Kabanata 18.5

1275 Words
Pagkatapos ng naging pagbisita ni Paige sa opisina ni Jack ay hindi mawala sa isip nito ang mga sinabi ni Paige. Nakatulala lang si Jack habang nakatingin sa labas ng bintana niya. Pinag-iisipan niya ang suhestiyon at mga sinabi ni Paige sa kanya dahil iniisip niya kung posible pa bang maging masaya siya kahit na manatili ang mga ala-ala na iyon sa isip niya. Habang iniisip niya iyon ay parang awtomatikong nag-flash back ang pag-uusap nila ni Paige. “Kumusta ka naman? Saan ka ba nagpunta? Parang wala naman sa ugali mo na umalis sa loob ng opisina na ito habang nagtatrabaho ka. Nakapag-usap pa kami ng new secretary mo. Puwede bang maging mabait ka na sa kanya para hindi na nagsusumbong sa akin si Charles na hindi na naman nagtagal sa iyo ang sekretarya mo? Bawas-bawasan mo kasi ang pagiging guwapo mo para instead na sa mukha mo sila tumitingin ay nag-fo-focus sila sa trabaho nila,” panimula ni Paige nang makapasok na sila ni Jack sa opisina nito. “Pinuntahan mo ba ako rito para sermonan o ipaalala kung gaano ako ka-guwapo?” biro nito sa dating kasintahan. Hindi man posible sa ibang dating magkarelasyon na maging magkaibigan ulit ay hindi ganoon ang sitwasyon ng dalawa dahil nanatili ang pagkakaibigan nila noong naghiwalay sila. Isa pa, maayos silang naghiwalay at parehas nilang naging desisyon iyon. Mature couple na maituturing, masaya sila na magkasama pero alam nila na maraming differences sa pag-uugali nila na nag-ko-cause pa ng misunderstanding sa pagitan nilang dalawa. Naiintindihan nila kung bakit madalas silang hindi nagkakaintindihan kaya naman nag-usap sila nang masinsinan hanggang sa napagdesisyunan nilang dalawa na maghiwalay na. Magkaharap silang naupo para maging maayos ang pag-uusap nila. “Wala naman. Iba siya sa mga sekretarya mo noon dahil madali ko siyang nakapalagayan ng loob. Natawa lang ako na iniisip niyang boyfriend kita. Siguro ay dahil sa friendly date natin noong nakaraan. Wala ka pa bang dinedate na bago, Jack? Ginawa mo na ba talagang asawa itong trabaho mo?” Dahil sa naging tanong ni Paige ay napatingin si Jack. Alam na niya na may madaldal din siyang kaibigan na sa tuwing binibiro siya sa iba ay nakararating agad sa malalapit na tao sa buhay niya. “Kaya ka ba nandito ay dahil diyan? Dapat na ba kitang isumbong sa tatay mo na hindi ka naman nagtatrabaho at gumagala ka lang dito?” “Ikaw rin, baka isipin pa niyang nagkabalikan tayo kapag ginawa mo iyan. Isa pa, baka hindi ka makaporma sa babaeng nagugustuhan mo kapag narinig niyang may girlfriend ka na. It’s Evelyn, right?” she asked. “What do you mean, Paige? Sabihin mo na sa akin nang diretso kung ano ang sinabi sa iyo ni Charles. Makulit na ang isang iyon kaya huwag ka na dumagdag, sigurado ako na alam na rin iyon ni Wilson.” She sighed. “Tama rin pala si Charles na nagsusungit ka kapag napag-uusapan iyon. Huwag ka ngang magalit sa amin ni Charles. Masaya lang kami na may muling nagbubukas ng puso mo. We are your friends after all. Gusto lang namin na maging masaya ka because you deserve it.” He smirked. Hindi niya alam kung totoong deserving siya na maging masaya. Ayaw niyang ibang tao ang maging dahilan ng saya niya dahil kapag nawala ito ay siya naman ang nalulungkot nang sobra. “Ganiyan ba talaga ang iniisip mo? Sa kabila ng mga nalaman mo ay naniniwala ka pa rin ba na deserve ko na maging masaya?” “Of course, jack. Kailangan mo lang matanggap iyon sa sarili mo.” “Do I really deserve to be happy? Gusto ko rin naman maging masaya pero paano?” “I’m glad we are talking about this. Parang inamin mo na rin na si Evelyn nga ang nagugustuhan mo dahil nagiging masaya ka at iniisip mo kung deserve ka ba talaga na maging masaya. Paulit-ulit man namin sabihin sa iyo ay hindi kami magsasawang ipaalala sa iyo na deserve mong maging masaya.” “I know na nandiyan lang kayo sa tabi ko and thankful talaga ako sa bagay na iyon. Alam niyo naman na happiness niyo lang din ang gusto ko same reason why I let you go.” “It’s the same with me kaya nga dapat maging masaya ka na ulit.” Sincere ang pagnanais ni Paige na maging masaya ulit si Jack at alam iyon ni Jack pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga ala-ala ng nakaraan lalo na at napadadalas ang pagkakaroon niya ng masamang panaginip kaya inisip din ni Jack noon na ang dahilan ng mga ganoong panaginip ay si Evelyn dahil nakararamdam siya ng totoong saya kapag nandiyan si Evelyn at tama si Charles na defense mechanism lang ni Jack ang matinding pagsusungit sa dalaga. Tumayo si Paige para lapitan si Jack, tinapik niya ang balikat nito. “Alam mo kung paano magsisi sa huli, hindi ba? Kaya bakit mo pinakakawalan ang pagkakataon mo ngayon? Nandiyan na si Evelyn sa harap mo pero hindi mo pa masabi ang nararamdaman mo. Hindi naman ganiyang Jack ang pagkakakilala ko sa iyo. Sana ay mahanap mo sa sarili mo ang pagpapatawad na hinihingi mo sa maraming tao.” Makahulugan ang mga salitang iniwan ni Paige bago magbago ang pinag-uusapan nila. NAPATINGIN NAMAN SI JACK sa pinto ng opisina niya noong nakarinig siya ng pagkatok. Sa hindi malamang dahilan ay alam niya na ang kumatok ay si Evelyn. “Pasok,” sagot niya sa pagkatok ng dalaga at hindi nga siya nagkamali dahil si Evelyn nga ang kumatok. “Bakit?” tanong ni Jack kay Evelyn. “Itatanong ko lang sana kung gusto mo ng kape, Sir Jack. Aasikasuhin ko lang sa baba ang mga inutos mo sa akin. Gusto mo ba na ipagtimpla kita ng kape bago ako bumaba?” Nakasilip lang ang ulo ni Evelyn kaya pinapasok siya ni Jack dahil may gustong itanong si Jack kaya kaagad namang pumasok ang dalaga. “Ano po ang itatanong mo, Sir Jack?” tanong pa niya noong mapatulala si Jack dahil hindi nito alam kung dapat bang ituloy niya ang pagtatanong. “Evelyn,” pagtawag pa ni Jack sa pangalan ni Evelyn. Gusto niyang itanong kung maaari silang lumabas para kumain pero hindi siya makuha ng tamang salita para itanong iyon. Ngayon lang si Jack hindi makapagtanong sa isang babae kahit alam naman niya kung ano ang itatanong niya. “Puwede bang—” Hindi naitulong ni Jack ang sasabihin niya dahil bumukas at pinto at si Charles ang iniluwa noon. Parehas at sabay namang napalingon sina Jack at Evelyn. “Am I interrupting something?” tanong pa nito. Hindi siya pinansin ni Jack at sinabi lang nito kay Evelyn na maaari na niyang gawin ang gagawin niya dahil ayaw niya ng kape kaya lumabas naman kaagad si Evelyn. “Hindi ka na rin ba marunong kumatok?” naiinis na tanong ni Jack sa kaibigan. Madalas itong ganoon sa kanya dahilan para gawin nitong rule ang pagkatok dahil kay Charles na hindi marunong kumatok. “Ang ibig sabihin ay naabala ko nga kayong dalawa kanina?” “Panira ka ng diskarte!” “Wow! Dumidiskarte ka na ngayon? Okay lang iyan dahil mukhang kabado ka naman kanina. Tinulungan pa nga kita dahil natameme ka na habang nakatingin kay Evelyn. Gandang-ganda ka talaga sa kanya, ano?” pang-aasar ni Charles sa kaibigan kaya bandang huli ay pinalabas lang niya ito. Kailan kaya siya magkakaroon ng lakas ng loob pagdating kay Evelyn? Kailan kaya matutupad ang kagustuhan ni Paige at ng mga taong nagmamalasakit kay Jack para mapatawad nito ang sarili dahil sa nakaraan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD