Chapter 9
Nasa garden ako ng school ngayon dahil break time namin. Nakaka-suffocate manatili sa loob ng classroom namin palagi dahil nakakaramdam ako ng inggit sa mga kaklase ko.
Kahit naman ganito ang ugali ko: sarcastic at b*tch-like, hindi ko maitatanggi sa sarili ko na gusto ko talagang magkaroon ng kaibigan. Hindi naman ako maarte pagdating sa kaibigan. Hindi rin ako naghahanap dahil kusa naman ‘yon na darating. Katulad din ng pagdating ng tamang tao sa buhay natin.
Sapat na sa ‘kin ‘yong kaibigan na kaya akong samahan sa lahat ng pagkakataon. ‘Yong kaibigan na hindi ako magagawang iwan kahit na makita nila ‘yong totoong ugali ko. ‘Yong kaibigan na mananatili kahit anong masasamang bagay ang marinig nila tungkol sa ‘kin. Hindi naman ako papayag na kunsintihin ako ng kaibigan ko. Ang gusto ko ay ‘yong kaya akong tanggapin, at kaya akong pagsabihan nang maayos.
Nag-chat ako kay Khenjie kanina ngunit hindi siya online kaya nag-offline na lang ako. Nagkaklase pa kasi siya kapag ganitong oras. Sanay naman na ako na ganito kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit hindi niya ako ni-reply-an.
Khenjie and I are already 2 months now. Nag-celebrate kami ng mga monthsary namin through video calls. Nagvi-video call lang kami tuwing monthsary namin dahil special day namin ‘yon. Parehas kaming nakakulong sa kuwarto namin at nagku-kuwentuhan.
Hindi naman talaga perpekto ang mga tao, pati ang relasyon. There would be times that we couldn’t reply to each other’s chats since we are both busy doing our own assignments and responsibilities. Khenjie—being the eldest and the breadwinner of their family—was always given a lot of responsibilities. Mahirap naman talaga ang maging panganay dahil nakikita ko ang pagod at hirap ni Kuya.
We sometimes argue and ignore each other, but after an hour, he would chat me again. Magso-sorry siya at magkakaayos naman kami. Hindi ko siya matiis. Siguro dahil nasanay na ako sa presence niya. O baka dahil naiparamdam niya sa ‘kin ulit kung papaano maging masaya.
Mabuti na lang nga at nakapagbatian pa kami ni Khenjie noong pasko dahil kung gaano ako ka-busy ay ganoon din siya. Marami silang kamag-anak na bisita at siya ang inaasahan ng Mama niya na tutulong sa kaniya para maghanda ng mga pagkain at magligpit ng mga pinagkainan nila.
Ganoon din ang nangyari noong New Year. Nag-video call kaming dalawa at nag-count down. Busy ang mga magulang ko noon sa pagtatrabaho kaya kami-kami lang ng mga kapatid ko at ng mga kasama namin sa bahay ang sumalubong sa bagong taon.
“Sinasabi ko na nga ba at may boyfriend ka na naman!” Biglang pumasok si Ate sa kuwarto ko at ‘yan ang ipinangbungad niya sa ‘kin. Ano na naman bang trip nito ni Ate at ako ang nakita niya? “Oh, sabihin mong hindi totoo! Ano? Magsisinungaling ka, huh?”
Kalalabas ko pa lang sa banyo at katatapos ko pa lang maligo kaya nagpupunas pa ako ng buhok nang makita niya ako. Umupo ako sa gilid ng kama ko habang siya naman ay naglakad palapit at umupo sa paanan ng kama ko. Naka-indian sit siya at halatang hinihintay talaga ako sa paglabas sa banyo.
“Ano ba ‘yang pinagsasasabi mo, Ate?” maang-maangan na tanong ko. Hindi ko naman itatanggi ang totoo. Ayaw kong magsinungaling sa mga kapatid ko. If they asked about me having a boyfriend, I’ll tell them the truth.
Nakita ko ang pagsulyap niya sa bandang likuran ko. “I saw it on your phone, Cy. I didn’t mean to invade your privacy, but I saw the screen of your phone lighted up. I thought it was an emergency message or a missed call. But I was wrong. I saw that a person who has a nickname “Baby” on your messenger sent you a message.” Napahinto ako sa pagpupunas ng buhok ko nang dahil sa narinig. “But I didn’t read his message! Swear, I really didn’t read it! I just concluded that he was your boyfriend since hindi ka naman mahilig maglagay ng nickname kung hindi mo boyfriend o hindi importante sa ‘yo ‘yong tao, ‘di ba?”
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Ate. Halata sa mukha niya ang pagpa-panic. “Yes, Ate. I already have a boyfriend.” Napasinghap siya. Bumuntonghininga ako. “Actually, two months na kami and still counting.”
Dali-dali siyang gumapang sa kama at lumapit sa akin. Akala mo ay isa siyang bata na makikinig ng story-telling. Nagniningning pa ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.
Nag-indian sit siya sa harapan ko. “Really? Where did you meet him? When? How?” sunod-sunod na tanong niya. Hindi naman ako kaagad nakasagot dahil ipina-process ko pa sa utak ko ang lahat ng mga tanong niya. Inalog niya ang balikat ko. “Cy, sumagot ka naman! I am really curious about how you met each other. How did he handle you and your sarcastic remarks?”
Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas ng buhok ko. “Well… sa f*******: lang kami nagkakilala,” maiksing sagot ko. Abala ako sa pagpupunas ng buhok ko kaya mamaya ko na lang siya sasagutin.
Hinablot niya mula sa ‘kin ang tuwalya ko. “Akin na nga. Ako na ang magpupunas sa buhok mo. Basta sagutin mo ang lahat ng tanong ko. Alam mong hindi kita titigilan hangga’t hindi mo sinasagot ang mga tanong ko.” Napairap ako. “Tumalikod ka na.”
“Nang-utos pa talaga,” bulong-bulong ko. Sinunod ko pa rin naman ang sinabi niya. Tumalikod na ako sa kaniya at humarap sa headboard ng kama ko. “Ano ba kasi ang gusto mong malaman, Ate? Para mo naman akong ini-interrogate nito.”
Nagsimula na si Ate sa pagpupunas ng buhok ko. “Tinanong ko na kanina, ah. Since nasagot mo na kung saan kayo nagkakilala, sagutin mo na lang kung paano at kailan.”
Inalala ko kung kailan kami nagkakilala ni Khenjie ngunit hindi ko na talaga maalala. “I can’t remember it, Ate. But we met around 5 months ago. I gave him my yes 2 months ago and we are 2 months now. ”
“Alright. What he looks like? Is he handsome? Is he smart? Or magkaparehas kayo ng ugali kaya nagkasundo kayo?” tanong niya ulit.
“He’s handsome, yes. Medyo smart din naman siya. Hindi kami magkaparehas ng ugali. He’s the fun type. Nahahawa nga ako sa kaniya kapag magkausap kaming dalawa. Hindi ko naman inilalabas sa kaniya ‘yong ugali kong maldita kapag hindi kailangan. Nagkakaroon din kami ng hindi pagkakaintindihan minsan,” pagkukuwento ko.
Ipinagpatuloy ni Ate ang pagpupunas sa buhok ko. “I believe that he’s really “the” guy just by your descriptions. I just hope that he won’t hurt you. Mukha naman siyang mabait. Wait, I’ll just get your comb,” saad niya.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Ate mula sa kama ko. Narinig ko rin ang pagtunog ng tsinelas niya habang naglalakad siya. Alam naman ni Ate kung saan nakalagay ang mga gamit ko sa kuwarto kaya alam ko na alam niya kung saan niya kukuhanin ang suklay ko.
Maya-maya ay bumalik na rin naman siya sa likuran ko at saka inumpisahang suklayin ang buhok ko. Inaantok ako sa tuwing ginagawa ‘to ni Ate sa ‘kin. Pero nakakapagtaka na hindi ako inaantok kapag ako mismo ang gumawa sa sarili ko.
“You should always remember that you deserve more, Cy. If you noticed that you are not getting the things you want to get, drop it. If you felt that he is giving you a treatment you think you don’t deserve, dump him. You won’t be an Acibar for nothing,” pagpapayo ni Ate.
Tahimik akong sumang-ayon kay Ate. I know that part. Hindi naman ako martyr o t*nga para mag-stay sa isang relasyon na puro sakit lang ang makukuha ko. I don’t believe in second chance. Because second chance is a doorway for another opportunity to let the person who hurt you before hurt you again. It will only be a cycle.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nag-uusap kami ni Ate. Hindi ko alam kung papaano niya ako naayos sa pagkakahiga pero alam ko naman na kaya niya akong buhatin. Sobrang inantok kasi talaga ako sa pagsusuklay na ginawa niya sa ‘kin.
I don’t know if it was just me but I noticed that Khenjie’s replies are getting slower and slower. I am not overthinking. I just noticed the sudden changed of his replies. Maybe he has important things to do that was why he always reply late.
Khenjie Estoques
(Active 3hrs ago)
FEB 21, 2021 AT 11:50 PM
Decyrie Acibar: Happy 3rd monthsary, Baby.
: I know that you are just busy that’s why I clearly understood why you didn’t greet me today.
FEB 22, 2021 AT 7:13 AM
Decyrie Acibar: Good morning. Gising ka na ba?
10:07 AM
Decyrie Acibar: Are you still busy?
: Nag-aalala na ako sa ‘yo, Khenjie.
: Was something bad happened?
1:16 PM
Decyrie Acibar: Reply to me, Khen.
It was so frustrating knowing that he was online an hours ago, but didn’t bother himself to reply on any of my messages. I know it sometimes happen that the f*******: indicates that you were online but truth was you weren’t. I just can’t think right knowing that he didn’t reply to me.
To be honest, masama ang loob ko dahil hindi niya man lang ako binati kahapon. Maliit na bagay lang naman ‘yon pero hindi naman siguro makakaubos ng isang minuto ang pagbati niya sa akin, ‘di ba?
Iniisip ko na lang na masyado siyang busy sa pag-aaral niya kaya gano’n. Iniisip ko rin ang mga responsibilidad na dapat niyang gampanan kaya kahit nagtatampo ako ay ikinakalma ko ang sarili ko. Ayaw kong pag-awayin namin ang bagay na ito. Ayaw kong makadagdag sa stressors niya.
Stressed na nga siya sa bahay nila at sa eskuwelahan, dadagdagan ko pa ba ‘yon? Ako na nga lang ang nagsisilbi niyang pahinga, aawayin ko pa siya. Pipiliin ko na lang siyang intindihin. Hihintayin ko na lang din muna ang reply niya.
Baby
(Active 1hr ago)
6:20 PM
: Sorry kung hindi kita nabati kagabi. Busy kasi kami sa practicum namin at may OJT pa kami
: Happy monthsary, Baby
: Medyo busy lang ako sa pag-aaral ngayon pero babawi naman ako kapag nakaluwag-luwag na ang schedules ko
Alas-otso na nang mabasa ko ang replies niya. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil wala naman palang nangyaring masama sa kaniya. Busy lang pala talaga siya.
Nasa huling taon na si Khenjie bilang isang Senior High student kaya natural lang na maging busy na siya, lalo pa’t malapit na ang graduation nila. Marami na silang ginagawa. Marami ang requirements na ipapasa. Marami rin ang deadlines na kailangan nilang habulin.
Inintindi ko ang parte na ‘yon kahit nagtatampo ako. Mas pinairal ko ‘yong pagiging understanding ko dahil kung gusto kong mag-work ang relasyon na ‘to ay dapat kong maintindihan na hindi sa lahat ng oras ay palagi kaming magkausap.
Mahirap talaga kapag LDR dahil hindi mo nakakausap nang personal. Hindi mo siya mayayakap kapag nakakaramdam siya ng lungkot at pagod. Wala ka rin sa tabi niya para man lang sana sabihin sa kaniya na enough ang mga ginagawa niya. Na worthy siya.
Lahat naman tayo ay gusto ng relasyon na masasabi nating matatag. ‘Yong relasyon na kahit wala kayong conversation kada oras ay nandoon pa rin ‘yong closeness niyo kapag nagkausap kayo ulit. ‘Yong relasyon na kahit maraming pagsubok ang kaharapin niyo, nandiyan pa rin kayo para sa isa’t isa. At ‘yong relasyon na kuntento na kayo sa isa’t isa.
Baby
(Active 1 day ago)
MAR 6, 2020 AT 2:05 AM
: Sorry talaga, Baby. I was just really busy on maintaining my grades. Alam kong hindi na tayo nakakapag-usap nang maayos pero sana maintindihan mo ako
: Babawi talaga ako sa ‘yo
Matagal akong napatitig sa mga chat ni Khenjie na ipinadala niya kaninang madaling araw. Umaga na nang nabasa ko ‘to dahil tulog naman na ako nang mga oras na ipinadala niya ang mga chat niya.
Hindi ko maigalaw ang mga daliri ko para mag-reply sa kaniya. Nagkapatong-patong na ang pagtatampo na nararamdaman ko nang dahil sa kaniya. May kaunting panunumbat at galit ngunit ang pinakanangingibabaw ay ang sakit. Kasi… dalawang araw na mula nang maipadala ko ang huling chat ko sa kaniya, pero ngayon lang siya nag-reply.
Gano’n ba talaga ka-hectic ang schedule niya para hindi man lang ma-check ang kaniyang cellphone? Gano’n ba siya ka-busy para hindi niya na ako magawang i-update kahit isang beses man lang sa isang araw?
Inintindi ko naman siya. I restrained myself from nagging and complaining to him because I know where he was coming from. I always give him more chances and opportunities to make it up to me but he just keep on making me feel worst.
Hindi ako nag-reply kay Khenjie. Hindi ko magagawa ‘yon ngayon lalo pa’t puro hindi magandang bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Baka mag-away lang kami at dumaan ang isang linggo na hindi kami mag-usap.
Habang nagkakaklase ay abala ang utak ko sa ibang bagay. Salita nang salita ang teacher namin na nasa harapan ngunit wala roon ang utak ko. Kung saan-saan na nakakarating ang imahinasyon ko nang dahil sa kung anu-anong mga scenario na binubuo ko sa isipan ko.
Uwian na ngayon at naglalakad na ako papunta sa gate ng school. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko si Reymel na nakatayo sa tabi ng guard house. Panandalian akong napako sa kinatatayuan ko ngunit nagpatuloy ulit ako sa paglalakad nang mapagtanto ko na hindi ko na dapat siya pinapansin.
Matagal ko na dapat siyang tinanggal sa sistema at isipan ko. Hindi ko kailanman makakalimutan kung papaano niya ako gin*go. Habang sayang-saya sila ay winawasak nila ako nang palihim. Kung hindi pa siguro ako umihi nang araw na ‘yon, hindi ko malalaman na ganoon pala ang totoong ugali ni Reymel. Nakakadiri siya.
“Decyrie,” tawag ng isang pamilyar na boses. Pamilyar na pamilyar sa ‘kin ang boses niya dahil siya ang unang lalaki—bukod sa Kuya ko—na masasabi kong pinakapinagkatiwalaan ko. Siya ang una ko sa halos lahat ng bagay.
Huminto ako sa paglalakad ngunit hindi ako lumingon kay Reymel. Medyo nakalagpas na ako sa guard house kaya nakatalikod na ako sa kaniya. Narinig ko ang paglalakad niya papalapit sa ‘kin.
Naramdaman ko siya sa likuran ko. “Long time no see,” bati niya. Kung makapagsalita siya ay parang wala siyang naging kasalanan sa ‘kin dati.
Malaki ang galit ko kay Reymel dahil sobra niya akong nasaktan. Siya ‘yong inaasahan ko na magmamahal at makakaintindi sa ‘kin. Alam niya na hindi ako madaling magkagusto sa iba dahil hindi mabilis mahulog ang loob ko. Kahit na gano’n ay nagustuhan ko siya dahil ang akala ko ay totoo ang lahat ng ipinakita niya noon. Nagtiwala ako sa kaniya. Alam niyang ibinigay ko sa kaniya ang tiwala ko pero nagawa pa rin niya akong lokohin at saktan.
“Kumusta ka na? Wala na akong masyadong balita sa ‘yo,” untag niya. “Bukod sa mga update mo sa social media, wala na akong alam.”
Diretso akong tumingin sa mga sasakyan na nasa harapan ng school na kaliwa’t kanan ang direksyon. Humigpit ang hawak ko sa tela ng palda ko para maiwasan ang pagkuyom ng mga kamao ko.
May gana pa talaga siyang magtanong pagkatapos niya akong tar*ntaduhin noon? Sa tingin ba niya ay magiging maayos ako pagkatapos ng mga ginawa niya? Hindi. Dahil malaki ang naging impact sa ‘kin ng mga ginawa niya noon. Sobrang laki. Pero hindi ko na sa kaniya ipapaalam ‘yon. Baka lumaki pa ang ulo niya.
Malawak akong ngumiti at saka lumingon sa kaniya. “I’m fine, Reymel. Thank you for asking.” Nakita ko ang bahagyang pag-awang ng kaniyang bibig nang humarap ako sa kaniya. “Nice meeting you again, Reymel. Mauuna na ako dahil marami pa akong gagawin.” Nakangiti pa rin ako habang nagsasalita.
Tatalikod na sana ako ngunit nagsalita na naman siya. “S-Sure ka bang ayos ka lang? You can ask me questions, Decyrie. Alam kong marami kang unspoken questions nang dahil sa nangyari sa ‘tin noon. Sasagutin ko naman kung magtatanong ka.”
Umiling ako at saka matamis siyang nginitian. “You are wrong then. I don’t have any questions about whatever happened to us in the past, Reymel. It was all in the past now. Kapag ba nagtanong ako, mayroon bang magbabago sa mga nangyari dati?” Hindi siya nakaimik. Umiling ako. “Nothing’s gonna change, Reymel. Wala na rin naman akong pakialam. Whatever reason you had, I don’t care. The moment you chose to hid things from me, that’s the game over for us. At kung hindi pa rin matahimik ‘yang konsensya mo hanggang ngayon nang dahil sa ginawa mo noon, I think deserve mo naman ‘yan.”
Naiwan siyang tulala roon. Umalis na ako pagkatapos kong magsalita. Alam ko ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang magkaroon kami ng closure para maging malinis na ang konsensya niya. But sorry to burst his bubbles, I won’t give him the peace of mind that he wants to have. He doesn’t deserve it.
Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso ako kaagad sa kuwarto ko. Isinarado ko ang pinto at inilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng study table ko. Naghubad ako ng sapatos at itinabi sa gilid ng pinto ng kuwarto ko.
Nagbihis din ako kaagad ng pambahay at saka ibinagsak ang sarili ko sa kama. Nakalapat pa ang dalawang paa ako sa sahig ng kaliwang gilid ng kama ko. Napagod ako kahit wala pa naman akong sinasagutang assignment.
Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama ko at kinuha ang cellphone ko na nasa loob ng bag ko. Bumalik ulit ako sa aking kama. Umupo ako at saka sumandal sa headboard. Binuksan ko kaagad ang f*******: app ko dahil wala naman akong nakitang importanteng chat na galing sa messenger.
Hindi na ulit nag-chat sa akin si Khenjie. Hindi pa rin naman ako nakakapag-reply sa kaniya kaya ayos lang. Hindi pa rin siya nakakapag-online magmula kaninang madaling araw.
Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa panonood ng random videos sa f*******:. Napapatawa ako nang malakas kapag natatawa talaga ako sa pinapanood ko. Nang dahil sa panonood ng mga video ay nakalimutan ko nang panandalian ‘yong problema namin ni Khenjie.
Kalahating oras akong nanood ng mga random videos bago ko napagpasyahan na mag-scroll na lang muna sa f*******: ko. Nakaka-boring talaga kapag ganito lang ang ginagawa. Wala rin naman akong assignment na gagawin kaya tama na rin talaga siguro na mag-scroll muna ako sa f*******:.
Tutok na tutok ang mga mata ko habang nagbabasa ng mga status ng mga f*******: friends ko. Hindi ako mahilig mag-react o mag-comment sa mga post na hindi naman worth it pag-aksayahan ng ilang segundo ng buhay ko. May mga pagkakataon lang talaga na napapa-comment ako. ‘Yon ‘yong mga post na debatable at puwedeng maglapag ng iba’t ibang perspective patungkol sa topic.
Hindi ako pala-post kaya kapag nag-post ako ay dinudumog talaga ng mga tao. Hindi dahil sa nagustuhan nila ‘yong post, kundi dahil naghihintay sila ng panibagong tsismis na ikakalat.
Habang abala ako at seryoso sa pagi-scroll, biglang may nahagip ang mga mata ko. Actually, nalampasan ko na nga ngunit in-scroll ko lang ulit paitaas para matingnan muli ang nakita ko. It was a random account that was suggested by f*******:.
“Khen Khen”, ‘yan ang f*******: name ng taong nakita ko. Ang dahilan kung bakit naagaw nito ang atensyon ko ay ang pangalan. Ganiyan kasi minsan ang tawag ko kay Khenjie. Isa pa, ang pamilyar din ng profile picture niya. It was a photo of a boy wearing a beach polo shirt na nakabukas ang mga butones kaya kita ang katawan niya.
No doubt, this is Khenjie. Kilala ko ang mukha at ang katawan ni Khenjie. Kahit nakasuot ng sunglass si Khenjie ay makikilala ko pa rin naman siya. He also sent me a picture of him wearing that same beach polo shirt before, noong 1 month pa lang kami.
Pinindot ko ang f*******: account at nagulantang talaga ako sa nakita ko. Nakasulat sa f*******: bio niya ang isang date. Hindi ito ang date kung kailan naging kami. Katulad na katulad sa kung papaano niya inilagay sa f*******: bio niya ang date kung kailan naging kami.
Ang masakit dito ay isang buwan na sila noong babae base sa date na nakalagay. Wala man lang akong kaalam-alam na may kasabay pala ako. Papaano ko nga naman malalaman na may kasabay ako kung nasa ibang f*******: account niya ang babae niya? Ano ba ang akala niya sa ‘kin? Na hindi ko ‘to makikita?
I stalked his account and found out that he was more active in this account. He has a post every 2 hours. It’s either he mentioned the girl on a sweet post or a meme that he saw on f*******:. Everything is clear now. Is this the reason why he doesn’t have enough time for me anymore?
Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko. I never expected that this would happen. It was already predicted but not expected. I mean, masaya naman kasi kami. Hindi naman ako nagkulang sa kaniya. Kapag nag-uusap kami, attentive naman ako. Kapag nagre-request siya ng voice message, pinagbibigyan ko siya. Kapag gusto niya akong makita, nagsi-send ako ng selfie sa kaniya. Kulang pa rin ba ‘yon?
Kahit masakit sa pakiramdam ay ipinagpatuloy ko pa rin ang pagi-stalk sa dummy account niya—kung anuman ang tawag niya sa f*******: account na ‘to. Nakita ko na mas active nga talaga siya rito. Nakita ko rin ang highlight niya na palagi silang nagbi-video call. Ito ‘yong mga panahon na naghihintay ako ng replies niya pero wala man lang dumating kahit isa. Nakita ko rin sa highlight niya na naglaro sila ng Call of Duty noong 3rd monthsary namin.
“T*ngina,” bulong ko sabay hawak sa dibdib ko. Nararamdaman ko ang pagkawasak ng puso ko na ilang buwan ko ring binuo. Ibinaba ko ang cellphone ko sa unan at saka ko inilagay ang mga braso ko sa ibabaw ng tuhod ko. Isinandal ko ang noo ko sa mga braso ko at tahimik na ninamnam ang sakit. “How could you…”
Hindi ko mahanap ang paliwanag kung bakit kailangan niya kaming pagsabayin. Ano ‘yon? Kapag wala ‘yong isa, ‘yong isa muna? G*go ba siya?
May pumatak na luha mula sa mga mata ko ngunit kaagad ko rin naman ‘yon pinunasan. Bakit ko siya iiyakan? Hindi naman ako ang nawalan, kundi siya. Kung gusto niya roon sa babae na ‘yon, doon na siya. Hindi ako martyr para hayaan ang ganito. Kung mas maaga ko lang sana nalaman ang tungkol dito, mas maaga rin sana natapos ang relasyon naming dalawa.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-type ng message para sa kaniya. Wala akong pakialam kahit offline siya. Kung gusto niya ay habang buhay na siya roon sa f*******: account niya na ‘yon. Wala na akong ibang maramdaman ngayon kundi pagkamuhi. I was nice to him. Hindi ako basta-basta nakikipag-usap sa private message but I gave him an opportunity. Unfortunately, he wasted it.
Khenjie Estoques
(Active 1 day ago)
8:23 PM
You cleared the nickname for Khenjie Estoques. Edit
You cleared your nickname. Edit
You changed the chat theme to Default. Edit
Decyrie Acibar: I already know the reason why you are so busy these past few weeks. You really used your studies just for you to hide your immoral acts from me, huh? How pathetic of you, Khenjie.
: Sana man lang ay naisip mo muna kung ano ang mararamdaman ko once na nalaman ko. Gaano ba kahirap para sa ‘yo na mag-chat sa ‘kin at sabihin ang totoo? T*ngina naman. Mas matatanggap ko pa kung nagsabi ka sa ‘kin, hindi ‘yong sa ibang f*******: account ka pa talaga naghanap ng iba. Napakagaling mo.
: I am now breaking up with you. Don’t talk to me again. I despise you.
After that, I did unfriend him on f*******:. In-ignore message ko rin siya para hindi ko na makita ang pangalan niya sa inbox ko. Baka hindi ako makatiis at i-rant ko siya para malaman ng pamilya niya ang pinaggagagawa niya. But I won’t stoop that low. Kung ipinagpalit niya na ako sa iba, edi okay. Magsama sila.
Hindi ako maghahabol. Hindi ako magtatanong. Hindi ako magmamakaawa. Hindi ako gano’n.