BUKANG-LIWAYWAY na nang makarating silang magkakaibigan sa Tinagong Dagat. Pagkalapag ng private chopper ni Dylan sa helipad ay agad silang sinalubong ng mga staff at ni Christine na manager ng nasabing resort. Tumawag na si Dylan sa manager ng resort bago sila umalis ng Maynila upang i-reserve sila ng matutuluyan. Hindi inasahan ni Christine na babalik siya doon sa nasabing resort kaya't napayakap ito sa kaniya nang makita siya. "Mamaya usap tayo ha." wika ni Christine. Ilang sandali pa ay iginiya sila sa kani-kanilang tutuluyan. Ang modern bahay-kubo na tinuluyan niya dati ay siya ring naka-reserved para sa kanilang dalawa ni Blake. Magkakatabi lang at pare-pareho ang disenyo ng apat na two-storey modern bahay-kubo na pina-reserved ni Dylan para sa kanilang pito na kanilang pansaman

