NAPAPITLAG si Santino nang biglang bumukas ang pintuan ng silid ni Aurora. Mukhang ikinagulat din ng dalaga nang makita siyang nakaupo sa sahig at nagbabantay. Naningkit ang mga mata nito, waring nagkaroon na ng ideya kung ano ang ginagawa niya roon. “Ano ang ginagawa mo riyan?” tanong nito sa malamig na tinig. Minasdan muna ni Santino ang suot na relong pambisig. Alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw. Hindi kaagad siya makasagot. Hindi rin kasi niya inakala na kaya niyang gawin ang bagay na iyon. Pagdating kay Aurora ay wala yata siyang hindi kayang gawin. “Binabantayan mo `ko?” Pinasadahan niya ng paningin ang kabuan ni Aurora. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag nang mapansin na nakasuot ng pajamas ang dalaga. Sinabi niya sa sarili na hindi ibig sabihin niyon na hindi na nito toto

