14

2136 Words

ISANG ROMANTIC comedy ang napiling panoorin ni Aurora. Noon pa man ay hilig na nito ang mga ganoong pelikula. Walang pakialam si Santino kahit na manood siya ng cheesy movies basta kasama niya si Aurora. Hindi na rin niya gaanong maalala ang huling pagkakataon na pumasok siya sa loob ng sinehan, ngunit hindi rin naman siya gaanong nakapanood dahil pabalik-balik ang kanyang mga mata kay Aurora. May pagkakataon na nahuhuli siya nito ngunit hindi naman siya nito pinagbabawalan kaya ipinagpatuloy niya ang pagsulyap. Waring tumataba ang puso ni Santino sa tuwing naririnig niya ang pagtawa ni Aurora sa mga eksena at linyang nakakatawa sa paningin at pandinig nito. Naubos nito ang caramel popcorn na binili niya ngunit dinala pa rin niya si Aurora sa isang steak house pagkatapos nilang manood ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD