Chapter 17

4577 Words
"Anong ginagawa mo rito?" Ang tanong niya sa akin. Mas nangingibaw sa tono nito ang galit kaysa gulat sa muling pagkrus ng aming landas. "Ako iyong bagong trabahador ng rancho—" "—Na tatanga-tanga at hinayaang malason ang mga alagang hayop. Ano ba ang ginagawa mo sa buong maghapon, lumalandi sa ibang mga trabahador?" "Sorry!" Ang katagang tanging lumabas sa aking bibig. Gusto ko sanang pabulaanan ang kanyang mga sinabi pero pakiramdmam ko parang binusalan ang aking bibig. Nilamon ako ng kanyang mga matutulis na titig. Matagal ko ng pinangarap na sana muling magkrus ang aming mga landas subalit parang hindi pa yata ako handa na muling makaharap siya. Ang lalaki na minahal ko nang husto ngunit ipinagpalit sa iba ngayo'y ibang-iba na. Mas lalo na siyang gumwapo sa aking paningin. Pumuti at kuminis na rin ang dating moreno niyang kutis. At higit sa lahat mas lalong naging katakam-takam ang hubog ng kanyang katawan na maihahanay na sa mga sikat at naguguwapohang mga modelo ng bansa. "Iyan lang ba ang sasabihin mo, sorry? Kung sana nadadaan sa sorry ang lahat ng bagay, e di sana wala ng pulis at militar sa mundo?" Binigyang diin niya ang salitang SORRY. Halatang iba ang ipinapakahulugan niya nito na nakuha ko rin naman. "Kung hindi mo matatanggap ang paghingi ko ng kapatawaran, tatanggapin ko kung anuman ang magiging kapalit ng kasalanang nagawa ko. Handa akong pagbayaran iyon...!" Iba din ang nais kong ipakahulugan sa mga salitang iyon sana lang din ay nakuha niya. "...Subalit kakapalan ko na ang aking mukha na makiusap na sana hindi mo ako aalisin sa trabaho sapagkat kailangan ko ito lalo pa't nasa huling taon na sa kolehiyo ang dalawa kong kapatid!" "Nasaan na pala iyong mayaman mong boyfriend? Iniwan mo na o ikaw iyong iniwanan at ipinagpalit sa iba?" Hindi na ako pumatol pa sa kanyang sinabi. Mukhang sa panunumbat rin lang naman kasi ang patutunguhan ng pag-uusap naming iyon. "Bakit hindi ka makapagsalita? O baka naman naghahanap ka lang ng mahuhuthan na di-hamak na mas mayaman pa sa kanya? Gamugamo nga naman, kung nasaan ang liwanag doon sumusunggab" Umiling ako. Dahan-dahang bumagsak ang aking mga luha dahil sa masasakit na salitang ipinupukol niya sa akin. Hinihiwa ang puso ko na marinig ang mga bintang niya, sabagay, wala rin naman siyang alam sa kung ano ang katotohanan at kung iyon lang ang paraan para maibsan ang poot at galit na nararamdaman niya sa akin ay nakahanda akong tanggapin iyon. May udyok sa akin na sabihin sa kanya ang totoo subalit sa tingin ko, mukhang hindi rin naman siya maniniwala sa lahat ng aking sasabihin. Nakatanim na sa kanyang damdamin ang nagawa kong kataksilan at kung paano ko minaliit ang kanyang pagkatao. Sa tingin ko hindi pa ito ang tamang oras para sa bagay na iyon. Kung kailan, hindi ko alam. Panahon lang ang makapagsasabi. Wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang ipakita ang aking labis na pagsisisi sa maling nagawa ko at humingi ng kapatawaran. "W-wala na ho ba kayong sasabihin, Sir? Aalis na muna ako dahil marami pa kaming gagawin sa rancho" Akmang tatalikod ako. "Sandali!" "Bakit ho?" "Babaguhin ko ang mga working assignments mo. Simula sa araw na ito, dito ka na magtatrabaho sa bahay bilang houseboy at kung maaga mong matapos ang mga gawain dito, doon ka naman sa kwadra ng mga kabayo. Hindi na kita pinahihintulutang magpastol pa ng mga hayop at nang saganun madali para sa akin na tawagin ka kapag may kailangan ako at ipag-uutos!" "Sige po, magpapaalam lang ako kay Mateo" "Hindi na kailangan, ako ang amo rito kaya wala ng dahilan pa para magpaalam ka sa kanya. At saka, huwag mong ipagsasabi na may relasyon tayo noon dahil matagal ko na iyong kinalimutan. Naka-move-on na ako at nakahanap na ng pamalit mo at iyon ay si Ricky, got it?" Lumabas ako ng opisina habang tigib sa luha ang aking mga mata. Hindi dahil sa masasakit niyang mga salita kundi dahil sa katotohanang may umangkin na sa kanyang iba. Ang sakit pala kapag malalaman mong may iba ng tinatangi ang lalaking iniibig mong tunay. Ganoon din siguro ang nararamdaman niya noong sinabi kong ayaw ko na sa kanya. Ang lahat ng pasakit na idinulot ko sa kanya noon ay unti-unti ng bumabalik sa akin. Dumeretso akong kusina at doon ko itinuloy ang pag-iyak habang naghahanap sa ref kung anong pwedeng lulutuing ulam. Hindi man niya iyon ipinag-utos pero bilang bagong houseboy nila, iyon ang sa tingin kong pwedeng gawin lalo pa't tanghali na. May nakita akong karne ng native na manok at pumasok bigla sa isip kong magluto ng tinola, iyon kasi ang isa sa mga paboritong ulam ni Lukas. Hinugasahan ko iyon at hiniwa ng katamtamang laki ang bawat parte ng manok. Pagkatapos, itinabi ko muna ang mga ito at lumabas ng kusina upang manungkit ng papaya sa may likod-bahay. "Mar, ano iyang ginagawa mo?" Gulat na tanong ni Mat ng makita niya akong nanunungkit ng bunga ng papaya. Nagmamadali siyang lumapit sa akin. "Sumusungkit ng papaya" Ang tugon ko naman. "Alam kong nanungkit ka pero bakit at para saan iyan?" "Isasahog ko sa tinola. Sabi kasi ni Sir, simula sa araw na ito ako na ang bagong houseboy nila. At kapag tapos na ako sa mga gawaing bahay, ang kwadra na naman daw ang aatupagin ko at hindi niya ako pinahihintulang magpastol pa ng mga hayop doon sa damuhan. Binago na niya ang working assignments ko" "Ganun ba? E, kumusta iyong pag-uusap n'yo, pinagtaasan ka ba niya ng boses?" Kinuha niya ang mahabang panungkit na hawak ko at siya na ang umako sa pagsungkit. Sa isang tira niya lang, laglag ang isang bunga, pinulot ko. "Medyo tumaas ang boses niya. Naiintindihan ko naman iyon dahil malaki-laki rin kaya ang halaga ng namatay na mga tupa" "Bakit namumula iyang mga mata mo, huwag mong sabihing napuwing kana naman. Sabihin mo kung pinagalitan ka niya at hindi ako magdadalawang isip na sugurin ang lalaking iyon kahit siya pa ang amo rito. Malinaw na sinadyang nilagyan ng lason ang lawa at labas ka na roon" "Hindi naman. Naghihiwa kasi ako ng sibuyas kaya namumula ang mga mata ko!" Ang pagsisinungaling ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanya ang totoo at baka maungkat pa ang tungkol sa aming nakaraan ni Lukas na siyang ayaw niyang nangyari. Naniwala naman siya sa aking sinabi at pinakiusapan ko siyang manguha ng dahon ng malunggay at mauuna na akong babalik sa kusina dahil tatalupan ko pa ang bunga ng papaya. Napa-aray naman ako nang masugatan ang isa kong daliri ng kutsilyo habang nagtatalop. Tumagas ang masaganang dugo. Pansamantala namang isinantabi ni Mat ang paghihimay ng mga dahon ng malunggay upang igiya ang kamay ko sa ilalim ng bagsak ng tubig ng gripo para malinis ang aking sugat. Hindi naman maipinta ang itsura ko sa sobrang hapdi habang tinatamaan ng bumabagsak na tubig ang aking sugat. At dahil patuloy pa rin sa pagtagas ang dugo, laking gulat ko na bigla na lamang isinubo ni Mat at sinisip iyong daliring nasugatan. Hinayaan ko na lamang siya sa ginagawa. Ramdam ko sa aking daliri ang init ng kanyang bibig. Iniluwa na muna niya sa lababo ang mga naipong dugo sa kanyang bibig at muling isinubo ang aking daliri. Talagang sinisiguro niyang wala ng tatagas na dugo sa aking sugat. Habang nasa ganoon naman kaming ayos ay siya namang pagpasok ni Lukas sa kusina. Biglang umasim ang mukha niya na para bang nakainom ng isang galong suka nang maratnang subo ni Mat ang aking daliri. Iyon bang parang nagseselos. Pero pinigil ko ang utak na mag-aasume dahil malabo namang nakaramdam siya ng panibugho sa eksenang naratnan. "Tara sa opisina, ipinapatawag ka ni Ricky. May pagme-meeting-an tayo!" Wika niya kay Mat. "Sige, susunod ako. Lalagyan ko lang ng bandage itong sugat ni Mario" Ang tugon naman ni Mat habang may hinahalughog sa kitchen cabinet. At ilang saglit pa'y nasa kamay na niya ang first aid kit. Nakita kong hindi na ma-drawing ang mukha ni Lukas sa sobrang inis. Hindi ko alam kung iyon ba ay pagpapahiwatig ng pagseselos o sadyang nainis lang talaga siya dahil mas inuna pa akong inatupag ni Mat kaysa sa kanilang meeting "Malayo naman sa bituka 'yan kaya siguradong hindi pa niya iyan ikamatay!" Pikang tinuran ni Lukas bago tumalikod. Ngunit hindi siya pinakinggan ni Mat. Tinapos muna niya ang paglalagay ng bandage sa aking daliri bago siya tumungo ng opisina. Ako nama'y itinuloy ko na ang pagluluto. Makalipas ang halos isang oras ay sabay-sabay ng pumasok ang tatlo sa kusina na tiyempo namang katatapos ko lang ihanda ang hapag. "Sabay ka na sa aming kumain, Mario" Yakag sa akin ni Ricky nang maupo ito na sinigundahan naman ni Mat. Isang sulyap ang aking iginawad kay Lukas at kitang-kita ko ang pag-Biyernes Santo ng kanyang mukha. "Huwag na po. Mamaya na lang po ako!" Subalit naging mapilit si Mat lalo na si Ricky. Sa totoo lang, kung sa pag-uugali ang pag-uusapan, wala akong naging problema kay Ricky. Si Lukas lang talaga iyong masasabi kong may kagaspangan ang pag-uugali. Hindi ko alam kung sinasadya niya iyon nang dahil sa akin o sadyang ganoon na talaga siya bago pa ako dumating. Kaylaki na talaga ng pagbabago niya. Hindi naman kasi siya dating ganoon. At dahil sa pamimilit ni Ricky na sasabay na ako sa kanila na kumain ay umupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Mat. Kauupo ko pa lang ng biglang, "Pweeee, ano bang klaseng luto ito, ang alat..." Iniluwa niya ang nahigop na sabaw sa mangkok. Bumaling siya sa akin. Hindi na naman maipinta ang kanyang itsura. "Simpleng ulam, hindi pa alam paano lutuin? Next time, huwag ng magmarunong, nasasayang lang eh!" Tumayo siya sabay bagsak ng kutsara at tinidor sa mesa. "Tara, Dude. Sa bayan na tayo kumain. Nawalan na ako ng gana!" Tawag nito kay Ricky nang akmang papalabas na ng kusina. Sumulyap muna si Ricky sa akin bago tunalikod. Nababasa ko sa kanyang mga mata ang salitang PASENSIYA. Tinikman naman ni Mat ang sabaw nang kami na lamang dalawa. "Hindi naman maalat ah. Ang sarap nga eh. Mapaparami ang kain ko nito!" Pampalubag loob niya sa akin. "Mukhang mainit yata ang dugo ni Lukas sa akin" "Pansin ko nga. Pero dati na talaga siyang ganyan. Sa tagal ko na dito sa rancho, kahit kailan hindi ko iyan nakikitang ngumiti at suplado na talaga ang dating niya. "Baka may pinagdadaanan lang" Wala sa sarili kong nasabi. May kutob akong nang dahil sa sakit na idinulot ko sa kanya noon kaya nag-iba ang kanyang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. "Maari. Kasi noong minsang nagkainuman kami ni Ricky at nalasing siya naikuwento niya sa akin kung saan at paano sila nagkakilala niyang si Lukas" "Saan at paano naman daw?" Naiintriga kong tanong. Curious lang din kasi ako kung ano ang naging buhay ni Lukas matapos kaming maghiwalay. "Dati na silang magkakilala sa isang bahay aliwan noong mga teenager pa lamang sila. Pareho silang biktima ng child trafficking. Ni-recruit sila ng nagpapanggap na coach ng basketball sa isang sikat na unibersidad sa Maynila para maging bahagi ng kuponan nila kapalit ng pagiging iskolar. Iyon pala sa pagiging kolboy ang kanilang kinabagsakan. Labag man sa kanilang kalooban na pasukin ang gawaing iyon subalit wala rin naman silang ibang mapagpipilian dahil sa pagbabanta ng mga sindikato na manganganib ang kanilang buhay at pamilyang naiwan sa probinsiya. Mapalad si Ricky dahil may na-inlove sa kanya na isang gay Russian national at iyon ang ginamit niyang kasangkapan para makatakas sa impiyernong kanyang kinasasadlakan. Isinama siya nito sa Russia upang magpakasal at doon na manirahan subalit di rin nagtagal ang kanilang pagsasama dahil sa namatay iyong partner niya sa sakit na cancer ngunit ang lahat ng yaman nito ay naipamana sa kanya. Bumalik siya ng bansa upang isuplong sa mga pulis ang sindikatong nambiktima sa kanya at para mailigtas niya si Lukas na noo'y hawak parin sa leeg ng mga sindikato..." Saglit akong napaisip. Kung ganun, si Sir Ricky pala ang tinutukoy ni Lukas na kaibigan niyang nagligtas sa kanya mula sa mga sindikatong may hawak sa kanya noon. Nagpatuloy si Mat sa pagkwento. Nakikinig lang ako. "...Dati ng may lihim na pagkakagusto si Ricky kay Lukas kaya noong tuluyan nang nakalaya si Lukas mula sa mga sindikato ay nagtapat siya ng pagmamahal rito at kung sakali mang tatanggapin niya ang pag-ibig na inialay nito, sa bahay na ni Ricky siya patitirahin at papag-aralin ngunit tumanggi si Lukas. Mas pinili niyang umuwi ng probinsiya dahil naghihintay na raw doon ang taong minamahal niya na pinangakuan na babalikan. At simula sa araw na iyon hindi na sila nito nagkita pa. Wala na siyang balita pa kay Lukas. At sa paglipas ng ilang taon, nagulat na lamang siya nang muli niyang natagpuan si Lukas sa isang gay bar, sumasayaw sa itaas ng entablado na tanging brief lamang ang suot at pinagpipiyestahan ng mga matrona at mga bakla ng gabing iyon. Hindi niya inakala na bumalik ito sa pagbebenta ng laman kaya naman lumapit siya sa manager ng club upang magpapaalam na iuuwi niya si Lukas. Hindi kasi niya nakakayanang tingnan ang pagbibilad nito ng katawan sa karamhihan at ang pagpapagamit nito sa kung sino-sino. Ngunit hindi pumayag ang baklang manager ng club, nakareserb na kasi si Lukas sa matandang bading na isang sikat na fashion designer sa gabing iyon maliban na lamang kung hihigitan niya ang ibinayad no'ng bading para ma-take-out si Lukas. Iyon nga ang ginawa ni Ricky, inisyuhan niya ng tseke ang manager na may halagang fifty thousand pesos at sa isang iglap umo-o kaagad ang baklang manager. Inuwi niya si Lukas sa kanyang bahay sa Makati. At doon napag-alaman niya ang masaklap na nangyari sa buhay ni Lukas na kung bakit nahikayat itong bumalik sa pagkokolboy. Anito, dati siyang gwardiya sa isang pribadong eskwelahan diyan sa Mariveles. Mahirap ang buhay ngunit hindi niya iyon alintana dahil sa may insipirasyon siya na siyang nagpapasaya sa kanya. May kasintahan si Lukas na isang lalaki rin. Mag-aapat na taon na sila ng panahong iyon. Siya iyong binalikan nito sa probinsiya. Sa loob ng apat na taong iyon, damang-dama niya ang saya at tamis ng kanilang pagmamahalan na sa kabila ng hirap na kanilang pinagdadaanan nasabi niyang wala na siyang mahihiling pa. Akala niya hindi na magtatapos ang kasiyahang iyon. Ngunit isang araw, sa mismong araw pa naman din ng kanilang ikaapat na anibersaryo, nahuli niyang may ibang lalaking kaniig ang kasintahan niya sa loob ng isang hotel. Doon nagsimulang gumuho ang kanyang mundo. Sa kabila ng pagkakahuli niya rito. Sinikap pa rin ni Lukas na maisalba ang kanilang relasyon. Nakahanda siyang patawarin ang kanyang kasintahan basta ba hindi lang ito mawawala sa kanya subalit bumitiw na iyong kasintahan niya. Mas pinili nito ang mayamang lalaking nakaniig dahil tiyak na magiging maayos ang kinubaksan niya kung ito ang kanyang pipiliin kaysa kay Lukas na kahit pa gugugulin nito ang oras sa pagtatrabaho ay wala ng pag-asa para umangat. Dahil sa sobrang sama ng loob, nagiging pursigido si Lukas na umangat sa kahit na anong paraan. Sa walang natapos na tulad niya, ang pagbebenta ng laman ang pinakamadaling paraan para makamit iyon lalo pa't biniyayaan naman siya ng magandang itsura at pangangatawan. Gusto niya na kapag sakali mang magkrus ang landas nila ng kanyang dating kasintahan at sa mayamang lalaking ipinalit nito sa kanya, hindi na siya mamaliitin at aalipustain ng mga ito at ang naranasang rejection, pangmamaliit, panghamak at pang-aalipusta ang dahilan na kung bakit medyo nag-iba na ang kanyang pag-uugali" At sa narinig kong kwento ni Mat, hindi ko na tinapos ang pagkain at dali-dali akong nagtungo sa silong ng puno sa tuktok ng burol upang doon ibuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Dahil sa aking mga nalaman, deserved ko ang anumang gagawing pagpapahirap sa akin ni Lukas at malugod ko iyong tatanggapin kung iyon lang ang tanging paraan para makabawi man lang sa kanya. Hindi ko inakalang sa maling desisyon ko, muntik nang masira ang buhay niya. Mistula siyang karenderyang bukas sa lahat ng gustong kumain para lang maiahon sa putik ang kanyang buhay. Ang pangmamaliit ko sa kanya ang nagtulak sa kanya na gawin iyon. "Ang laki ng kasalanan ko sa kanya, Diyos ko!" Hindi ko lubos maisip na ipinagamit niya ang katawan sa kung sino-sino para kumita. Mabuti na lamang at nasagip siya ni Ricky at kung siya na talaga ang ipinalit nito sa akin, deserved niya iyon. Siya ang nararapat na mahalin ni Lukas hindi ako. Ang tanging nasaisip kong gawin ay ang humingi ng kapatawaran sa sakit na idinulot ko sa kanya noon at maibalik ang aming pagkakaibigan. Iyon ang sa tingin ko ang nararapat. Kailangan kong lumugar kahit naroon pa rin siya sa aking puso. Habang patuloy sa paglikwad ang mga araw ay ramdam ko ang pagpapahirap ni Lukas. Kung ano-ano na lang ang ipinag-uutos niya gaya ng linisin ang buong bahay kahit na wala naman akong nakikitang dumi. Minsan nakikita kong sinasadya niyang ibuhos iyong kape niya sa sahig para may lilinisin ako. Pinapabunot niya rin sa akin ang mga d**o sa bakuran kahit na tirik ang araw. Araw-araw niyang pinapalinis sa akin ang kwadra ng mga kabayo kahit pa may naka-assign na rito. Talagang hindi siya nauubusan ng mga ipag-uutos sa akin. At kapag tinutulungan naman ako ni Mat, ako ang kanyang papagalitan at para makaiwas, sinasaway ko na si Mat dahil kaya ko naman kahit pa lamog na ang katawan ko sa mga gawain. Tiniis ko ang lahat. Wala siyang narinig kahit na anumang reklamo mula sa akin kahit pa minsan hindi na makatarungan iyong mga ginagawa niyang paninigaw. Pinapamukha niya sa akin na siya iyong nakakaangat at ako iyong alipin na daig pa ang isang uod na gumagapang sa lupa. Ngunit ayos lang, kaya ko naman e, kinakaya ko. Para sa kanya wala akong hindi kakayanin. Ngunit tao lang ako. Oo, kaya kung pagtiisan ang kagaspangan niya subalit ang makitang maglalambingan sila ni Ricky ang siyang hindi ko makakayanang panoorin na tila ba daan-daang palaso iyon na tumutusok sa aking puso. Nasasaktan ako kapag ganoong nakikita ko silang naghaharutan sa sala, nangangabayo habang si Ricky iyong nasa unahan at yakap-yakap niya. At anong sakit ng aking nararamdaman na tila ba hiniwa ng pinung-pino ang aking puso nang minsang nakita ko sila isang gabi sa hardin ng mga gamugamo. Hawak ang gitara niya, hinaharana niya si Ricky ng kantang ORDINARY SONG na kung saan ang kantang iyon ay minsan niyang inialay sa akin. Talagang nabura na ako sa buo niyang sistema. Isa na lamang akong hamak na katulong ngayon sa kanyang paningin hindi ng kung anupaman, kahit na sana ay kaibigan lang na siyang aking inaasam. Nang makita kong papaalis na sila ay nagmamadali naman akong pumasok ng bahay at tumungong kusina para hugasan ang mga pinagkainan habang pinapahid ang aking mga luhang nagsipag-gulungan pababa sa aking pisngi. Nagulat naman ako ng biglang, "Nakita kita kanina sa burol" Boses iyon ni Lukas mula sa aking likuran. "Nakagawian ko na kasi ang sumaglit doon kapag ganitong gabi at maaliwalas ang panahon" Ang tugon kong hindi lumilingon sa kanya. Nagpatuloy ako sa pagsasabon ng mga plato. "Bakit?" "May naalala lang ako" "Ako ba iyon?" Sarkastikong tanong niya. Hindi na ako sumagot gawa ng nasukol na niya ang nasa aking isip. Hindi pa rin ako nagsalita. "Sayang 'no? Kung hindi mo sana ako ipinagpalit sa lalaking iyon tayo pa sana hanggang ngayon. Masakit ba?" At sa tanong niyang iyon ay hindi na ako nakatiis na hindi magsalita. Hinarap ko siya habang patuloy sa pagdaloy ang aking mga luha. "Oo, masakit, Sir. Walang kasing sakit. Masaya ka na?" "Masaya? Huh! Hindi, dahil kung tutuusin kulang pa ang sakit na nararamdaman mong iyan sa ginawa mo sa akin noon!" "Ginagawa mo ba iyan para paghigantian ako...? Garalgal na ang aking boses. "...Kung ganoon nga, nagtagumpay ka na, Koy. Ang bawat akbay mo sa kanya at sa paghawak mo sa kanyang kamay, mistula iyong itak na tinataga ang aking dibdib. Ang bawat yakap mo at halik sa kanya ay tila lason iyon na unti-unting pumapatay sa akin. Sa simpleng panghaharot mo sa kanya, sa pasimple mong paghaplos sa kanya, isa iyong malakas na sampal na nagpamukha sa akin kung gaano ako katanga na kung bakit nagawa kong ipagpalit ka sa iba. Pinagsisihan ko ang nagawa ko sa iyo noon. Handa akong magpaalipin makamit lang ang iyong kapatawaran at mapagbigyang maging bahagi muli ng iyong buhay hindi bilang kasintahan kundi bilang isang kaibigan. Kung tatanungin mo kung mahal pa kita, oo, mahirap mang paniwalaan pero ni kailanman hindi ka nawala sa puso't isip ko. Isa iyan sa mga dahilan nang pananatili ko dito sa rancho. Sapat na sa akin na makita ka kahit may kapiling ka ng iba. Pero huwag kang mag-aalala Ko'y, hindi ako hahadlang sa pag-iibigan n'yo ni Ricky. Deserved n'yong dalawa ang pag-ibig na inyong pinagsaluhan ngayon. Siya ang nararapat mong makasama, hindi ako" Tumalikod ako. Bumalik ako sa paghuhugas ng mga plato. Wala akong narinig na tugon mula sa kanya maliban sa isang malalim na pagbuntong-hininga. Saglit ang katahimikan at, "Ipagtimpla mo ako ng kape, dalhin mo sa kwarto ko matapos mong maghugas ng mga plato" Ang mga yabag niya palabas ng kusina ang sunod kong narinig. At nang matapos ako sa ginagawang paghuhugas, isinunod ko kaagad ang ipinag-uutos niya. Umakyat ako sa itaas dala ang isang tasa ng kape. Tanaw kong nakawaang iyong pinto ng silid niya kaya dumeretso na ako ngunit napatda ako sa aking nakita Hindi ako nakagalaw na tila ba naparalisa ang buo kong katawan. Kitang-kita kong nakahubad si Lukas at nakatihaya sa ibabaw ng kama. Pikit-mata habang nilalasap ang sarap na dulot ng pambobrotsa ng nakahubad ding si Ricky sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko pa ang tunog ng pagsipsip sa maumbok nitong dibdib na para lang sumisipsip ng molusko. Nasaksihan ko ang galing ni Ricky na magperform sa ibabaw ng kama. Maihahalintulad siya sa isang sawa na nilalawayan muna ang buong katawan ng kanyang biktima bago lunukin. Lahat ng parte ng katawan ni Lukas ay pinasadahan ng kanyang dila, sa tainga, sa leeg, kili-kili, sa malalaki nitong braso, sa abs at ang panghuli ay sa maumbok at matambok nitong dibdib na kung saan doon siya nagtagal at ang isang kamay nito ay abala sa paglalaro sa nagngangalit nitong alaga. Alam kong sobrang sakit na ang aking nasaksihan na tila ba pinapatay na ako ng makailang ulit subalit nanatili pa rin akong nakatayo roon upang madama ang sakit na minsan ko ring ipinadama kay Lukas, iyong panahong nahuli niya akong nakipagniig kay Keith sa isang hotel. Kung sinadya man niyang pagpatimplahin ako ng kape para masaksihan ko ang pagniniig nila at nangsaganun maibalik niya sa akin ang sakit na minsan niyang naramdaman, masasabi kong nasa tugatog na siya ng tagumpay. Sobrang sakit lang na para bang kakapusin na ako hangin habang nakikita ko kung paano niya bayuhin si Ricky at marinig ang nakakabingi nilang mga ungol at halinghing. Di nagtagal, hindi ko na rin nakayanan ang aking mga nakikita. Ibinalik ko ang kape sa kusina at tumungo akong kwadra na kung saan naroon si Ali, ang kabayo ni Lukas. Yakap-yakap ko si Ali habang ibinubulalas ang sakit na naipon sa aking dibdib. Sa kanya ko isinawalat ang labis kong paghihirap dahil sa katotohanang mahal na mahal ko pa rin ang amo niya. Parang naiintindihan naman ako ni Ali. Dinilaan niya ang aking pisngi na tila ba pamamaraan niya upang ipadama sa akin ang kanyang simpatiya. Hindi nagtagal, may nag-abot sa akin ng panyo. Si Mat iyon. "K-kanina ka pa ba diyan?" Nag-aalala kong tanong na baka narinig niya ang mga hinaing ko sa kabayong si Ali. Tinanggap ko ang panyong inabot niya at pinahid ko ang luhang tila bukal na umaagos sa aking mga mata. "Dinig ko ang lahat. At isa lang ang masasabi ko, bakit hindi mo siya ipaglaban kung talagang mahal mo pa rin siya" "Hindi sa lahat ng panahon kailangang ipaglaban ang pagmamahal. May pagkakataong dapat kang lumugar lalo na kapag ganyang nakikita mong masaya na siya sa piling ng iba" "Pero anong maitutulong ng mga luhang iyan kung kinikimkim mo lang ang tunay mong nararamdaman. Kung talagang isinuko mo na siya, kung talagang ayaw mo ng lumaban pa at kung tanggap mo na ang lahat, ngayon, palayain mo na ang iyong sarili mula sa pagkakagapos sa kanya dahil hindi mo deserve ang magdusa at masaktan. Huwag mong parusahan ang sarili mo dahil karapatan mo ring lumigaya. "Kulang pa ang sakit na nararamdaman ko sa sakit na idinulot ko sa kanya noon, Mat. Itong mga luhang ito..." Itinuro ko ang aking mga luha na patuloy sa pagdaloy. "... hindi pa nito napantayan ang mga luhang umagos sa kanya na dulot ng aking pagtataksil, pang-alipusta at pangmaliit sa kanyang pagkatao!" Nakita ko ang paguhit ng gitla sa kanyang noo sabay pukol sa akin ng nagtatanong na mga titig. Halatang gustong mabigyang linaw ang mga katagang lumabas sa aking bibig. Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik pa, ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa nakaraan namin ni Lukas, kung kailan at paano kami nagsimula. Kung gaano namin kamahal ang isa't isa at pinangalagaan ang aming relasyon sa loob ng apat na taon bago kami sinubok ng pagkakataon at sa huli, nauwi sa masakit na hiwalayan. Ipinagtapat ko rin ang totoong dahilan kung bakit ko nagawang ipagpalit si Lukas sa dati kong kinakasamang si Keith. Ang panghamak at pangmamaliit ko sa kanyang pagkatao noon ay paraan ko upang ako ay kanyang kamuhian para mawala na iyong pag-ibig niya sa akin at nangsaganun lubayan na niya ako. Mas nanaig sa aking isip ang kanyang kapakanan kaysa sa aming pagsasama. Natakot ako sa maaring gawin ni Keith kung si Lukas ang aking pipiliin. Mas mabuti na iyong nasaktan kaming pareho atleast nakikita ko siyang buhay kahit na alam kong darating din ang araw na maaring maangkin siya ng iba at nagkakatotoo na nga. Hangad ko ang kanyang kaligtasan higit sa kung anupaman. Ikinwento ko rin ang kalbaryong sinapit ko sa piling ni Keith, ang pagmamaltrato niya, ang sapilitan niyang pagpapagamit sa akin ng ipinagbabawal na druga at iyong hilig niyang ipagamit ako sa iba't ibang lalaki kapag sabog. Iyong pinagahasa niya ako sa mga tauhan niya nang minsang ikinulong ako sa bodega. At iyong hirap na dinanas ko sa kulungan para pagbayaran ang isang krimen na siya ang gumawa. Iyong pakiramdam kung gaano kahirap na pagkaitan ng hustisya at kalayaan. Napakahirap, sobrang hirap na minsan nanaisin mo na lang na mamatay para mawala na ang lahat iyong mga pasanin. Ngunit kailangan mong magpakatatag at harapin ang pagsubok ng nag-iisa dahil sa may iilan pang taong umaasa sa iyo. Dumadagundong ang aking mga hagulgol sa loob ng kwadra matapos kong magkwento. Sa isang iglap, naramdaman ko ang mga bisig ni Mat na lumingkis sa akin. Hinalikan niya ako sa tuktok. Masuyo at puno ng pag-unawa. May ilang minuto rin akong umiiyak sa kanyang dibdib. "Bakit hindi mo ipagtapat sa kanya ang totoong dahilan ng pakipaghiwalay mo sa kany?" Ang tanong niya ng kumalas kami sa isa't isa. "Sa tingin ko hindi na kailangan. Baka lalo lamang siyang magalit sa akin at sabihing humahabi ng isa na namang kasinungalingang para kaawaan. Ayaw ko ring isipin niyang kaya ako muling nakipaglapit sa kanya ay dahil sa yumaman na siya. Hahayaan ko na lang na ang panahon ang siyang magdidiktang mapatawad niya ako, iyong naghilom na ang sugat na dulot ko sa kanya nang nakaraan. At itong pagmamahal ko sa kanya, hahayaan ko na lang din itong nakahimlay sa aking puso. Hindi man siya mapapalitan pero alam kong darating din ang panahong magawa rin nitong magmahal ng panibago . Iyon nga lang, kung may magmamahal pa sa akin at tatanggap sa kabila ng pangit kong kahapon" "Sigurado akong mayroon pa. Hindi mo naman ginusto ang lahat at biktima ka lang ng pagkakataon. May panahon pa para magsimula at sa pagsisimula mong iyon, nais kong makibahagi sa bagong kabanata na iyong ihahabi. Pagbigyan mo sana ako. Hayaan mo sanang patunayan ko ang sarili sayo kung gaano kita kamahal, Mar!" "Mateo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD