12

1132 Words

NAGKULONG SA silid si Aurora pagkatapos ng almusal. Lumabas sandali si Santino at mayroong binili. Pagbalik ay nagkukulong pa rin daw si Aurora sa loob ng silid nito, hindi raw kumain ng tanghalian. Kinatok ni Santino ang silid ng dalaga. Pinagbuksan naman siya ni Aurora. Tuyo na ang mga mata nito ngunit halatang ginugol pa rin ang mahabang panahon sa pag-iyak. Hindi na yata iimpis ang pamamaga ng mga mata nito. “May kailangan ka?” tanong nito sa malamig na tinig. Itinaas ni Santino ang dala-dala. Isang gitara ang binili niya sa pinakamalapit na mall. Music always had a way of calming her down. “For you.” Ilang sandali na napatitig lang si Aurora sa hawak niya. Kapagkuwan ay tumingin ito sa kanyang mga mata. “Hindi ko—“ “Pahiram lang,” pamumutol ni Santino sa sinasabi ni Aurora. “Just

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD