. "Kung gano'n, mahal mo na rin ako?" "Binubuksan ko na ang puso ko sa'yo Mat. Mahirap kalimutan si Lukas lalo pa't nariyan lang siya sa paligid, nakikita ko sa araw-araw. Pero ayaw kong maging maramot sa sarili ko at pati na sa'yo. Napag-isip ko, karapatan ko rin ang lumigaya. Hindi ko dapat na parusahan ang aking sarili at iiwas sa mga taong nagparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa akin. Kailangan kong sumubok muli. May isang pag-ibig na akong sinayang at ayokong mangyari ulit iyon sa kasalukuyan. Hindi paman kasing sidhi ng nararamdaman mo sa akin ang nararamdaman ko sa'yo pero may puwang ka na sa puso ko at iyon ang nais kong palaguin!" Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi kasabay nang pagbagsak ng iilang butil ng luha sa kanyang mga mata. Batid kong dahil iyon sa magandang balitang bumungad sa kanyang pagbabalik. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Ipinikit ko ang aking mga mata at mainit na sinalubong ang kanyang mga labi na dumampi sa aking mga labi. Ilang minuto ring nagtagal ang mainit naming halikan. Habol namin ang hininga nang kumalas kami sa isa't isa. "So, paano, pwede na tayo mamayang gabi?" Pilyong tanong niya sa akin. "Anong pwede?" Nagpademure ako kunwari kahit na alam ko ang ibig niyang tumbukin. "Iyong ano..." Sabay himas sa bandang pwetan ko. "Manigas ka. Hindi pa tayo kasal no?" Binalibag ko ang kamay niya. Nakita kong napakamot siya sa ulo. "Isang taon ko pang pag-iipunan ang kasal natin, ibig sabihin, isang taon rin ang hihintayin ko bago ako maka-jugjug nito, pambihira!" "E, di, jumug-jug ka sa mga kabayo kung gusto mo" Tawanan. Ilang sandali pa'y nag-anyaya na siyang umuwi dahil nasasabik na raw siyang matikman ang luto kong tinolang native na manok. Ipinakisuyo na lang namin sa isa naming kasamahan ang mga tupa at baka na kasalukuyan pang kumakain sa damuhan. Nang makarating kami ng quarter ay agad siyang nagkatay ng manok. Nilinis niya iyon saka hiniwa sa katamtamang laki. Pagkatapos siya na rin ang nagsalang nito sa kalan at naglagay ng mga sangkap at rekados. Kung tutuusin siya na ang umako sa pagluluto maliban na lamang sa pagtimpla nito na ako ang gumawa. Sa ilalim ng puno ng kamatsile kami kumain sa tapat ng quarter. May mesa kasi rito at upuan. Habang nasa kasagsagan naman kami sa pagkain nang lumabas si Lukas mula sa kwadra. "Pre, sabay ka na sa amin" Niyakag siya ni Mat ngunit hindi ito sumagot. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglakad na para bang walang nakikitang tao sa paligid. Pansin kong hindi na naman ma-drawing ang kanyang pagmumukha. Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain. Hindi pa man matatawag na opisyal ang relasyon namin ni Mat ngunit kung itatrato niya ako ay daig pa ang tunay na asawa. Talagang nag-e-efort siyang patunayan ang sarili niya sa akin. Minsan kapag wala siyang ginagawa, ay siya na ang umaako sa mga gawain na kahit hindi ako pumapayag ay talagang mapilit siya. Kapag pareho kaming walang ginagawa ay tinuturuan niya akong mangabayo. Ako iyong nasa unahan ng kabayo at siya iyong nasa likuran na gumigiya sa akin sa tamang pagpapatakbo. At kapag ganoong tinuturuan niya ako, hindi mawawala iyong mga yakapan at tsansingan. Habang nasa ganoon naman kaming ayos ay pansin ko ang mga panakaw na tingin sa amin ni Lukas. Kapag nagkahulihan naman kami, siya iyong unang umiiwas ng tingin. Ayaw ko namang mag-isip na nagseselos siya kaya hindi ko na iyon binibigyang pansin. Sa tuwing pinapasaringan niya ako ng mga maaanghang at masasakit na salita ay pinapalagpas ko na lamang iyon sa isa kong tainga. Bagama't siya iyong amo, iniisip ko na lamang na parang hindi siya nag-eexist sa rancho. 'Po at 'opo' na lamang ang tanging sagot ko sa kanya kapag kinakausap niya ako na related sa trabaho. Minsan pa nga ay pagtango na lamang ang tugon ko sa kanya kapag may ipinag-uutos siya. Talagang seryoso na ako sa gagawing pag-move-on at pagbaling ng buong atensiyon at pagmamahal kay Mat. At plano ko kapag maka-graduate na ang dalawa kong kapatid ay magre-resign na ako para tuluyan nang makaiwas sa kanya. Pagtutuunan ko na lamang muli ang pagmamanage sa ipinatayo kong tindahan. Iyon na nga ang aking ginawa. Nang maka-graduate sina Leny at Rolly ay kaagad kong kinausap si Ricky tungkol sa matagal ko ng planong pag-resign. Pumayag naman siya kahit labag iyon sa kanyang kalooban. Kahit paano, napalapit na raw kasi ang loob niya sa akin dahil sa ipinakita kong kasipagan sa trabaho kahit na hindi naman iyon naaayon sa aking propisyon. Alam kasi niyang isa akong accounting staff sa kompanyang dati kong pinapasukan. Buong akala ko ay magiging mapayapa na ang aking puso at isipan kapag mapalayo na kay Lukas. Ngunit hindi ko maitatangging tinatamaan pa rin ako ng lumbay kapag pumapasok ang kanyang kabuuan sa aking isipan. Minsan kapag wala akong ginagawa sa tindahan ay sasaglit ako sa rancho upang kunwaring bibistahin si Mat pero sa totoo lang si Lukas ang talagang pakay ko. Sa madalas kong pagkukunwari ay hindi maiwasan ang pag-usig sa akin ng aking konsensiya. Umaasa kasi sa akin si Mat na sinisimulan ko na siyang mahalin ngunit hayan, si Lukas pa rin ang may hawak ng malaking bahagi ng aking puso. Kaya para tuluyan ko na siyang mabura sa aking buong sistema ay pinipigil ko na ang udyok na bumisita pa roon. Ginagawa ko na lamang busy ang aking sarili sa tindahan. Pursigido na akong si Mateo na ang lalaking makakasama ko sa habambuhay. Ngunit isang gabi nang umuwi si Mat ay dala niya ang balitang may malaking epekto sa gagawin kong papagpapasya sa aking buhay. Ang balitang iyon ang dahilan nang paghihilaan ng aking puso at isip kung itutuloy ko pa ba ang pinagtimbang-timabang na desisyong, ang tuluyang maging bahagi si Mat sa aking buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD