HINDI NA maalala ni Santino kung kailan ang huling pagkakataon na naglakad siya ng walang patutunguhan sa loob ng mall. Walang iniisip na trabaho o problema. Maligaya at magaan ang pakiramdam. Nilingon niya si Aurora na abala ang mga mata sa pagtingin sa ilang shop na nadadaanan nila. Hindi marahil niya magagawa ang ganoon kung hindi sila magkasama. Mas gugustuhin niyang ibaon ang sarili sa trabaho kaysa maglakad ng walang patutunguhan. May isa’t kalahating oras silang kailangang patayin bago sila pumasok sa loob ng sinehan. Ayaw pang kumain ni Aurora kaya naglilibot na lang sila. “Gusto mong mamili?” kaswal na tanong ni Santino kay Aurora. Kaagad na umiling ang dalaga. “Okay na ako sa mga ipinahiram mo.” “Ang sabi ni Manang ay hindi mo naman binubuksan ang karamihan sa mga damit. Gusto

