Chapter 15

5968 Words
Kabanata 15 Kitang-kitang ko ang muntikan ng paglulupasay ni Inay kung di lang ito napigil nina Leny at Rolly nang isakay ako ng mga pulis sa patrol car. Paulit-ulit niyang isinisigaw ang, "Walang kasalanan ang anak ko!" na para bang iyon ang basehan para mapawalang sala ako at hindi na itutuloy ng mga awtoridad ang pagdakip sa akin. Bago lumarga ang patrol car, nagawa pang makalapit ni Inay sa may bintana upang abutin ang ang aking kamay. Hinawakan niya iyon at pinisil. Pati ang mga usyosero naming kapitbahay ay nandoon din. Nagbubulungan na parang mga bubuyog. "Huwag po kayong mag-aalala, Nay, lalaban ako. Alam kong papanig din sa atin ang katotohanan!" Ang sabi ko sa kanya bago tuluyang lumarga ang patrol car na magdadala sa akin sa bilangguan. Nang makarating sa presinto, agad akong kinuhanan ng mga pulis ng fingger print at mugshot. Kinuhanan din nila ako ng statement at siyempre hindi ko inamin ang kasalanang ibinato nila sa akin. Pero dahil sa ako ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Brando, ide-detain muna ako habang patuloy sa pag-usad ang imbestigasyon. Dahil sa due process of law na tinatawag, bibigyan nila ako ng abogado galing sa Public Attorney's office na siyang magtatanggol sa akin sa paglilitis sa korte. Mangiyak-ngiyak naman ako nang ipasok na nila ako sa aking pansamantalang selda. Hindi ko kailanman inasahang mangyayari iyon sa tanang buhay ko. Nasaisip ko kung sana hindi ko nagawang pumatol kay Keith, sa pagtanggap ng mga offers niya, marahil hindi mangyayari sa akin ang ganito. Subalit sa kabilang banda, naisip ko rin na kung hindi ko rin ginawa ang bagay na iyon, marahil wala na ngayon si Leny. Siguro ganoon talaga ang buhay, may kapalit ang bawat desisyon na iyong gagawin. Puno man ng pagsisi ngunit ang palagi kong ikinikintal sa aking isip ay buhay ang kapatid ko. Nailigtas ko siya sa tiyak na kamatayan. Tunay ngang isang napakalaking pagkakamali ang ipagpalit ko si Lukas kay Keith ngunit marahil iyon nga yata ang idinesinyo ng tadhana. Kailangan ko iyong tanggapin at pagdusahan. Kinagabihan, dumating si Gina at si Inay. May dala silang gamit sa pagtulog gaya ng banig, kumot at unan. May dala rin silang iilang piraso ng damit na aking masusuot at mga pagkain. "A-anong sabi ng mga pulis?" Ang tanong ni Gina nang nasa visitor lounge kami. Katabi niya si Inay na hindi makapagsalita dahil sa kaiiyak. Mukhang hindi pa rin niya matanggap ang nanagyari sa akin. "Bibigyan daw nila ako ng abogado galing PAO na siyang hahawak sa kaso ko" "K-kung marami lang sana akong pera, Mar ay talagang ikukuha kita ng private at magaling na abogado. Hindi kasi biro ang kaso mo. Balita ko, si Keith ang gumastos sa kabilang kampo at matinik ang abogado nila" "M-mabuti na iyon kaysa wala. Ipinapasa-Diyos ko na lang ang lahat na sana'y maging patas ang paglilitis!" Buong sigla kong sagot upang mabuhayan ng loob si Inay na naroon lang sa tabi ni Gina, nakikinig sa usapan namin. "P-pero paano kung hindi? Tandaan mong hindi ang asawa o pamilya ni Brando ang tunay mong kalaban rito kundi ang baliw na si Keith. Malaki ang impluwensiya niya sa lipunan. Kayang-kaya niyang baliktarin ang kaso lalo pa't nakita ko sa TV na may mga witnsesses sila. Nagsisimula na silang humabi ng mga kasinungalingan. Homicide ang kasong isinampa nila sa'yo!" Napabuntong-hininga ako sa narinig. Sumulyap muna ako kay Inay bago sumagot. "H-hindi ko rin alam, Gina. Siguro ngayon pa lang kailangan ko ng tanggapin na ganito ang magiging kapalaran ko!" Pinigil ko na huwag maiyak bagamat mahahalata iyon sa nagcracked kong boses. "Nanggigil na talaga ako sa Keith na 'yan. Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, pinaglalamayan na ang baliw na iyon ngayon!" Natapos na ang tatlumpong minutong nakalaan sa pagtanggap ng dalaw kaya naman nagpaalam na sina Inay at Gina at nangangako na babalik sa susunod na araw. Bumalik ako sa loob ng aking selda. Nakahalukipkip ako sa isang sulok, umiiyak habang nagdarasal. Kung masentensiyahan ako, sa bilibid ang bagsak ko. Paano ang pamilya ko? Saan sila kakapit habang wala ako sa kanilang tabi. Paano ang pag-aaral ng aking dalawang kapatid? Iyon ang tumatakbo sa aking isip habang patuloy ako sa pag-iyak. Problemang hirap kong solusyonan. Wala na si Lukas na pwedeng titingin sa kanila. Ahh, hangga't maari ayoko na siyang maalala pa dahil lalo lamang sasakit ang aking loob. Labis ang aking panghinayang kung bakit ko siya pinakawalan. Kung alam ko lang na maging ganito rin ang kahihinatnan ng lahat, hindi ko na sana siya hiniwalayan. Sabay sana naming labanan ang kalupitang maaring gagawin ni Keith. Naduwag kasi ako, natakot. Hindi pala solusyon ang pagtapos ko sa aming relasyon upang maging maayos ang lahat. Nasaktan ko siya nang husto bagama't ang kapakanan lang naman niya ang aking iniisip. Isang napakalaking pagkamamali ang aking naging hakbang na ngayo'y sinisimulan ko ng pagbayaran. Nakatulog akong may luhang dumadaloy sa aking mga mata. Kinaumagahan dumating ang aking abogado na si Attorney Sandiego. Kinuhanan niya ako ng salaysay sa mga pangyayari para mapag-aralan niya kung paano depensahan ang aking kaso. Sinabi ko rin naman sa kanya ang lahat na hindi naman talaga ako ang pumatay sa biktima kundi si Keith. Ang katotohanan sa likod ng pagkawala ko ng dalawang linggo ay hindi upang pagtaguan ang isang krimen na ibinibintang nila sa akin kundi ikinulong ako ni Keith upang gawing s*x slave sampu ng kanyang mga tauhan. Isa kasi iyon sa mga trip niya kapag sabog, ang ipagamit ako sa iba't ibang lalaki ng sabay. Sinabi ko rin ang madalas na pagmamaltrato niya sa akin kapag nakatira ng druga at minsan rin sapilitan niya akong pinapagamit noon. Nangongontak din siya ng mga lalaking bayaran para aking makaniig habang siya ay aliw na aliw na kumukuha ng video. Kapag pumalag ako, bugbog ang aabutin ko sa kanya at pagbabanta na may mangyaring masama sa aking pamilya. Kaya wala akong choice kundi ang sundin ang kanyang kagustuhan. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko siya magawang iwan ay dahil sa kanyang mga banta. "Bukod sa kanyang pagbabanta, may iba pa bang dahilan kung bakit umabot din sa dalawang taon ang pakikisama mo sa kanya sa kabila ng mga hindi kanais-nais niyang ginagawa sa'yo?" Ang pagsingit ng abogado sa gitna ng aking pagkukwento. "May Borderline Personality Disorder si Keith, Attorney. Gusto kong makumbinse siyang magpatingin sa doktor para malunasan ang sakit niya at mahikayat na tumigil na sa paggamit ng bawal na gamot. Sumuko na kasi ang mga magulang niya sa kanya kaya isa iyan sa mga dahilan kung bakit ko siya pinagtiisan. Malaki ang naitulong niya sa pamilya ko at tinatanaw ko iyong malaking utang na loob. Naniniwala kasi ako nang una na may kabutihan pa ring nakahimlay sa kanya at gusto ko iyong maibalik. Gusto kong maayos muli ang kanyang buhay!" Ang tugon ko naman. Nakita ko ang pagtango ni Attorney San Diego. "Nasaan ka ng mangyari ang krimen?" Muling tanong niya. Hindi kaagad ako nakapagsalita gawa ng nao-awkward ako na sabihing may ginagawa kaming kahalayan ni Brando na siyang dahilan na kung bakit siya binaril ni Keith. Umabot rin siguro ng isang minuto ang aking pananahimik hanggang sa, "Mr. Pontillas?" "A-ano po, nasa loob po kaming dalawa ni Brando sa kwarto ko....!" Tumango siyang muli at, "Go, ahead!" Ang sabi pa niya nang muli na naman akong tumigil at nagkunwaring nasamid. "I need to know everything para makagawa tayo ng matibay na depensa. Kailangan nating mapatunayan sa korte na inosente ka on commiting such crime and perhaps you're a victim here not an accuse!" "Secret affair ko po si Brando. Nagsimula iyon nang niyaya niya akong sumiping sa kanya kapalit ng hindi niya ibibigay iyong nakuha niyang larawan namin ng kaibigan kong si Aljune del Mar na nag-uusap sa isang resort sa Zambales. Si Al ay isang psychology graduate, sa kanya ko unang isinangguni ang tungkol sa kalagayan ni Keith. Na-miss-interpret naman iyon ni Brando at ang larawang nakuha niya ang ginawa niyang kasangkapan sa pamba-blackmail sa akin. Inatasan kasi siya ni Keith na magmamanman sa bawat kilos ko at sa kung sino ang taong aking nakakasalamuha at nakakausap. Sa takot ko na magsusumbong siya kay Keith, pumayag ako sa gusto niya hanggang sa naulit pa iyon ng ilang beses at dumating sa puntong nagustuhan ko na rin. Naging palagian na ang nakaw na sandali naming iyon ni Brando. Pero hindi naman kami mag-boyfriend. Pampalipas oras lang iyong sa amin. Alam kong pagtataksil iyon sa relasyon namin ni Keith pero naisip ko kasi na kung nagawa niyang ipagamit ako sa iba't ibang lalaki, sigurado akong may iba rin siyang kinakama bukod sa akin. Kaya nararapat lang din na siya ay pagtaksilan. At iyon na nga, nang mahuli niya kami sa akto na may ginagawa sa loob misom ng aming silid, walang pagdadalawang isip niyang binaril si Brando habang nakaibabaw sa akin. Pagkatapos no'n, ako naman ang kanyang pinuntirya ngunit sinikap kong manlaban. Subalit sa sobrang lakas niya idagdag pa na may hawak siyang baril ay dehado ako. Hinampas niya ako ng baril sa ulo na siyang dahilan ng aking pagkahimatay at nang magising, natagpuan ko ang sariling nakagapos sa ibabaw ng mesa sa loob ng isang bodega. Doon ko naransan ang sobrang pagpapahirap niya sa akin. Pinapagahasa niya ako sa mga tauhan niya ng sabay. Binaboy nila ako, Attorney!" Hindi ko na nagawang itago pa ang pait ng naging karanasan ko sa piling ni Keith. Tumulo ang gabutil kong mga luha kasabay ng paghikbi. Yumuko ako habang pinapahid ang mga luhang iyon. Naramdaman ko ang pagdampi ng palad ni Attorney Sandiego sa isa kong balikat. Paraan niya iyon para pakalmahin ako. Ilang sandali pa'y nagpaalam na siya na umalis. Nakuha na raw niya ang lahat ng impormasyon mula sa akin. Pag-aaralan raw niya nang maigi ang depensa at kung paano makumbinse ang hukuman na inosente ako. Pag-aaralan din daw niyang baliktarin ang kaso at ihabla si Keith ng patong-patong na mga kaso. Wala akong ibang gawin kundi ang magdasal at ihanda ang sarili sa darating na paglilitis. Kailangan kasing maging consistent ang lahat ng sasabihin ko sa harap ng prosekusyon. Umabot din ng halos anim na buwan ang paglilitis at sa wakas dumating na rin ang araw ng pagbaba ng hatol ng korte sa aking kaso. Katabi ko sa kanan si Inay at ang dalawa kong kapatid. Sa kaliwa ko naman ay si Attorney Sandiego. Naroon din ang kaibigan kong si Al na minsan ring sumalang sa witness stand upang magbigay ng ilang mahahalagang salaysay. Sa kabilang panig naman ng courtroom ay ang pamilya ni Brando, si Keith at ang tatlo nilang abogado. Talagang pursigido silang idiin ako. Tambol naman sa lakas ang kaba ko sa dibdib nang sinisimulan ng basahin ng court secretary ang limang pahinang hatol ng hukom. Pikit-mata ako habang taimtim na nananalangin na sana'y NOT GUILTY ang hatol sa akin. Kahit naman kasi tatlo ang abugado ng kabilang kampo ay nakita ko namang naipagtanggol ako nang maayos ng aking abugado. Kitang-kitang ko ang pagsusumikap niyang madipensahan madepensahan ako. Kaya naman kahit papaano, kampanti akong malulusutan ang pinakamatinding unos na humambalos sa aking buhay. Subalit no'ng binanggit ng court secretary ang salitang GUILTY ay pakiramdam ko'y natabunan ako ng paguho ng buong gusali ng trial court. Biglang tumigil ng panandalian ang pag-ikot ng aking mundo. Umiiling-iling ako tanda ng hindi makapaniwala. Gusto kong sumigaw pero pakiramdam ko'y silyado ang aking bibig. Gusto kong magising mula sa isang bangungot subalit ang paglapit ng tatlong pulis para lagyan ng posas ang aking mga kamay ang siyang patunay na ako ay nasa realidad at ang aking mga narinig ay isang katotohanan na hirap ng baliin at dapat kong pagbayaran kahit pa alam ng Diyos na hindi ako ang may sala. Ang mga hagulgol nina Inay, Leny at Rolly ay mistulang sibat na tumutusok sa aking puso. Iyak ng kawalang pag-asa, pagtatangis ng mga inosenteng pinagkaitan ng hustisya. Gusto kong manuntok at magwala. Gusto kong ipagsigawang wala akong kasalanan subalit may kung anong pwersa ang pumipigil sa akin na huwag ng gawin iyon dahil hindi na mababali pa ang naibabang hatol ng korte. Tanging ang pagbuhos ng butil-butil kong mga luha ang tangi kong nagawa ng mga panahong iyon. At ang tanong na pumasok sa aking isip, "Ganito na ba ka inutil ang justice system ng bansa?" Iniskortan ako ng tatlong pulis palabas ng korte patungo sa sasakyang magdadala sa akin sa Bilibid. Nakasalubong ko pa si Keith sa may tarangkahan na nakangiting aso. "Hindi mo ako kaya, Baby Boy. Pagdusahan mo ang ginawa mong kataksilan!" Ang sabi niya pa. "Makailang ulit man akong hatulan dito sa lupa. Nagawa mo mang ipaako sa akin ang kasalanang ikaw ang gumawa, pero sa mga mata ng Diyos, alam Niya kung sino ang totoong may sala at Siya na ang bahalang maningil sa totoong nasasakdal. Tandaan mo Keith, digital na ang karma ngayon, kaya kung ako sa'yo matuto ka ng magdasal at humingi ng kapatawaran sa iyong mga nagawang kasalanan!" Isang halakhak lang ang narinig kong tugon mula sa kanya. Isang nagbabagang titig naman ang aking ipinukol sa kanya bago ako tumalikod upang tumungo sa nag-aabang na police vehicle. "Sige, pasok" Wika ng jailward at patulak niya akong ipinapasok sa loob ng bilangguan. Muntik pa akong matumba sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin. Inikot ko ang paningin. Pinagmamasdan ko ang aking magiging tahanan sa loob ng dalawampung taon. Sa tantiya ko labinlimang preso kaming naroon sa seldang iyon na nakikihati sa iisang ceiling fan at maliit na deskfan. Malawak naman ang selda na nahahati sa dalawa pero sa dami namin, di maiiwasang magsiksikan. Ngayon pa lang dapat ko ng sanayin ang sarili sa halo-halong amoy na aking malalanghap sa paligid. Sa aking pagmamasid, tanaw ko ang isang grupo ng mga preso na naglalaro ng baraha habang ang kabila naman ay kanya-kanya ng trip, may nagbabasa ng komiks,nagpapamasahe, naglalaro ng chess at may ibang natutulog. Halos lahat sila ay nakahubad at kita ko ang mga tatto nila sa katawan. "May bago tayo, mga Brad, i-welcome natin!" Bulalas ng isang preso na animoy naglalakad na bangkay sa sobrang payat ng katawan. Kinabahan naman ako sa sinabi niyang "i-welcome", pambubugbog o kaya'y panlalatigo kasi kaagad ang pumasok sa aking isip na aking napapanood sa mga pelikula ang kadalasang ginagawa sa mga bagong preso na kagaya ko. At sa dami nila at sa laki ng katawan ng iba, tiyak magkabali-bali ang mga buto ko. Itinigil naman nila ang paglalaro ng baraha at sa isang iglap nasa harapan ko na silang lahat. Hinagod nila ako ng tingin mula sa ulo pababa sa paa. "Sigurado ka bang dito ang punta mo, bata? Hindi dito ang lugar ng mga taong gustong mag-artista. Gandang lalaki e, kinis ng balat!" Baling nito sa mga kasamahan na tatango sa kanyang kuminto patungkol sa akin. Isang pagtango naman ang aking itinugon at isang malutong na sampal ang aking natanggap mula sa presong payat na kumausap sa akin. "Gamitin mong dila mo, pipi ka ba?" Tawanan. "S-sigurado po!" Ang tugon ko naman haplos ang nasampal kong pisngi. "E, anong kasalanan mo?" "W-wala ho akong kasalanan" Isang suntok ang pinakawalan niya sa aking sikmura. Napa-"Ahhh" naman ako sa sobrang sakit. "Kami ba'y, ginagago mo? Bakit ka nandito kung wala kang kasalanan?" "Napagbintangan lang po ako!" Isang tadyak ang aking natamo mula sa isang preso. Tumilapon ang katawan ko sa rehas. Ito na nga ba ang sinasabi ko, nangyayari na ang mga eksena na tanging sa mga pelikula ko lamang napapanood. "Nakapatay po ako!" Bulalas ko ng akmang susugurin na sana ako ng isa pang preso. Hindi na niya itinuloy ang balak gawin nang sinagot ko ang tanong na akma sa kanilang pandinig. Sa isang sagot ko na sa tingin nila isang kasinungalingan, suntok ang aking aabutin kaya dapat maging maingat ako sa mga katagang lalabas sa aking bibig dahil kung hindi, bugbog ang aking aabutin. Kalakip na iyon sa mga kabayaran ko sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Si Keith ang dapat ang nasa loob ng kulungan, hindi ako. "Anong pangalan mo?" "Mario po" Isang suntok na naman sa aking tadyang ang aking natamo. Napaluhod ako sa sobrang sakit sapo ang aking tagiliran. "Mario ano? Super Mario?" Gawa ng namimilipit pa ako sa sobrang sakit ng aking tagiliran ay hindi ko nasagot ang kanyang tanong. Kung nagkataong nasa bangkita kami at wala sa loob ng piitan marahil pinagbabali ko na ang katawan ng payatot na iyon na kung makaasta ay sinlaki ni 'The Rock' ang pangangatawan. At dahil doon, sabay-sabay nila akong inupakan. Suntok, sampal at tadyak ang aking natamo mula sa berdugong mga preso. Ramdam ko ang pagtagas ng dugo mula sa aking ilong at bibig. Gusto ko sanang sumigaw nag saklolo sa jailguard na nakatalaga subalit sa tuwing magtatangka ako ay pananapak ang aking aabutin. Panibago na namang kalbaryo ang aking kinakaharap. Mukhang hindi na yata ako nauubusan ng mga pasakit sa buhay. Hindi ko alam kung ako ba ay makakatagal sa bagong unos na humahambalos sa akin. Nagsimula ng magdilim ang aking paningin. Isang suntok na lang ay natitiyak kong mawawalan na ako ng malay. Ilang saglit pa'y lumapit ang isang lalaking may pinakamalaking katawan sa kanilang lahat. Tadtad sa tatto ang hubad nitong katawan. Mahaba ang balbas at buhok na mistulang kapre sa puno ng balete. "Anong problema niyan?" Ang narinig kong tanong nito. "Hindi sumasagot nang matino e, kaya kinailangang maturuan ng leksiyon, Bossing!" Sagot naman ng isang preso. Lumapit sa akin ang sinasabing bossing. Inilapit niya sa aking mukha ang kanyang mukha. Amoy ko ang mahabo niyang hininga at katawan na mukhang isang buwan na yatang hindi naliligo. Hinawakan niya ang aking buhok, hinila niya iyon paitaas. Napa-aray ako sa sobrang sakit. "Kung tinatanong ka, dapat sumagot ka nang maayos. Hindi ba iyan naituro sa'yo ng Nanay mo? O baka naman gusto mong ako ang magtuturo niyan sa'yo?" Isang suntok ang kanyang binitawan at dumapo iyon sa aking sikmura. Halos hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Nanginginig na ang katawan ko sa sobrang takot na baka mapuruhan na ako sa sandaling iyon. Bagama't labis-labis na ang aking paghihirap hindi kailanman sumagi sa aking isip na hilinging mabawian ng buhay. Kailangan pa ako ng aking pamilya. Nang makita kong muling ambaan ako ng suntok ay pumikit na ako. Hihintayin ko na lamang ang pagdapo ng kamao niya sa duguan kong mukha ngunit laking gulat ko ng wala namang kamao ang dumapo sa akin sa halip isang rambulan ang naganap. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman. Nang magising naman ako ay natagpuan ko ang sarili sa kabilang selda. Nakahiga sa maliit na kama habang pinupunsan ng isang lalaki ang duguan kong mukha. Agad akong bumalikwas sa takot na katulad rin siya ng mga salbaheng presong nakasalamuha ko kanina. "Huwag kang matakot, ligtas ka na. Ang grupo ko ang nagligtas sa'yo mula sa grupo nina Badong. Huwag kang magkakamaling tumapak sa kabilang selda dahil teritoryo na 'yan ng kabilang kampo!" Pahayag niya sabay ngiti sa akin. Infairnes, may itsura siya bagamat mukhang matured na. Sa tingin ko hindi siya lalagpas ng kwarenta. Makinis ang moreno niyang balat at walang gaanong tattoo. Hawig niya ng kunti ang artistang si Wendell Ramos. Pansin ko rin ang magandang hubog ng kanyang katawan. Sumisilip sa maluwang niyang sando ang mauumbok niyang dibdib. Habang nasa ganoon naman akong pagmamasid ay biglang, "Eheem!" Nagkunwari siyang nasamid upang mabasag ang aking pananahimik o kaya'y maaring naiilang siya sa katititig ko sa kanyang katawan. Agad din namang akong nagbawi ng tingin sabay sabing, "Salamat!" "Ako si Lando, bossing ang tawag ng lahat sa akin dito pero tawagin mo na lang ako sa aking pangalan. Sila lang naman kasi ang may gusto no'n!" Natawa. At dahil pakiramdam ko ay mabuti naman siyang tao kaagad na napalis ang takot na aking nararamdaman . Nagpakilala ako sa kanya at sinabi ko ang dahilan ng aking pagkukulong. Naniwala naman siya. Pati na ang tunay kong pagkatao at kung ano ang naging buhay ko sa labas ay binuksan ko din sa kanya. Natuwa naman ako dahil hindi ko siya nakitaan ng panghuhusga sa akin. Sinabi ko din na ang live-in partner kong si Keith ang siyang nagpakulong sa akin kahit na siya iyong tunay na may sala. Nagkuwento rin siya ng tungkol sa naging buhay niya. At napag-alaman kong double homicide at damage to property ang kanyang kaso nang pinagbabaril niya ang mga magulang ng partner ng kanyang pamangkin. Hindi na niya gaanong idinetalye kung bakit nagawa niya ang karumaldumal na krimeng iyon. Basta ang sabi lang niya, biktima siya ng mga maling akala. Subalit inamin din niyang hindi siya naging mabuting tao sa nakaraan kaya nararapat lang na pagdusahan niya iyon sa loob ng kulungan. "May pamangkin ako na tulad mo rin. Inabuso ko ang kanyang kahinaan noong kanyang kabataan. Ginagamit ko siya kapag wala sa bahay ang asawa ko na tiyahin niya. At noong nahuli kami ng asawa ko, pinalabas kong lasing ako at inaakit niya ako. Naniwala naman ang aking asawa. Kaya hayun, pinalayas namin siya na parang aso!" "Nasaan na iyong pamangkin n'yo? Kumusta na siya ngayon?" "Gumanda na ang kanyang buhay dahil sa pagsusumikap niyang umangat sa kabila ng kahirapan. Idagdag pa na natagpuan na niya ang mayaman niyang ama na nawalay ng mahabang panahon. Maswerte rin siya dahil nakatagpo siya ng lalaking nagmamahal sa kanya nang lubos. Actually, nandito sila kanina para bisitahin ako at dalhan ng mga supply ng pagkain. Sila ang nagpo-provide sa mga pangangailangan ko simula noong makulong ako!" "Ang bait naman pala ng pamangkin n'yo at ng partner niya. Isipin mong hindi siya nagtanim ng galit sa kabila ng mga nagawa n'yo sa kanya" "Mabait talaga 'yon. Ako lang naman ang hindi naging mabait..." Tumawa siya sabay iling. Ekspresyon ng taong may pagsisi at panghihinyang. "...Pinagpapala ang mga taong hindi marunong magtanim ng galit at marunong magpatawad sa kapwa. Iyan ang napulot kong aral mula kay John na aking pamangkin. Hayaan mo, ipapakilala kita sa kanya at sa partner niyang si Jonard kapag bumalik sila rito" Kung saan-saan pa dumako ang aming usapan hanggang sa naramdaman kong kahit papaano gumaan ang aking pakiramdam. Nakatagpo ako ng isang kapatid at kakampi sa katauhan ni Lando. Sa tuwing nade-depress ako sa aking sinapit, naroon siya lagi sa aking tabi, magbibigay ng payo. Hindi ko man lubusang kilala ang pagkatao niya sa nakaraan ngunit masasabi kong isa siyang halimbawa ng taong tunay na may pagbabago, sa pag-uugali at sa mga pananaw sa buhay. Nang dahil sa kanya, unti-unti kong natanggap na ganoon ang aking kapalaran. Marahil may ibang dahilan ang Diyos na kung bakit niya ibinigay sa akin ang ganoong pagsubok. Marahil paraan Niya iyon para mas lalo pa akong maging matatag at lumawak ang pananaw sa buhay. Hambalusin ka man ng mga delubyo, husgahan ka man ng buong mundo, at pagkaitan ka man ng kalayaan, lagi mong tatandaa na may Diyos sa itaas at hindi ka niya pababayaan basta't magtiwala ka lamang. Masakit at mahirap. Iyong pakiramdam na para kang ibong nabalian ng pakpak. Hindi makalipad, hindi makausad. Ikinulong at kinandado sa hawla. Wala kang ibang pwedeng gawin kundi ang umiyak. Malayo sa pamilya, sa mga kaibigan at sa dating buhay na malaya ngunit ang palagi kong tinitingan ay ang positibong bahagi nito. Sisikat din ang liwanag sa akin, ika nga. Lalabas din ang katotohanan at hindi tatagal sisingilin din ang taong tunay na may sala. Nagtagumpay man silang idiin ako, ngunit ang aking katatagan at prinsipyo ay hindi nila basta-basta makukuha. Patuloy sa paglikwad ang mga araw. Naging bukas na aklat ang buhay ko sa apat na sulok ng rehas ng Bilibid. Subalit dahil kay Lando, nakuha ko ang kanilang mga respeto. Sa pamamalagi ko sa loob, napag-alaman ko na ang mga kasamahan kong preso maliban kay Lando ay out-of-school-youth ng kanilang kabataan. At karamihan sa kanila ay hindi marunong sumulat at bumasa. Kaya naman nang minsang bumisita sa akin si Gina, sinabi ko sa kanya ang plano kong turuan ang aking mga kasamahang inmates na bumasa at sumulat na sinang-ayunan naman niya. At sa susunod niyang dalaw, magdadala siya ng mga kagamitan sa pagsusulat gaya ng papel at lapis at ilang mga reading materials alinsunod sa aking pakiusap. At sa muling pagdalaw ni Gina, dala na niya ang aking mga ni-request. May dala din siyang visual aid ng mga alphabeto at numero. Kinahapunan, sinimulan ko kaagad ang pagtuturo. Lima ang aking mga naging estudiyante na kasamhan ko lang din sa loob ng selda. Si Mang Ronnie ang pinakamatanda sa lahat sa edad na 45 na may kasong r**e at si Omar naman iyong pinakabata na labinsiyam na taong gulang at ang kaso niya, robbery with homicide. Bakas sa kanilang mga mukha ang galak na matuto. Kaya naman ginanahan akong magturo. Wala pang isang oras ay alam na nila kung paano isulat ang kanilang mga pangalan. Laking pasalamat nila sa akin dahil sa ikli ng panahon ay natuto na agad sila. Sinabi ko lang din na walang imposible kapag desido ka na matuto at dahil doon SIR na ang tawag nila sa akin. Sa halos isang linggo kong pagtuturo ay natuto na rin silang magbasa at sumulat. At dahil doon, mula sa lima ay naging labinlima na ang aking mga estudiyante. Nalaman iyon ng mga nakatataas ng bilibid at na-appreciate nila ang aking ginawa kaya naman naglaan sila ng isang silid na kung saan maka-accommodate ng dalawampung katao na gustong matuto. Suportado nila ang aking adbokasiya at dahil doon napalapit ang loob ko sa kanila at sa ibang mga inmates. At kapag ipinagpatuloy ko ang aking mga mabuting gawain, di malayong bibigyan nila ako ng parole. 'Yon iyong gantimpala sa mga inmates na may ginagawang kabutihan sa loob. Laking tuwa ko naman sa magandang balitang nalaman at dahil doon ay mas ginanahan pa ako na magturo. Kung dati hanggang sa pagbabasa at pagsusulat lang ako, tinuruan ko na rin ang ibang inmates ng basics sa Math, Values Education at Personal at Mental Development na kung saan malaking tulong iyon para yakapin nila ang tunay na pagbabago. Bagama't busy, hindi naman ako nakaramdam ng pagod sa aking ginagawa lalo na kapag naririnig ko ang salitang salamat buhat sa kanila. Talagang nakakawala ng pagod kapag nakikita mong nagbunga ang iyong pinaghirapan. Kung ma-approve man ang aking parole at mabigyan ako ng pansamantalang kalayaan, natitiyak kong wala ng mangmang na inmates sa loob ng kulungan. Hindi ko man saklaw ang nilalaman ng kanilang mga puso't isipan subalit sa tingin ko naman sapat na iyong mga naituro kong kagandahang asal, pagpapahalaga sa kapwa at takot sa Diyos na maging gabay nila sa pagtahak ng tamang landas. Pakiramdam ko, hindi na ako isang inmate sa loob kundi isang guro. Ngayon nahinuha kong marahil isa ito sa mga misyon ko sa buhay, ang magbahagi ng karunungan sa ibang taong hindi nabigyan ng pagkakataong mag-aral dahil sa kahirapan. "Kumusta ang araw mo?" Ang tanong sa akin ni Lando nang mahiga ako sa kanyang tabi. Simula noong maging close kami, magkatabi na kami sa pagtulog. "Heto pagod pero masaya naman!" Ang tugon sabay sapo ang aking noo. "Gusto mo ng masahe?" Hindi paman ako nakasagot ay agad na siyang bumalikwas at sinimulang hilutin ang aking ulo. Nakaramdam naman ako ng ginhawa nang sinimulan niyang hagurin ang aking noo pababa sa may sintido. Iniangat niya ang aking ulo at ipinatong niya iyon sa kanyang lap para maayos niya akong mahilot. Ramdam ko ang init ng kanyang palad at ewan, marahil, sa tagal ko ng tigang ay hindi ko naiwasang huwag tigasan lalo na ng bumaba ang mga kamay niya sa aking balikat. Sa gandang lalaki ni Lando, kahit naman na sino na kagaya ko ay talagang makaramdam ng gano'n. Inaamin kong minsan kapag nagsasarili ako sa CR, siya palagi ang aking pinagpantasyahan. Subalit hanggang sa pagpapantasya lang ako dahil malaki ang respeto ko sa aming samahan at ganoon din siya sa akin. "Tatlong araw na lang maaprub na ang parole mo, mauunahan mo pa akong lumaya nito!" Masayang wika niya subalit may nababanaag akong lungkot sa kanyang mga mata. Kahit paano, malalim na rin ang aming pinagsamahan. Natatandaan ko noong bago pa lamang ako, si Lando ang laging pumoprotekta sa akin kapag nakikipag-riot ang grupo nina Badong sa kabilang selda. Walang sinuman ang makapanakit sa akin kapag ganoong kasama ko siya. Kaya ako man ay nalulungkot din sa napipinto kong pag-alis. Ganoon din ang sentimyento ng mga estudiyante kong mga inmates ngunit mas nangingibaw ang kasiyahan sa kanila dahil deserved ko raw na mabigyan ng parole. Isa raw akong magandang halimbawa na bagama't biktima ng kawalang-hustisya, hindi pa rin nawala sa akin ang pagtitiwala sa Diyos, pagpapahalaga at pagmamalasakit sa kapwa at pagpapakita ng kababaang loob. Tunay nga ang kasabihan, kung ano ang iyong itinanim ay siya ring iyong aanihin. Isang gabi bago ang aking paglaya ay may trahedyang naganap. Muling nakipag-riot ang grupo nina Badong sa grupo namin sa hindi malamang dahilan. "Diyan ka lang, kami na ang bahala rito. Huwag ka ng makisali at baka mapurnada pa ang iyong paglaya!" Bulalas sa akin ni Lando. Tama naman ang kanyang sinabi kaya naman hinayaan ko na lamang silang makipaglaban kahit pa naroon sa loob ko ang udyok na sila ay tulungan. Sabik na rin kasi akong makapiling sina Inay. Subalit hindi ako nakatiis na panoorin na lamang ang mga kasamahan kong nakikipagbakan lalo na si Lando na noo'y dehado sa tatlo niyang kalaban na mas malaki pa sa kanya ng pangangatawan. May nakita akong baseball bat, pinulot ko iyon upang tulungan si Lando ngunit nang lumapit ako ay saka naman ang pagtama ng isang icepick sa aking likuran. Natumba ako sa sahig. Dumanak ang maraming dugo at nawalan ako ng malay. Hindi ko alam kung ilang oras o araw akong binalot ng kadiliman. Nang ibuka ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang sarili sa loob ng ospital. May oxygen na nakakabit sa aking ilong. Mayroon ding nakakabit na isang bag ng dugo at swero sa kaliwa kong kamay. Iginiya ko ang mga mata sa paligid, nakita ko si Inay at Rolly na nakaidlip habang nakaupo sa aking gilid. Agad naman silang nagising at hindi magkamayaw sa tuwa nang marinig ang aking pagtawag. Ilang sandali pa'y dumating si Gina kasama si Leny na may dalang mga pagkain at prutas. Lumabas naman si Inay upang ipaalam sa doktor na gising na ako alinsunod sa bilin nito. Kasama na niya ang lalaking doktor nang bumalik. "Tumagos hanggang sa baga ang icepick na tumama sa iyong likod. Maraming dugo ang nawala sa'yo kaya sinalinan ka namin ng dugo. And for now, you are in stable condition, Mr. Pontillas at sinagot na rin ng gobyerno ang mga gastusin dito ospital kaya wala ka ng dapat aalahanin pa. Three days from now, maari ka ng ma-discharge as long as wala kaming nakikitang pagdurugo sa iyong sugat!"Pahayag ng doktor sa akin. "Salamat po, Dok!" Ang tugon ko naman. Tumango ang duktor at isang tapik sa aking balikat bago siya tumalikod. Pagkalipas ng tatlong araw ay na-discharge na ako. Sinundo ako ng mga pulis sa ospital at hinatid sa Bilibid para pirmahan ang mga papeles ng aking pansamantalang paglaya. Matapos kong pirmahan ang mga dokumento, dumaan muna ako sa dati kong selda upang makapagpaalam kay Lando at sa mga kasamahan ko sa selda na minsan kong naging estudiyante. Isa-isa nila akong niyakap nang makita ako. "Mauuna ka lang ng kunti sa akin, susunod din ako tatlong buwan mula ngayon" Masayang wika ni Lando. "Wow naman nabigyan ka rin ng parole?" "Tapos na ang serbisyo ko dito sa loob. Tuluyan na akong maging malaya. Hindi naman kasi ako hinabla ni Jonard sa pagkakapaslang ko sa kanyang mga magulang. Sa ngalan lamang na nakapatay ako kaya ako nakulong pero hindi naman ako hinatulan. Pinagbayaran ko na iyon sa loob ng pitong taon!" "Ang bait naman ni Jonard kung gano'n!" "Mabait talaga iyon at ang pamangkin kong si John. Sila ang dahilan kung bakit niyakap ko ang pagbabago!" Isang mahigpit na yakap ang ginawad namin sa isa't isa bago ako tuluyang nagpaalam. Halos hindi na sumayad ang mga paa ko sa lupa sa sobrang saya ng makalabas ako sa compound ng New Bilibid Prison. Isinakdal man nila ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa subalit hindi naman ako pinabayaan ng Diyos. Dininig din Niya ang lagi kong idinadalangin. Nakita ko ang sasakyan ni Gina sa may di-kalayuan. Siya kasi ang maghahatid sa akin pauwi ng Mariveles para simulan ko ang panibagong yugto ng aking buhay. Habang nasa daan, naikwento niya sa akin ang tungkol kay Keith. Tuluyan na raw itong nasiraan ng bait dahil sa patuloy na pagamit ng ipinagbabawal na druga at kasalukuyan itong nakarehab sa ngayon. "Kumusta naman ang kompanya nila, may balita ka ba?" "Well, karma is digital nga Mar. Dahil limang buwan matapos kang mahatulan ay tuluyan ng bumagsak ang kompanya nila kasabay ng pagkabaliw ng petmalu mong  ex. Tuluyan na kasing nagpull-out ang lahat ng mga investors dahil nawalan na ng tiwala ang mga ito sa pamamahala ng CEO which is ang ama ni Keith. Isa sa mga dahilan no'n ay ang eskandalong kinasangkutan ng kanyang mga magulang. Nalulong sa pagka-casino at pambababae ang ama niya samantalang ang ina naman niya ay may kinalolokohang boylet!" Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sobrang pagkahabag sa mga nangyari kay Keith at sa kanyang pamilya. Labis man ang galit ko sa kanya noon sa pagdiin niya sa akin sa isang krimen na siya ang gumawa, hindi kailanman sumagi sa isip kong hilingin na mangyari sa kanya ang ganito. Sapat na iyong ma-realise niya ang kanyang pagkakamali at pagsisihan niya ang mga nagawang kasalanan. Sa totoo lang pinatawad ko na siya at Diyos na ang bahalang maningil sa kanya pagdating sa araw ng paghuhukom. Nangangako akong dadalawin siya sa rehab kapag maayos na ang lahat. Walang mapagsidlan ang tuwa nina Inay nang dumating ako. Nag-iiyakan kami habang magkayakap sa isa't isa dahil sa wakas buo na ulit ang aming pamilya. Dahil may kunting ipon naman ako sa bangko, magtatayo na lamang ako ng isang maliit na sari-sari store sa harap ng bahay namin. Wala pa sa plano ko ang maghanap muli ng mapapasukan dahil hindi pa naman tuluyang nabura ang aking criminal record. Sino bang kompanya ang tatanggap sa isang krimanal na tulad ko? Labinwalong-taon ang bubunuin para masasabing ganap na akong malaya pwera na lang kung muli kong pabubuksan ang kaso para magkaroon ng retrial. Kahit naman kasi pansamantala akong nakalaya, under surveillance pa rin ako ng otoridad. Patuloy pa rin sila sa pagmamanman sa mga kilos ko at galaw. Kapag may nakita silang paglabag, tiyak ibabalik ako sa loob ng kulungan. Kainailangan rin na magre-report ako sa correctional kada-buwan para sa aking evalution. Ganoon ang magiging routine ko sa loob ng labinwalong taon. Hapon iyon at dahil wala pa naman gaanong kostumer sa oras na iyon ay naisipan kong maglakad-lakad na muna. Naisipan kong puntahan ang puno sa itaas ng burol na kung tawagin ay hardin ng mga gamugamo bagama't mga alitaptap namam na ang namamahay rito kapag gabi. Tandang-tanda ko pa ang gabing nagtapat siya sa akin ng pagmamahal na akin din namang tinanggap sa ilalim ng puno na kung saan may pakanta pa siyang nalalaman kahit di naman kagandahan ang kanyang boses. Labing-walo lang ako noon, pitong taon na rin ang nakalipas subalit sariwa pa rin sa aking alaala ang mga sandaling kami ay masayang magkasama. Nasaan na kaya siya ngayon? Single pa kaya siya o may iba ng kinakasama? May dalang kirot iyong huling tanong ng aking utak. Marami mang nagbago at mga nangyari sa paglikwad ng panahon, ngunit ang pag-ibig ko sa kanya ay nanatiling buhay sa puso ko at isipan. Hindi kailanman iyon nagmaliw. Nagawa ko mang ipagpalit siya kay Keith at pumatol sa ibang lalaki pero siya pa rin ang nag-iisang lalaking idinadambana ng aking puso magpahanggang sa ngayon. Naging abala ang isip ko sa pagbalik-tanaw ng nakaraan kaya hindi ko namalayang nasa malapit na pala ako. Nga lang, hindi ko na naipagpatuloy ang pag-akyat sa burol gawa ng may nakapalibot ng mga barbwire rito. Saka ko lang din napansin ang maalikabok na kalsada papunta sa itaas at ang gate sa paanan ng burol na yari sa yero. At sa ibabaw no'n ay may karatulang nakasulat na RANCHO AMIGOS. Isa na palang malawak na rancho ang dati naming tagpuan ni Lukas. Habang pasilip-pasilip ako sa loob ay may narinig akong, "Anong kailangan mo?" Boses iyon ng isang lalaki mula sa aking likuran. Kasabay no'n ang pagdampi ng ulo ng shotgun na hawak niya sa aking batok na siyang ikinapatda ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD