19

2128 Words

PAG-UWI NG bahay ay si Aurora kaagad ang hinanap ni Santino. Hindi lang ice cream ang bitbit niya, mayroon din siyang uwi na malaking pumpon ng bulaklak. Ayon sa text nito kanina sa kanya ay nagyaya ang mag-inang Soleng at Claudine sa mall. Matagal na raw nais puntahan ni Soleng ang isang partikular na mall kaya namasyal na ang mga ito. Ang sabi ng kawaksi kay Santino ay nasa pool area si Aurora. Nasa silid na raw sina Soleng at Claudine. Sa may pool area na siya tumuloy. Nakaupo sa porch swing si Aurora, kalong ang gitara at tumutugtog. Ilang sandali na nanatili si Santino sa distansiya at pinanood ang dalaga. Wala itong kasingganda. Naramdaman marahil ni Aurora ang presensiya niya at nag-angat ng ulo. Nagawi kay Santino ang mga paningin nito. Awtomatiko ang pagguhit ng ngiti sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD