CHAPTER 10

4131 Words
Chapter 10 “Mabuti naman at nandito ka na,” nagiginhawaang usal niya nang makita akong dumating sa classroom. Hindi muna ako sumagot. Inilagay ko ang bag ko sa upuan na nasa tabi niya at saka naupo. “May bago ba sa time ng pagpasok ko sa school?” Bumaling siya sa ‘kin at saka ako inirapan. “Aba’y itanong mo ‘yan sa sarili mo, Decdec—” Napatigil siya sa pagsasalita nang abutin ko ang buhok niya at sabunutan siya. “Aray naman! Kung makahila ka sa buhok ko, parang ang laki ng galit mo, ah!” Binitawan ko ang buhok niya. “How many times do I need to tell you to stop calling me Decdec? Ang pangit kaya pakinggan!” Imbis na mainis siya dahil sa pagsabunot na ginawa ko, tumawa pa siya nang malakas habang inaayos ang buhok niya. “Bakit ba nakikialam ka sa itatawag ko sa ‘yo? Kung gusto mo, gumawa ka rin!” Inialis ko sa kaniya ang paningin ko. Hindi naman talaga ako naiinis na Decdec ang tawag niya sa ‘kin. Pinipilit ko lang siya na huwag na akong tawagin sa ganoon dahil ayaw kong isipin niya na palagay na ang loob ko sa kaniya. Though alam ko naman sa sarili ko na comfortable na akong makipag-usap at makisama sa kaniya. The girl who’s sitting next to me is Myrtil. I met her noong first day of school. Dalawang linggo pa lang ang nakalilipas magmula nang magkakilala kami ngunit kung titingnan ay parang sobrang tagal na naming magkasama. Myrtil is a girl who is persistent. One rejection for her is not enough. Not even twice. Especially not even thrice. She has this long patience and huge understanding in everything. Matalino siya. Magaling siyang makipag-usap at talaga namang maraming taong kakilala. Marami man siyang kakilala, bibihira lang naman siya makipag-interact sa mga ito. Kumbaga, pili lang ang mga taong kinakausap at sinasamahan niya. Isa siguro sa mga dahilan kung bakit naging comfortable ako kaagad kay Myrtil ‘yon ay dahil magkaparehas kami ng ugali in some way. Isa pa, hindi siya ‘yong tipo ng tao na judgmental. Once na may malaman siya tungkol sa ‘kin, kinakausap niya muna ako kahit na hindi ko naman siya diretsahang binibigyan ng sagot. Aalamin niya muna ang perspectives ko sa isang bagay bago siya mag-conclude. Hindi siya one-sided. Nagulat ako nang bigla niya akong iharap sa kaniya. “Ano ba?!” sigaw ko. Mabuti na lang at nasa likuran na bahagi kami ng classroom. Wala pa rin naman ang teacher namin sa first subject. Nang maiharap niya ako sa kaniya ay tumingin siya sa dibdib ko kaya napatingin din ako roon. Wala naman akong nakitang kakaiba o kahit dumi man lang. Kumunot ang noo ko sa kaniya. Ano bang trip nito? “Ano bang ginagawa mo, Myrtil? Para ka namang baliw!” sita ko. Hindi siya umimik. Binitawan na niya ako at saka niya ako pinanlakihan ng mga mata. Napangiwi na lang ako sa inaakto niya. “Gaga ka, Decdec! ‘Yong I.D. mo, saan mo inilagay?” tanong niya. “Alam mo namang hindi ka puwedeng magpagala-gala sa loob ng campus kapag hindi mo suot ‘yon, ‘di ba?” Napadpad muli ang paningin ko sa dibdib ko kung saan dapat nakalagay ang I.D. ko. Wala nga roon ang I.D. ko. ‘Yon pala ‘yong tinitingnan niya kanina. Ang linaw talaga ng mga mata nito. Hindi mapapakali si Myrtil kapag may nakita siyang mga bagay na wala sa tamang kinalalagyan ng mga ito. Hindi na ako magtataka kung pati ang gusot ng blouse ko ay punain niya. “H-Hindi ko alam kung nasaan na,” nanlulumo na sagot ko. “Ngayon ko lang napansin na wala ang I.D. ko. Kung hindi mo pa itinanong sa akin, hindi ko pa malalaman.” Napahawak siya sa kaniyang noo habang pinagmamasdan ako. “Hahanapin natin ‘yong I.D. mo mamayang break time. Ewan ko ba naman kasi sa ‘yo kung saan-saan ka nagsususuot at nawawalan ka ng I.D.” Sumandal siya sa kaniyang upuan. “Alam mo ba kung saan mo huling nakita na suot mo ang I.D. mo? O naaalala mo ba kung saan ka naglakad kanina, o kung saan ka dumaan?” Napailing-iling ako habang nakatulala sa upuan na nasa harapan ko. “I-I can’t remember when was the last time I saw my I.D. Hindi ko naman kasi habit na i-check kung kumpleto na ba ang suot ko.” Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. “Mabuti na lang at pinapasok ka kanina ng guard.” Naisip ko nga rin ‘yon. Kaya siguro ako nakapasok dahil kilala naman na ako ng halos lahat ng tao rito sa school. Magmula sa mga guwardya, hanggang sa Principal ng school namin. Ganoon ako ka-friendly. Take note the sarcasm please. Ganoon nga ang ginawa namin ni Myrtil. Nang mag-break time ay hinanap namin sa kung saan-saang sulok ng campus ang I.D. ko. Nagtatanong-tanong din kami sa mga kapuwa namin estudyante kung may nakita ba silang I.D. Napadpad din kami sa High School campus sa pagbabakasali na baka nandoon ang I.D. ko. Saka lang namin napagtanto na wala sa High School campus ang I.D. ko dahil hindi naman ako dumaan doon. Pawis na pawis na kami habang naglalakad dahil ang taas ng sikat ng araw. Nakakapangsisi na hindi ako naging maingat sa pagsusuot ng I.D. Nilingon ako ni Myrtil. “Kasisimula pa lang ng klase, nawalan ka na kaagad ng I.D.” Nagpatuloy ako sa paglalakad at pagtingin-tingin sa daanan. Para kaming nangangalakal dito ngayon dahil kung anu-anong mga bagay na ang nakikita namin habang hinahanap ang I.D. ko. “Kung may ibang way lang sana para mahanap ‘yong I.D. mo,” bulong ni Myrtil habang abala rin sa pagyuko. Parang bigla namang may umilaw na light bulb sa ulo ko nang dahil sa sinabi niya. Walang sali-salitang hinila ko siya sa braso at saka ako naglakad. Hindi ako makapaniwala na ngayon ko lang naisip gawin ang bagay na ‘to. “Minsan pala ay nangangalawang ang utak mo, Myrtil,” pang-aasar ko sa kaniya. “Hindi natin naisip na may Lost and Found tayo rito sa campus. Doon tayo pupunta ngayon.” Natawa siya. “Oo nga, ‘no? Ngayon ko lang naalala dahil nag-aalala ako sa I.D. mo na nawawala. Sa susunod kasi ay maging maingat ka na sa mga gamit mo,” paninermon pa niya. Nagpatuloy siya sa pagsasalita ngunit hindi ko na lang pinakinggan. Bahala siyang maubusan ng laway riyan. Nang makalagpas kami sa Guidance Office ay lumiko kami sa kaliwa at nagpatuloy sa paglalakad. Tahimik lang kami parehas dahil parehas kaming may iniisip. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Myrtil. Ako naman ay iniisip ko kung saan ko ba talaga naiwala ang I.D. ko. Hindi ko kasi talaga maalala kung saan ko ba huling nakita na suot-suot ko ‘yon. Sana ay nandoon nga sa Lost and Found. Nang makarating na kami roon ay binitawan ko na si Myrtil. Tahimik lang siyang nagmamasid sa paligid. Nilingon ko siya. “Dito ka na lang sa labas. Ako na lang ang papasok sa loob. Hintayin mo ako,” saad ko. “Huwag kang aalis hangga’t wala ako, kundi susungalngalin kita.” Umupo siya sa isang monoblock chair na nasa harapan lang ng Lost and Found. Nag-angat siya ng tingin sa akin bago iwinasiwas ang kaniyang kamay. “Pumasok ka na, Decdec. Oo na, hindi ako aalis hangga’t hindi ka nakakalabas. Napakaarte nito.” Hindi ko na siya sinagot. Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa loob ng Lost and Found. Nakaramdam ako ng lamig nang dahil sa biglaang pagbaba ng temperatura. May aircon kasi rito sa loob. Lumapit ako sa counter ng Lost and Found. May isang babae roon na abala sa kung anong ginagawa niya sa computer. Mukhang nasa edad 35 na siya. Tahimik ang loob ng Lost and Found dahil bibihira lang naman magpunta ang mga tao rito. Tanging ingay lang ng daliri niya na nasa keyboard ang naririnig kong ingay. “Excuse me,” kuha ko sa atensyon niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Anong hinahanap mo?” Pagkatapos ay bumalik siya sa pagta-type niya sa keyboard. “Nawawala kasi ‘yong I.D. ko, baka lang may nakapagbalik dito,” sagot ko habang nasa mga estante ang paningin. May kung anu-ano kasing estante na nasa loob ng Lost and Found. May mga label namang nakalagay. May estante para sa mga nawawalang tumbler, wallet, bag, payong, I.D., at kung anu-ano pa. “Anong pangalan?” tanong niya nang hindi ako tinitingnan. “Decyrie Acibar,” sagot ko. Tumigil siya sa pagta-type at saka tumayo at lumapit doon sa estante ng mga nawawalang I.D. Habang busy siya sa paghahanap ay kinakabahan ako. Naiisip ko kung saan ko hahanapin ang I.D. ko kung wala rito. “Nandiyan ba?” naiinip na tanong ko. Nakatalikod pa rin siya sa ‘kin. “Hinahanap ko pa, sandali lang.” At nagpatuloy siya sa paghahanap. “Ang alam ko ay may nagbalik no’n dito kani—heto na!” Humarap siya sa akin at nakita ko sa kamay niya ang isang I.D. Bigla akong nakaramdam ng kaginhawaan nang makita ang I.D. na hawak niya. Mahalaga ang I.D. dahil hindi naman ako palaging pagbibigyan ng guard ng school namin. Lumapit siya sa akin at inilapag sa countertop ang I.D. ko. “Ibinalik ‘yan ng isang binatang lalaki kanina. Hindi nga raw niya alam kung papaano ka hahanapin kaya hinanap na lang niya ang school mo at ibinalik nga niya rito ng I.D. mo,” pagpapaliwanag niya. Dahan-dahan kong kinuha ang I.D. ko at saka ito isinuot. Bumaling ako sa babae na nasa harapan ko. “Sinabi ba niya kung anong pangalan niya? O kung saan niya nakita ang I.D. ko?” Napatingin siya sa kisame habang nag-iisip. Maya-maya ay umiling siya. “Hindi niya binanggit ang pangalan niya dahil hindi ko naman na itinanong pa. Ang naaalala ko, sinabi niya na napulot daw niya ang I.D. mo sa harapan ng Jollibee.” Tumango na lang ako at umalis na. Pagkalabas ko ay nakita kong nakasandal si Myrtil sa dingding habang nakapikit ang mga mata. Lumapit ako sa kaniya at saka hinampas siya sa noo. Daglian siyang napaahon sa pagkakaupo at umamba na kakaratehin ako. Tumawa ako. “Oh, sige, ano? Karatehin mo nga ako,” hamon ko. Nang mapagtanto niyang ako ang nasa harapan niya ay ibinaba niya ang kamay niya. Pinunasan niya ang gilid ng labi niya bago inayos ang uniporme niya. “N-Nakatulog pala ako. Ano? Nakuha mo ba ‘yong—oo nga, nakuha mo na.” Sabay tingin niya sa dibdib ko. Tumango ako. “Oo, may nagbalik daw sa Lost and Found. Tara na, baka mag-umpisa na ‘yong klase natin,” aya ko. Umirap siya. “As if naman nakikinig ka sa discussion natin? Natutulog ka lang naman palagi,” sarkastikong saad niya. Tumalikod na ako at naunang naglakad. “Natutulog lang naman ako kapag boring ‘yong teacher na nagtuturo, Myrtil. Nakakaantok kasi ang boses nila kaya nahuhulog ang mga mata ko.” Kung nahirapan akong makasabay sa agos ng pag-aaral ko noong grade 11, mas lalo naman ngayon na tumuntong na ako ng grade 12. Halos ganoon pa rin naman ang mga subject namin ngunit mas lalong humirap at naging complex ang mga pinapasagutan. Sa kabila ng pagiging abala sa pag-aaral, nagawa ko pa ring isingit ang pagharot ko. Naisipan kong mag-omegle para patayin ang boredom na nararamdaman ko. Hindi naman mahirap gamitin ang omegle dahil ilang click mo lang naman ay maaari ka na makipag-usap sa iba’t ibang uri ng tao. May sampung tao na akong nakausap ngunit saglit lang din naman dahil nagsawa kaagad ako. Iba-iba ang sexuality nila, paniniwala, at opinyon. Magandang gamitin ang omegle kung gusto mong makakilala ng mga tao na nanggaling sa iba’t ibang sulok ng mundo. I met Daniel on Omegle. He’s my boyfriend now. I was hooked by him because he seems matured and responsible. But, boy, I was wrong. Nang mag-isang linggo na kami, nag-umpisa na kaming mag-away nang dahil sa mga bagay na dapat ay maliit lang naman. Pinapalaki niya ang away namin kaya nagkakasagutan kami. May mga pagkakataon na hindi kami nag-uusap dahil walang gustong magbaba ng pride. Hindi naman ako ‘yong tipo ng tao na ipipilit ang isang bagay kung ayaw ng taong kausap ko. Nirerespeto ko ang desisyon ng kahit sino. Kapag sinabing hindi, hindi. Kapag ayaw, ayaw. Hindi ko rin naman gustong pinipilit ako sa isang bagay kaya gano’n din ako sa ibang tao. Masyado siyang seloso. Kaunting bagay lang na makita niyang involved ako at ang ibang lalaki, iisipin niya na kaagad na nakakausap ko ‘yon habang magkausap kami. Kahit ‘yong mga taong nagre-react at nagco-comment sa posts ko, iniisip niya na kinakausap ko through private message. Hindi ko naman ugali kumausap sa kung sinu-sino kaya nakakaubos ng pasensya ang pagiging seloso ni Daniel. Natatakot siyang maiwan pero siya naman ‘yong gumagawa ng paraan para mapagod ako. Palagi kaming nag-aaway at nakakasawang paulit-ulit na i-prove ‘yong sarili ko. Na wala akong iba. Na siya lang. Daniel Sergio •Active Now OCT 7, 2021 AT 4:35 PM : Sino na naman ‘yong nag-comment sa post mo, Decyrie? Lalaki mo ba ‘yon? Ano? Ipagpapalit mo na ba ako? : Alam ko namang marami kang kausap kaya sige, unahin mo sila. Alam ko naman na wala lang ako sa ‘yo : Magpakasaya kayo Hindi ko alam kung saan na naman kinukuha ni Daniel ang mga pinagsasasabi niya. Gusto ko siyang sigawan ngayon at ipakita sa kaniya ang messenger ko para malaman niya na siya lang naman talaga ang kausap ko. Paulit-ulit na lang. Daniel Sergio •Active Now 5:02 PM Decyrie Acibar: What the f*ck is your problem, Daniel? You always accuse me of something that wasn’t true. Is there something that I can do for you to stop being so paranoid? If I told you you’re the only one, believe it. I already told you my past relationships, so how could you say that I am cheating? How could I do the thing that broke me? : For once, mag-isip ka naman muna bago ka mag-conclude, Daniel. Nakakapagod na kasi ‘yong palagi ko na lang kailangang i-prove ‘yong sarili ko sa ‘yo. Nakaka-drain na palagi na lang tayong nag-aaway. Daniel Sergio: Are you saying that you want a break-up, Decyrie? Is that it? Are you telling me these words because you want to cut cords with me? : Diyan ka naman magaling. Kapag mahirap na ‘yong sitwasyon, gusto mo palaging tumakas. Imbis na pag-usapan at ayusin, mas gugustuhin mong tapusin. Decyrie Acibar: I didn’t say anything like that, Daniel! Ikaw lang ang nagsabi niyan. Kung gusto ko ng break-up, edi sana dati ko pa ‘yan ginawa. Hindi tayo aabot ng isang buwan kung gusto kong makipaghiwalay sa ‘yo. : Ang sa ‘kin lang naman, please, be considerate of my feelings. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan at nasasaktan sa tuwing nagdududa ka, ako rin. Maniwala ka naman sa ‘kin. Nakaka-frustrate talaga kapag hindi mo kaharap ‘yong kausap mo lalo na’t ganito ang usapan niyo. Hindi ko siya kaharap kaya hindi ko ma-emphasize kung ano ang dapat niyang tandaan at isipin. Nakakainis. Daniel Sergio •Active Now : Sorry, Babi. Hindi ko lang talaga mapigilan ‘yong sarili ko na magselos at magduda. Sorry. Please, forgive me. Don’t leave me, please. I’ll behave even more. Pipilitin kong hindi na magselos kaya sana… huwag kang makipaghiwalay sa ‘kin. Pinagbigyan ko ulit siya. Hindi naman kasi ako gano’n kababaw na tao para iwan kaagad siya. Hangga’t maaari, hahanap at hahanap ako ng dahilan para manatili sa kaniya. Gusto kong magtagal kaming dalawa. Ayaw kong masayang ‘yong pinagsamahan namin. Nadala na ako sa dalawang ex-boyfriend ko na kaagad kong iniwanan nang hindi man lang pinapakinggan ang mga side nila. Alam ko namang walang magbabago sa desisyon ko kahit marinig ko ang paliwanag nila ngunit mas maiintindihan ko sana kung nakinig ako sa paliwanag nila. Kaso hindi, hindi ako nag-abalang pakinggan ang mga sasabihin nila. Umabot kami ng dalawang buwan. Nabawasan ang pagiging seloso ni Daniel ngunit hindi pa rin talaga naiiwasan. May mga pagkakataon na bigla-bigla na lang siyang magagalit at pagsasabihan ako ng masasakit na salita. Tinanggap ko ‘yon. Umiwas ako sa pakikipag-interact sa mga sss friends ko dahil alam kong magagalit siya. Iniwasan ko ang pagpo-post ng status sa f*******: para makaiwas talaga sa mga taong magre-react at magco-comment sa posts ko. Ayaw kong magselos siya. Ayaw kong maghinala na naman siya. Isang maalinsangan na hapon, may nakita akong post. Hindi ko naman sana papansinin kung hindi ko lang nakita ang isang comment na nakapagpakunot ng noo ko. Love Quotes • 23 minutes ago • Public Even though we don’t always talk, you’ll always be my love. • 1.7k reacts • 899 comments • 4k shares ————— Angel Sarmiento • 5m I love youuu Daniel Sergio • Like • Reply Before I react, I clicked Daniel’s name first to confirm if it is my boyfriend and to my disappointment, it’s really my boyfriend. Siya ‘yong lalaking naka-mention sa comment ng babae. Habang nanlalamig ang kamay ko ay pinindot ko naman ang pangalan ng babae. Mas lalo lang akong nanlamig nang makita ang pangalan ng boyfriend ko sa bio niya. Mas nakaramdam ako ng sakit nang makita ko ang featured photo ni Angel. Picture niya ‘yon kasama si Daniel habang nakaupo sila sa isang restaurant. Ang saya nilang dalawa at halatang matagal na sila. Napaluha ako habang pinagmamasdan ang litrato nila. “A-Alam kaya ng girlfriend mo na may isa ka pang girlfriend, Daniel?” umiiyak na tanong ko. Nakatitig ako sa screen ng cellphone ko na para bang magsasalita ang mga tao na nasa litrato. “Ang t*nga ko talaga! Palagi na lang!” Ngayon ko lang napagtanto kung bakit ayaw na ayaw ni Daniel na nagpo-post ng bagay na may kinalaman sa ‘kin. Kaya pala gusto niyang maging lowkey lang kami dahil may iba siyang girlfriend. Nang tingnan ko ang date kung kailan inilagay ang picture na ‘yon as featured picture niya, mas lalo lang akong nadurog. 2020 pa pala nang naging sila. Ang ibig sabihin, ginawa akong kabit ni Daniel nang hindi ko alam. Doble ‘yong sakit para sa ‘kin dahil alam kong ako ‘yong pangalawa. Wala akong karapatan dahil si Angel ang nauna. Wala rin naman akong planong makipag-agawan ng atensyon sa kaniya. Daniel Sergio •Active Now NOV 20, 2021 AT 8:30 PM Decyrie Acibar: I never thought that I will be cheated on again. I am so already tired of this scenario, Daniel. You know what I’ve been through because I told you what I’ve been through. I told you the reasons why I am so uptight and why I have trust issues. : Nakakapanghinang isipin na ginawa mo akong kabit. Bakit mo ginawa ‘yon, Daniel? Sana una pa lang ay sinabi mo na kaagad na may girlfriend ka na pala. Hindi ko deserve ‘to. Hindi ko deserve maging kabit. Daniel Sergio: What are you saying, Decyrie? Wala akong ibang girlfriend, ikaw lang. Decyrie Acibar: Maglolokohan pa ba tayo, Daniel? I saw it with my own two eyes! She mentioned you on a sweet post and you reacted heart on it! Ngayon mo sabihin sa ‘kin na ako lang ang girlfriend mo! : Angel Sarmiento ang pangalan niya, Daniel. Does it ring a bell to you? 8:46 PM Daniel Sergio: Angel is my cousin, Decyrie. We were just used to tagging and mentioning each other on random stuffs. Walang ibang ibig sabihin ‘yong pag-mention niya sa ‘kin. Decyrie Acibar: You’ll still deny it kahit nakita ko na ang f*******: bio niya na may pangalan mo at featured photo niya na may picture niyong dalawa? What the heck is wrong with you, Daniel? : Nakakaawa ang girlfriend mo dahil wala man lang siyang kaalam-alam na nagchi-cheat ka na sa kaniya. Hindi mo man lang ba naisip kung anong mararamdaman niya kapag nalaman niyang nag-cheat ka? Daniel Sergio: *sent a photo* : Ako ba talaga ang nag-cheat o ikaw? Ikaw nga ‘tong may kasamang iba tapos ako ang pagbibintangan mong may kabit? I sarcastically laughed at myself when I saw the picture he sent. It was a screenshot of my myday. The picture on my myday was me together with my Kuya. Sinamahan ko siyang pumunta sa Mall niyan. Hindi nakasama si Ate dahil may group study sila ng mga kaibigan niya. Sa picture ay nakayakap ang isang kamay ko sa baywang niya habang ang isang kamay ko naman ang may hawak sa cellphone. Daniel Sergio •Active Now 9:00 PM Decyrie Acibar: Just deny it ‘til your heart’s content but I won’t believe you anymore. Tama na, Daniel. Pagod na pagod na ako sa relasyon nating dalawa. Ayaw ko na. Maghiwalay na tayong dalawa. After that, I blocked him. Noong una ay iniisip kong bigyan muna siya ng chance upang makapagpaliwanag. Na ginawa ko naman. Pero binigyan niya ako ng rason para mas magalit sa kaniya. Imbis na magpaliwanag siya nang maayos, humanap pa siya ng bagay na makakapagbaliktad ng sitwasyon. “Bakit mukhang malungkot ka?” tanong ni Ate nang bisitahin niya ako isang gabi sa kuwarto ko. “Iniisip mo na naman ba si Daniel?” Umiling ako. “Or was it Khenjie?” Mas lalo naman ako napailing. Umupo siya sa tabi ko at saka ako pinakatitigan. “Then what’s the reason of your frown?” Umayos ako ng pagkakaupo sa kama at saka tumingin kay Ate. Napansin ko lang na kahit palaging puyat si Ate, hindi pa rin nakakabawas ‘yon sa ganda niya. Magkahawig naman kami dahil halos parehas lang kami ng features ng mukha. Morena nga lang ang kulay ng balat ko. Mas matangkad siya sa ‘kin. Mas mahaba naman ang buhok ko sa kaniya. “Bakit kaya palagi akong talo sa pag-ibig na ‘yan, Ate? Alam ko namang walang mali sa ‘kin pero napapatanong ako kung bakit pare-parehas akong niloko ng mga ex-boyfriend ko.” Matagal na ‘yon tumatakbo sa isipan ko. Pakiramdam ko kasi ay nasa akin ang mali kaya nila ako niloko. Nasabi ko naman na kay Ate ang tungkol sa lahat ng naging ex-boyfriend ko kaya naiintindihan niya kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanila. Pinakuwento niya sa akin kaya ikinuwento ko na lang din sa kaniya. Hinawakan ni Ate ang kamay ko kaya napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa kamay ko. “There’s nothing wrong with you, Cy. If they chose to cheat on you, the problem was on them. If they were in their right minds, they won’t even think of hurting you. If they really care for your feelings, they won’t do anything that could hurt you. Don’t ever think that the problem is on you.” Hindi ako nakapagsalita. “Don’t dwell on that too much. Think of those heartbreaks as a lessons you need to learn. At least mas magiging aware ka na sa susunod kung ano ang dapat mong gawin at maramdaman.” Siguro nga tama si Ate. Dapat ko na lang isipin na lessons lang ang mga naging karanasan ko sa ex-boyfriends ko. Hindi naman puro negative ang naging dulot nila sa buhay ko. Kahit papaano ay napasaya rin naman nila ako. Bawat isa sa kanila ay may isang bagay na naituro sa akin. Reymel taught me how to change when it comes to my habit of studying. He was there for me when I was still torn on what to do regarding with my studies. He helped me overcome my rebellious thoughts. Khenjie taught me to be patient. There were times that Khenjie couldn’t reply to me. Instead of being mad, his absences gave me more patience. Despite of his late replies, I still waited for him. Daniel taught me how to be more matured. Despite of his immaturity, he still managed to show me how matured he was when we first talked. Even though he made me his mistress without my knowledge, I am still grateful that he came into my life. I realized that we will meet people not because they are meant to stay in our lives, but because they are meant to give us lessons that we should learn. It isn’t that bad though. The important thing was we improved and got matured out of nick of time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD