Blue, blue, blue
They say that the world is cruel and an unjust place.
There is no harmony in the universe.
The only thing constant is suffering.
Soon everybody will be dead.
No one will be here,
There,
Or everywhere.
Why would we waste our time striving to live a perfect life when we knew to ourselves that we'll disappear someday?
Why do we strive to do our best though we know that nobody will ever remember us in the end?
Why do we want to keep living in this horrible and very very boring place?
"You only live once so Live it right" that's rubbish! As if I believe in such!
There was really nothing to inspire me to wake up in the morning, or to go to school and finish it so I can get a job and live my best life…
So why am I still alive?
Nahihilo na ako sa posisyon ko sa kotse pero pinanindigan ko ito para lalong mainis ang nagmamaneho na nakaupo ngayon sa harapan.
Binigyan niya ako ng nagtitimping tingin mula sa rear view mirror habang nakalaylay ang ulo ko sa upuan at ang katawan ko ang umoukupa sa back seat.
Tanging tugtog lamang sa radyo ang ingay sa buong biyahe habang nagdadrive siya sa isang mahabang plain road sa pagitan ng dalawang plain fields. Actually medyo bumo-boring na rin yung view sa pa-araw-araw kong pagdaan dito, wala naman rin kasing special. Nagsasawa na rin yung mga mata ko.
Patirik na ang araw kaya alam kong maya-maya lang ay tagaktak na naman ang pawis ko, at painit narin ang ulo ng kasama ko.
"Where do broken hearts go...couldn't find their way home~" pagsabay ko sa kanta sa radyo at akmang lalakasan ko pa ito kung hindi lang niya tinapik ang kamay ko na nasa ere na.
"Hanggang kelan ka ba sasawayin, ha Cj?" maarteng tanong nito.
"Bakit ba? lalaksan ko lang naman 'yong music ee!" pagpilit ko pa at akmang gagawin ulit ang pagpapalakas sa radyo ng biglang patayin niya ito. "Bakit pinatay mo!?" umayos ako ng upo, minsan ang sarap den kalbuhin nitong babaeng to ee.
"Can't you just shut up!? I'm doing you a huge favor here, C! pasalamat ka at mabait akong kapatid para ihatid ka sa school kung hindi naglalakad ka ngayon!"
"PasALamaT kA aT mAbaiT aKonG KapAtid--shut up!" I mimicked her in the most annoying way I could think of. Inirapan pa ako nito bago itinutok na lang niya sa pagdadrive ang atensyon nya. Wala ng salita pa ang narinig mula sa amin.
Kung bakit kasi kailangan pang umalis ni Mami edi sana siya ang nag dadrive sa akin ngayon at hindi 'tong ate ko!
Well, to be fair, hindi naman kami totally 'yong magkapatid na puro away lang ang alam. Minsan bati kami, minsan ren hindi. Depende kung may regla sya o wala, or kung may iju-judge kaming tao na pareho naming 'di gusto.
I crossed my arms as I glanced back out the window, nakita ko na ang local Diner ni Poppa kaya alam kong malapit na kami, mabilis kong isinukbit ang bag ko nang papasok pa lang ang sasakyan sa school at lumabas ka agad ako bago pa man makapag-park si Larth at pagalitan ako. 'Di ba, kahit pangalan niya panget? Larth, pinagsamang Lena (her first name) and Arthur (her second name) after learning that the entire school body's calling her that name I eventually started mocking her 'cause of it. And let me tell you how she hates it every time I call her that!
I walked as fast as I could knowing that Larth would probably catch up in no time. Hindi na ako nagabala pang puntahan ang locker ko dahil alam kong wala naman akong gagawin doon kaya dire-diretso akong naglakad hanggang classroom at mabilis na umupo sa upuan ko sa may likuran. Kasi sino ba namang gustong umupo sa harap if you're no one if not a smart ass?
Iilan pa lang ang nandirito, at tanging ingay lang nila ang naririnig ko kung hindi mo isasama ang mga estudyante sa labas na parang halos araw araw na lang ay may pinagtatawanan.
I fished my phone in my pocket and acted as if I was chatting with someone...you know, just to kill time, when in fact I was just browsing. Nang ma-bore ibinalik ko na lang ito sa bulsa ko at tinignan ang sapatos ko na para bang napaka interesante nito para sa akin. Matagal ko na rin itong gamit, kaunting taon na lang ay dapat na kong bilhan ng bago dahil for sure kakalakhan ko na ito.
Tinanaw ko ang paligid sa labas ng bintana ng classroom namin at nakita ang mga estudyanteng nag uusap-usap habang nasa labas.
Paano kaya sila nagkaroon ng ganoong karaming kaibigan? But, it was probably just easy for them since they're not socially rude like everyone told me I am. That's also rubbish. Is being frank called rude now? Sometimes, I don't get teens.
Ang malakas na pagbubukas ng pinto ng aming room ang kumuha ng atensyon ng lahat pati na rin ng akin, isang 'di masyadong payat na lalaki ang pumasok habang sukbit ang bag niya. Ang natural niyang kulot na buhok ay dahan-dahang tumatalon bawat hakbang niya at humaharang sa mga asul niyang mata ang ilang mga strand na hindi na suklay ng ayos. Ang mga bilog niyang salamin ay unti-unting dumadausdos sa hindi masyadong matangos na ilong niya. Galit siyang naglakad sa upuan niya na katabi ko (ilang dipa lang ang layo namin sa isa't isa at kahit sa upuan ko ay amoy ko parin ang matapang niyang cologne...naiinis ako rito.) Mabilis kong pinasadahan ang kabuuan niya bago ko makita ang may sugat niyang kamao. Napangiti ako. Parang napakatagal na yata nang minsang may magaway sa school na to.
"Kulot." Tawag ko rito pagkatapos kong humarap sa kaniya, kita ko kung paano siyang nagkuyom ng kamao at huminga ng malalim na animo'y pinipigilan ang sariling huwang makagawa ng kung ano mang masama. Hindi ako nito pinansin, "May sinapak ka?" prangka kong tanong like it was my business. Walang sagot ito at muntik na nga akong matawa dahil sa trying-so-hard-to-be-serious nitong demeanor. "Parang 'di seatmate ah." Alam ko naman kung hindi niya ako kausapin at naiintindihan ko and posibleng dahilan nito. Sa buong pag aaral ko kasi sa Watters High School ni hindi ko man lang siya kinausap kahit isang bese man lang, kahit ngayong year na magkatabi kami ay hindi ako nagsayang ng laway para lang kausapin siya o batiin ng good morning. Wala naman kasi talaga kaming dapat pagusapan. We're not friends, acquaintances even, so why do I need to waste my time giving him a smile when I don't even know his full name? "Asan mo sinapak--?"
"Pwede ba? Not now!" Masama itong tumingin sa akin na akala mo talaga ay kaya niya ako.
"Nagtatanong lang naman ako!" Pag depensa ko. Magsasalita pa sana ako nang may marahas na namang nagbukas ng pinto at dali daling sinuyod ang classroom ng kanyang mga mata. Nagdudugo ang ilong nito habang hawak niya at may sugat ito sa iba't ibang parte ng mukha. Nakilala ko siya bilang si Otis, ang resident evil ng school. Teacher's Enemy no. 2...number 2 lang kasi si Riley Fransisco ang number 1. Yung Rugby player ng 11th grade. Matapang lang din naman to si Otis kasi mayaman ang parents. Kung hindi naman ganoon ay hindi yan maglalakas loob na gawan nang biro ang mga estudyante, lalo na ang freshmen at transfers. Buti nga at hindi ako ginagalaw niyan dahil kay ate, minsan talaga thankful den ako dahil bida bida si ate at halos lahat ay kilala siya, marami pang koneksyon.
Pinasadahan ko ng tingin si Otis bago siya tuluyan na ngang lumapit sa lalaking ilang dipa lang ang layo ko, wala itong pakialam sa lalaking galit na galit na at dumudugong ilong sa harap nito. "G*go ka ah! Anong laban mo at umalis ka lang ng ganon! Akala mo makakatakas ka pagkatapos mong--"
"Paduguin ilong mo? Bugbugin ka? lampasuhin ka? Kawawain ka na halos maihian mo na pantalon mo?" Lakas loob na sabi ng lalaki nang makatayo ito. Nagtinginan sila ng masama na parang doon na mismo magsasapakan.
"Hoy Kulot, 'di porket nasapak mo ko ng ilang beses ay matatakot na ako sayo." Mababa ang boses ni Otis at kung isang estudyante lang na ang habol sa school ay mag aral ang sinabihan nito ay baka siya na ang basang basa ang pantalon dahil sa ihi. Pero hindi ang katabi ko.
"At 'di rin porket nasapak mo ako nang ilang ulit sa buong pagpasok dito ay matatakot na ko sayo. Walang nakakatakot pa kesa mukha mo Smith." Pambabara nito at mutikan pa ngang matawa ang mga tao sa room. Bago pa man makasagot ulit si Otis ay nag-ring na ang bell at pumasok na ang teacher namin kaya walang choice si Otis kundi lumabas na lang at bantaan si Kulot na mag ingat kapag nasa labas na siya.
"Nice one." Bulong ko dito habang hindi inaalis kay prof ang tingin ko. Nakita ko siyang dumako ang tingin sa akin at umiling. Alam mo yung nagiging mabait ka na nga pero di ka parin sineseryoso!
Wala naman masyadong nangyari sa buong morning class bukod nga doon sa pagaaway ni Kulot at ni Smith sa room. Kumalat na rin sa buong school kung paano pinadugo ni Kulot ang ilong ni Otis hanggang sa halos mapaihi na raw ito sa takot. Natatawa pa nga ko kung paano iwasan ng mga estudyante si Kulot sa lockers at hallway na akala mo nakapatay ng tao. Convicted yarn?
Habang nakaupo ako sa isa mga bleachers ng football field ay inilabas ko na ang sandwich na ginawa ko kanina sa bahay for lunch. Usually si mami ang naghahanda ng baon ko pero since wala nga sya today for some reasons ay ako na lang ang gumawa. Kahit medyo sloppy sandwich ang kinalabasan ng ginawa ko.
Masaya tumambay sa bleachers kasi walang tao rito at nasa cafeteria halos lahat, kaya solong solo ko ang lugar na wala pang sagabal. Tahimik rito at wala sa ma-araw na parte ang inuupuan ko kaya saktong sakto lang kumain rito. This has been my go-to place ever since I started studying here. The bleachers will always have a special place in my heart, kasi minsan...kahit sobrang gulo na ng mundo...I sometimes find myself here, I find tranquility, this is my safe haven...where no one would bother m--
"Can I sit here?" tanong ng isang boses na parang kanina lang ay sinisigawan ako. Lumingon ako dito pagkatapos kumagat ng sandwich ko.
"Bakit dito ka pa uupo ee sobrang dami namang upuan don oh!" Tumuro ako sa mga bleachers na bakante. He sighed and looked at me with all hopes up.
"Bakit dito ka kumakain?" umupo parin siya na parang wala nang pake kahit magalit ako, he just ignored my question like that. Ee siya naman 'tong may topak kanina!
"Ikaw, bakit nandito ka tumatambay, di ba dapat nakikipagaway ka kay Smith?" Hinatian ko siya ng sandwich ko na parang isang natural na gawain na ito sa aming dalawa pero tumanggi lang siya kaya ako rin ang kumain.
"The principal wanted me to go to his office kasi nagsumbong daw si Otis sa kanya." Pareho kaming nakatingin sa malayo. Umihip ng malakas ang hangin at ginulo ang buhok naming dalawa.
"Don't tell me you're scared of him?" I scoffed in disbelief. Though, parang hindi naman kasi kapanipaniwala na may estudyanteng takot sa Principal namin.
"Smith or Mr. Jameson?"
"Either."
"Neither." Tumingin ako dito at napangisi.
"Oh ee bakit ayaw mo pang pumunta doon kung hindi ka naman pala takot sa kanila? Panigurado warning lang ang matatanggap mo dun since I guess this is the first time that you punched someone…unless." Takang tanong ko habang isinandal ang dalawang braso sa sandalan ng upuan.
"I just don't want to deal with stupid things right now...marami na akong isipin. Tsaka panigurado, tatay naman ni Smith ang magbabanta sa akin at bibigyan ako ng pera para wag kong ipagkalat na binugbog ko anak nya." Mahina lang ang pagkakasabi niya ng mga huling salita ngunit narinig ko parin ito. Inubos ko na ang pagkain ko at kasalukuyang umiinom ng tubig habang pinagmamasdan siya. Kitang kita kung paanong asul ang mga mata niya dahil sa tirik na araw pero kahit ganun hindi naman siya gaanong gumuwapo. Parang normal lang, wala lang nasikatan lang siya ng araw. Gusto kong matawa sa naisip ko.
"Is this real? Kulot actually opening up to me?" He frowned at the nickname.
"Why do you and other people keep calling me that name!?"
"Alam mo kahit dito ka pa magtago, hahanapin at mahahanap ka parin nun nila Smith at Principal Jameson." Hindi ko pinansin ang tanong niya at nagbabantang sinabi sa kanya ang alam kong posibleng mangyari. Mahahanap rin naman talaga siya nung matanda at ni Smith in no time. He perk his brows as I patiently waited for his reply.
"Nagbabakasakali lang naman." Tumingin siya sa sapatos niya, "Alam mo narinig kong may mga alam ka raw na lugar na hindi alam ng marami." Tumingin siya sa akin at ngumisi.
"At saan mo naman narinig yan?" Ipinasok ko sa bag ang mga gamit ko.
"Kung kani-kanino. Minsan pinag uusapan ka rin nila ee." Hindi naman yun nakakagulat, maganda kasi ako kaya nila ako pinagchichismisan...ow yaz!
"At naniniwala ka doon?"
"Tell me, dapat ba akong maniwala doon?"
Halos matagal rin kaming nagkatinginan bago mapangiti sa isa't isa at magtawanan. I didn't know he could be this chill. However, I never really knew him that well in the first place.
"Sige nga, ano naman sayo kung marami nga akong alam na lugar?" I crossed my arms and waited for his answers with raised eyebrows. Kasi, ano naman ang gagawin niya sa information na yun?
Fact, I know many places na hindi alam ng iba. At kahit alam nila, baka hindi rin sila makapunta doon. Ang mga nalalaman kong lugar ay ang tanging dahilan para isipin kong naiiba ako sa mga tao dito sa maliit naming bayan.
People in our town stick with what is usual. They're afraid to get out of the box and explore things. Well I'm not like them. Kaya siguro napagkakamalan akong takaw gulo minsan lalo na ng mga matatanda dahil wala akong sinusunod na rules and regulation whatsoever.
"Take me there." Walang paligoy-ligoy niyang sagot, napatigil ako at napaisip. Tumayo siya at inilahad ang kamay sa harap ko na parang iniintay niyang kunin ko ito.
"What?"
"I'm sorry that I shouted at you earlier, I'm just really pissed off." Tumayo nako sa pagkakataong ito.
"No, okay, I get that. You're forgiven, but...what exactly do you want me to do?" Tumingin ako sa nakalahad nitong kamay.
"Take me to all the places that you know."
"At bakit ko naman gagawin yun?" Muntik akong matawa.
"Di ba sabi mo makikita pa rin naman ako nila tanda at Smith kahit magtago ako dito. Pwes ilabas mo ako dito. Dalhin mo ko sa malayo, sa kung saan hindi nila ako makikita."
"Nagd-drugs ka ba?" natatawa kong tanong dito. Hindi parin niya binababa ang kamay niya sa ere. "Ano lalayas tayo?" Natatawa kong tanong. Yes, teens are so hard to understand.
But the liberty…the mindset…the everything…this what this part of life makes it feel alive. This is the part of our lives when we feel so alive.
But right now I'm not.
"For a day." He clarified. I looked at him like he had grown another head. Hindi ako makapaniwala na si Kulot na hindi man lang makasagot nang ayos ng simpleng present sa attendance ang kumakausap sa akin ngayon.
"Sinosorpresa mo ko sa mga sinasabi mo, Kulot." pag amin ko dito ng nakangiti.
"I am determined to get out of here for a day, to clear my mind. Kung hindi mo gustong sumama edi sabihin mo na lang sakin kung saan ko mahahanap na lugar yung mga alam mo para ako na lang ang pupunta mag isa." Pahayag niya na parang kinokonsensya pa ako sa hindi ko pagsama. Napatango ako habang nag iisip. Boring na rin naman ang mga afternoon subjects kaya minsan nakakatulog na rin ako. Kaya ko na rin namang umuwi mag isa...ang problema si Larth.
Well, wala naman siguro siyang pake kahit mawala pa ako sa loob ng isang milyong taon. So I guess she's not a problem.
Tumingin ako sa mga asul na mata ni Kulot na punong puno ng anticipation. Bumanat ang mga labi ko ng isang malaking ngiti bago ko napigilan ang sarili kong kamay na mabilis na nakipag shake hands sa mga kamay ng lalaki sa harapan ko ngayon.
I can't believe I'm doing this right now.
But part of me is.
I'm a tough girl after all.
Not a coward.
So believe it or not, masaya akong may nagaya sa aking umalis sa lugar na ito kahit isang saglit.
Though, until now, hindi ko parin maipasok sa isip ko na pumayag akong lumayas ng isang araw kasama ang lalaking hindi ko inaasahang mag uumpisa ng lahat.