NANG SUMUNOD na araw ay may mahalagang meeting si Santino na hindi niya maaaring ipagpaliban. Halos hindi siya nakatulog sa magdamag at sa totoo lang ay wala siyang ganang magtrabaho. Ngunit hindi niya maaaring kalimutan ang kanyang mga responsibilidad. Makakasama niya sa meeting ang kanyang father-in-law. Nasa hapag na ang lahat pagbaba ni Santino. Sinubukang ibaling ni Aurora ang paningin sa ibang direksiyon ngunit nanumbalik pa rin ang mga iyon at pinasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan. Kasalukuyan niyang suot ang isa sa mga magarbo niyang custom-made suits. Nanlaki ang mga mata ni Soleng. “Wow,” bulalas ng kaibigan. Tumayo pa ito at nilapitan siya upang mabistahan nang husto ang kanyang kabuuan. Nais mahiya na nais matawa ni Santino. Kagaya noong unang beses siyang makita na gano

