SI SANTINO mismo ang nagmaneho para maihatid sina Soleng at Claudine sa bus terminal. Nais niyang ipahatid ang mga ito sa driver hanggang sa probinsiya ngunit mahigpit ang naging pagtutol ng matalik na kaibigan ni Aurora. Mapapagod lang daw nang husto ang driver sa pagmamaneho pabalik ng lungsod. Komportable naman daw sa bus. Kinakabahan si Santino. Kasama nila si Aurora. Wala itong dalang bag ngunit natatakot pa rin siyang sumama kina Soleng ang dalaga. Natatakot siyang magbago ang isip nito. Umalis si Aurora sa probinsiya na walang dalang anuman, kaya rin nitong bumalik na walang dalang anuman. Pagdating nila sa terminal ay mahigpit na hinawakan ni Santino ang kamay ni Aurora. Sinubukan nitong hilahin iyon ngunit hindi siya pumayag. Napatikwas tuloy ang isang kilay ni Soleng. “Sigurad

