CHAPTER 8

3560 Words
Chapter 8 Malalaman mo talagang nagkakaroon ka na ng feelings sa isang tao kapag siya palagi ang tumatakbo sa isipan mo at nakangiti ka pa talaga habang iniisip siya. Whether this is a good thing or bad thing, ipagpapatuloy ko na ‘to. Matagal na rin naman simula nang maging single ako. May mga bagay na nakakatakot talagang subukan pero mas nakaka-thrill naman. Malayo kami sa isa’t isa ni Khenjie kaya alam kong walang kasiguraduhan ang lahat. Ang tanging mahalaga naman ngayon ay masaya kami at parehas kami ng nararamdaman. Lumipas ang dalawang buwan ng pag-uusap namin. Masaya ako palagi sa tuwing kausap siya dahil palagi niya akong pinapatawa gamit ang mga corny niyang pick-up lines at biro. May mga pagkakataon na nagkakaroon kami ng tampuhan pero hindi naman ‘yon nagtatagal dahil inaayos din naman kaagad ni Khenjie. “Decyrie!” sigaw ni Ate na nasa harapan ko na pala. Nakatayo siya sa paanan ng kama ko habang ako naman ay nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama ko. Napaayos ako ng upo at ibinaba ang phone ko. “A-Ano ba ‘yon, Ate? Kailangan mo ba talagang sumigaw?” pagrereklamo ko. She crossed her arms and narrowed her eyes at me, as if thoroughly checking every bits of me. “Kanina pa ako nakatayo rito sa harapan mo at tinatawag ka pero parang wala kang naririnig. May pangiti-ngiti ka pa talagang nalalaman.” Naglakad siya papunta sa gilid ng kama ko at saka ako pinakatitigan gamit ang mga mata niyang puno ng pagkaka-kuryoso. “May boyfriend ka na naman ba, Cy?” Pinanlakihan ko siya ng mata. “Bakit mo naman naisip ‘yan? W-Wala pa,” natatarantang sagot ko. Tumaas ang kilay niya. “Wala pa? That means magkakaroon pa lang?” Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at hindi siya sinagot. “Napapansin ko na palagi ka na lang nakatutok diyan sa cellphone mo. Baka naman makaapekto ‘yan pag-aaral mo?” Napahinga ako nang malalim. “Actually, nahihirapan na talaga ako sa pag-aaral ko, Ate. Pero ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para hindi ako bumagsak. Pinag-iigihan ko ang pagsagot sa mga exam, pero mukhang kulang yata ‘yon.” Nagbaba ako ng tingin sa cellphone ko na nakapatay. “Alam mo naman na hindi ito ang gusto kong strand, ‘di ba? Ayaw ko sa STEM kaya mahirap para sa ‘kin na aralin ang mga bagay na may kinalaman dito.” Naramdaman ko ang pag-uga ng kama ko nang dahil sa pag-upo ni Ate. Saglit na namayani ang katahimikan sa amin. Maya-maya ay nagsalita siya. “You know what? Ganiyan din ako noon. Nahirapan akong makahabol sa mga discussion namin dahil ayaw kong mag-STEM. Gusto kong mag-HUMSS dahil pangarap kong maging abogada.” Natawa siya. “Nakakatawa nga lang isipin na nakapagtapos ako bilang Magna c*m Laude kahit na ayaw ko dati sa kurso na kinuha ko. For sure, makakapag-adjust ka rin naman.” “Hindi naman tayo magkaparehas ng capacity ng utak, Ate. Ipinanganak kang matalino, samantalang ako ay hindi. Oo, nakapag-adjust ka, pero hindi ibig sabihin no’n ay ganoon na rin ang mangyayari sa ‘kin.” Umiling ako. “Ni hindi nga ako sigurado kung makakapagtapos ako ng grade 12.” Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Ate. Hinaplos niya ang buhok ko. “I can’t say that I was born intelligent. But I strongly believe that if you want to survive, you’ll do all the things for you to survive. Nadadaan naman sa sipag at tiyaga ang lahat ng bagay,” malumanay na saad niya. “Masuwerte nga tayo dahil may pera ang mga magulang natin para matustusan ang pag-aaral natin. May ibang mga estudyante riyan na gustong-gusto makapag-aral ngunit walang pera.” Hindi ako nakasagot dahil may punto naman si Ate. I should be grateful that our parents can give the things we need. Pero ang hirap din kasi kung napipilitan ka lang na gawin ang isang bagay. Wala roon ‘yong puso mo habang ginagawa ‘yong mga bagay na gagawin mo kung napipilitan ka lang. Wala rin naman akong ibang choice kundi ang mag-adjust para maka-survive. ‘Yon lang naman ‘yong choice ko para makapag-aral. Gabi na ngayon at nakaharap ako sa aking study table para magsagot ng mga assignments. Kung essay lang sana ang gagawin ko, hindi naman ako gaanong mahihirapan. Pero kung math equations na ang ihaharap sa ‘kin, feeling ko ay sasabog ang utak ko. Ang dami pa namang kailangang aralin at kabisaduhin na formula. Lalo na sa Pre-Calculus na subject. Kahit ang subject na General Physics ay nagbibigay ng sakit ng ulo sa ‘kin. Parang gusto ko na nga lang sunugin ‘yong mga libro ko. Naglakad ako papunta sa kuwarto ni Kuya na nasa harapan lang naman ng kuwarto ko para magpatulong. Alam ko naman kasing papapuntahin din ako ni Ate sa kuwarto ni Kuya dahil ayaw rin ni Ate sa mga equations. “Kuya,” tawag ko. Kumatok ako nang tatlong beses. “Kuya, gising ka pa ba?” “Oo. Bukas ‘yan,” sagot naman niya. May ginagawa siguro siya kaya hindi niya na ako ipinagbukas ng pinto. Binuksan ko na ang pinto ng kuwarto ni Kuya at pumasok ako. Dala-dala ang notebook at ang ballpen sa kamay ko ay naglakad ako palapit kay Kuya na abala sa kung anong binabasa at sinusulat niya. Nakaupo siya sa kahoy na upuan na nakaharap sa study table niya. “What do you need?” tanong niya sa ‘kin nang hindi ako tinitingnan. Abala pa rin siya sa pagbabasa. I cleared my throat. I was standing near from him. Nasa gilid lang ako ng study table niya. “Magpapatulong sana ako sa pagsasagot ng Pre-Cal ko, Kuya.” Medyo nahihiya ako kapag nagpapatulong ako sa mga kapatid ko dahil pakiramdam ko ay ang hina-hina ko sa tuwing ginagawa ko ‘yon. Pero hindi naman masama humingi ng tulong lalo na kung kailangan talaga, hindi ba? Hindi naman ako palaging nanghihingi ng tulong pero nakakahiya pa rin. Napahinto si Kuya sa pagbabasa at saka ako nilingon. Nakita niya ang notebook na hawak ko. “Akin na. May mga formula ka naman, ‘di ba? Nakalimutan ko na kasi ‘yong inaral namin dati.” Tumango ako. “Yes, I have. It was all written in my notebook.” Sabay lapag ko ng notebook ko sa lamesa niya. Iniingatan ko talagang huwag masanggi ang kung anuman sa mga gamit niya dahil baka biglang magbago ang takbo ng utak nito. “Nalilito kasi ako sa pagsasagot niyan, Kuya. Ang hirap kasing intindihin ng mga formula, lalo na kung paano makuha.” Kinuha ni Kuya ang notebook at saka binuklat ang pahina. Nakita naman niya kaagad ang tamang pahina dahil nakalagay roon ang ballpen ko. “Madali lang namang intindihin ang mga formula kung naituro sa inyo kung papaano ang gagawin.” Gusto ko sanang mangatuwiran ngunit mas pinili ko na lang na isara nang mahigpit ang bibig ko. Alam ko namang tama siya pero ang problema ay nahihirapan akong makasabay dahil ayaw ko nga sa strand na STEM. Kung sana lang ay kasing talino ako ng mga kapatid ko, hindi ako mahihirapan nang ganito. Kung sana lang ay hinayaan ako ng mga magulang kong kuhanin ang strand na gusto ko, mas madadalian ako. But it’s better that I can study than to stop from studying, right? Pinagmamasdan ko lang si Kuya habang abala siya sa pagbabasa ng notebook ko. Napapatingin din tuloy ako sa notebook ko dahil nakikipagtitigan siya roon. Bibiruin ko sana siya ngunit naunahan niya ako sa pagsasalita. “Okay. I already got the formula. Habang sinasagutan ko ang assignment mo ay ituturo ko sa ‘yo kung papaano ang tamang pagkuha ng sagot,” saad ni Kuya. Kinuha ni Kuya ang scientific calculator niya na nasa drawer ng kaniyang study table. Mas lalo akong lumapit sa kaniya para makita nang malinaw ang ginagawa niya. “Okay.” Nagsimula na nga si Kuya sa pagsasagot ng assignment ko sa Pre-Calculus. Habang ginagawa niya ‘yon ay nagsasalita rin siya para mas maintindihan ko ang mga susunod kong gagawin. “Pagkatapos mong makuha ang sagot dito, imu-multiply mo naman dito.” Sabay turo sa isang parte ng solution na ginawa niya. Tumango naman ako habang taimtim na nakikinig sa kaniya. “After you get all the answers on this part, you can now divide the product to this number. After you get the quotient, find the square-root of it.” Sa halos sampung minuto na pagsasagot at pagtuturo sa akin ay parang gusto na lang sumabog ng ulo ko. Kung gaano kahirap tingnan ang mga formula, ganoon din pala kahirap mag-solve. Ayos lang naman sana kung automatic na ‘yong mga given, kaso ay hindi. Isinara ni Kuya ang notebook ko. “Nakuha mo ba ‘yong mga sinabi ko?” tanong ni Kuya habang ibinabalik ang kaniyang scientific calculator sa drawer. Tumango ako. “Oo, Kuya. Medyo nalilito lang ako sa ibang parte pero makukuha ko naman ‘yon kapag inaral ko ulit ‘yong sagot mo mamaya.” Ibinalik niya sa akin ang notebook kasama ang ballpen. “Good that you got it. Magtanong ka lang sa ‘kin o sa Ate mo kung may hindi ka naintindihan. Limot na namin ang mga napag-aralan namin pero makukuha naman namin kapag may formula.” “Thank you, Kuya. Balik na ako sa kuwarto ko. Matulog ka na maya-maya,” sagot ko. Napaikot ang kaniyang mga mata. “If you only knew how much I want to sleep now, but I just can’t. Hangga’t hindi ko pa natatapos itong kailangan kong tapusin, hindi pa ako puwedeng magpahinga.” Halata ngang inaantok na siya dahil namumungay na ang kaniyang mga mata. “Ikaw ang matulog na dahil masama sa kalusugan ang pagpupuyat.” Inirapan ko siya at saka ako sarkastikong natawa. “Coming from a soon-to-be Doctor, huh? Masama nga ang magpuyat kaya iwas-iwasan mo ‘yan. Baka hindi ka pa nakakapagtapos ng pag-aaral ay mamaalam ka na sa mundo nang dahil sa palagiang pagpupuyat na ginagawa mo. Hay nako, Kuya. Walang kuwenta ang pagiging matalino mo kung magkakasakit ka naman,” paninermon ko sa kaniya. Nagbuntonghininga siya. “I know that, Cy. But I just can’t stay still and sleep soundly knowing I would failed just because I didn’t finish my paperwork. Don’t worry about me, I’m fine.” I scoffed at him. “Don’t assume, Kuya. I’m not worried about you. I was just telling you some obvious things because it seems like you already forgotten about them.” “Whatever, Cy. Whatever you say,” bored na sabi niya. Bumalik na siya sa pagsusulat at pagbabasa na siyang ginagawa niya kanina bago pa man ako dumating. Hindi na ako sumagot. Tahimik akong lumabas sa kuwarto niya at iniwan siya roon mag-isa. Hindi naman talaga ako nag-aalala sa kaniya. Medyo lang. Pero ayaw ko ‘yong aminin dahil masyadong corny. Kapatid ko siya kaya natural lang sa akin na mag-alala. Isa pa, hindi ko yata makakayanan kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya. Kahit kay Ate. O kahit sa mga magulang ko. Despite of my too much anger towards my parents, I can’t deny the fact that they are still important to me. Kahit na palagi nilang ipinaparamdam sa akin na parang hindi nila ako tunay na anak, ‘yong pagmamahal ko para sa kanila ay nandito pa rin. Bumalik na ako sa kuwarto ko at pinag-aralan ang ginawang solution ni Kuya. Natutuwa naman ako dahil kahit papaano ay nakuha ko na ang way ng pagkuha ng sagot. Saglit na oras lang ang inilaan ko sa pagre-review ng solution na ginawa ni Kuya dahil bigla akong inantok. Iniligpit ko na ang aking mga gamit at ibinalik sa bag ko. Pagkatapos no’n ay kaagad na akong humiga sa kama. Tapos na rin naman akong maligo kaya presko na ang pakiramdam ko. Kinabukasan ay bumungad sa akin ang mga chat ni Khenjie. Kapapasok ko pa lang sa school at kabubukas ko pa lang ng f*******: ay ang mensahe na kaagad ni Khenjie ang bumungad sa akin. Khenjie Estoques •Active Now NOV 20, 2020 AT 9:26 PM : Busy ka ba? Tyt 10:03 PM : Nakatulog ka na ba? O baka may iba kang kausap? : Ayos lang, unahin mo na lang muna ‘yan NOV 21, 2020 AT 7:07 AM : Good morning, Decyrie : Nasa school ka na ba? Ingat ka Nakangiti tuloy ako habang nakaupo sa upuan ko. Hindi naman ako nahihiyang ngumiti dahil bukod sa nasa likurang bahagi ako ng classroom namin, wala rin namang pumapansin sa akin. I was smiling because I just feel like there are butterflies in my stomach. It gives me different kind of vibe. Wala lang, feel ko lang na mahalaga ako kasi nagawa pa rin niya akong i-chat kahit hindi na ako nakapag-reply kagabi. Khenjie Estoques •Active Now NOV 21, 2020 AT 8:15 AM Decyrie Acibar: Nakatulog na kasi ako kagabi kaya hindi na ako nakapag-reply sa mga messages mo. : By the way, good morning din. Oo, nasa school na ako. : Ingat ka rin. Parehas lang kaming pang-umaga ni Khenjie kaya hindi kami nahihirapang humanap ng oras para makapag-usap. Hindi rin naman kami nahihirapang humanap ng pag-uusapan dahil nasa dugo na yata ni Khenjie ang pagiging madaldal. Halos lahat ng bagay ay napag-usapan na namin. Kahit ang mismong pag-tae naming dalawa ay ipinapaalam pa namin sa isa’t isa. Ganoon na kami ka-comfortable sa isa’t isa. Nag-reply si Khenjie at sinabing ayos lang daw ‘yon. Mas maigi raw na maaga akong nakapagpahinga. Natuwa naman ako roon dahil iniisip niya ang kalusugan ko. Nagsabi ako sa kaniya na mamaya na lang ulit kami mag-usap dahil mag-uumpisa na ang klase namin. Sinabi niyang pagbutihin ko raw ang pakikinig at pagkatuto. Ganoon din ang sinabi ko sa kaniya. Pagkatapos ng klase ko ay umuwi ako kaagad sa bahay dahil wala naman na akong ibang pupuntahan. Bahay at eskuwelahan lang ang madalas kong puntahan. Nakaka-boring ang ganitong buhay pero wala naman akong ibang magagawa dahil bukod sa wala akong kaibigan, ayaw ko rin namang mag-aksaya ng oras at pera para sa mga unimportant things. Naupo ako sa aking kama pagkatapos kong magbihis. Binuksan ko ang aking messenger at pinindot ang pangalan ni Khenjie. Ang last message niya sa ‘kin ay kanina pang alas-kuwatro. Pauwi na raw siya sa bahay nila. Hindi ako nakapag-reply kanina dahil hindi ko ugali ang maglabas ng cellphone kapag pauwi na. Mahirap na, baka makuha ng masasamang loob. Khenjie Estoques (Active 1hr ago) 6:18 PM Decyrie Acibar: Kakauwi ko lang, Khen. : Kumain ka na ba? It was like a routine. Kahit na hindi ko pa sinasagot si Khenjie ay ganiyan na ang treatment namin sa isa’t isa. Naisip ko naman na sagutin na siya ngayon kaya nag-iisip ako ng paraan kung papaano ko sasabihin ‘yon. Nasabi ko naman na noon na gusto ko ulit sumubok na pumasok sa isang relasyon sa pangalawang pagkakataon. Nakapag-move on naman na ako kay Reymel. Hindi na rin naman problema ang lalaking nanliligaw sa ‘kin dahil mukha namang matino si Khenjie. He’s also handsome and dedicated to his studies. Kung tutuusin nga, ako ang dapat mahiya kay Khenjie. Mukha siyang matino samantalang ako, hindi. But, hey, I am happy to talk to. Minsan nga lang. Nag-reply si Khenjie sa chat ko after 2 hours. Katatapos lang daw niyang gawin ang assignment niya. Sinabi ko naman na ayos lang dahil ‘yon naman talaga ang dapat niyang unahin. Sinabi rin niya na katatapos lang din niyang kumain ng dinner kasama ang family niya. I’m happy for Khenjie because he’s very close to his family. I even saw some of their photos on his timeline. Mahilig silang mag-bonding ng family niya kahit sa bahay lang. Hindi pa ako kilala ng family niya, same with him sa family ko. Understandable naman dahil hindi pa kami at masyado pang maaga para roon. Khenjie Estoques •Active Now 8:43 PM : Close talaga kami ng family ko dahil sinanay kami ng magulang namin : Hindi rin naman mahirap pakisamahan sina Mama, kaya gano’n : Baka nga kapag nagkakilala kayo ay maging close kayo kaagad dahil masaya siyang kausap Decyrie Acibar: Talaga ba? Kailan kaya? Charot. : Anyways, shall we lessen the population of single people? Natawa ako sa naisip kong paraan para sagutin siya. Nag-init ‘yong dalawang pisngi ko kahit na hindi ko naman siya kaharap. Gosh, Decyrie! Anong pakulo ‘yan? Medyo nag-loading yata ang utak ni Khenjie kaya nagtanong siya. Khenjie Estoques •Active Now : Huh? Hindi ko gets : Ah HAHAHAH never realized your chat until I translated it to Tagalog : Sinasagot mo na ba ako, Decyrie? Kasi kung oo, ipapakilala na kita kina Mama’t Papa Decyrie Acibar: Totoo nga. Sinasagot na kita, Khenjie. : Saka mo na ako ipakilala kapag nagkita na tayo. That was the time when I gave my sweet yes to Khenjie. Ang epic ng reaction niya pero nakakatuwa naman na nakakatawa. Sapat naman na siguro ‘yong dalawang buwan na panliligaw niya. Alam kong marami pa kaming dapat malaman sa isa’t isa pero magagawa naman namin ‘yon kahit kami na. Palagi kaming magkausap ni Khenjie. Kung sweet kami sa isa’t isa noon, mas lalo na ngayon. Inilagay niya sa bio niya ang date kung kailan ko siya sinagot. Sinabi ko sa kaniya na hindi naman na kailangan dahil ayos na ako na alam namin sa isa’t isa kung anong meron sa ‘min. He said he wants to do it kaya hinayaan ko na lang. Khenjie is the type of a man na palagi kang ime-mention sa mga sweet posts sa social media. I would smile and laugh everytime he would mention me. He’s sweet and corny, but I like him anyways. Ako naman ‘yong tipo ng babae na hindi gumagawa ng gano’n dahil gusto ko na personal kong ipaparamdam at sasabihin kay Khenjie kung anong nararamdaman ko at gusto kong sabihin sa kanya. I just didn’t expect that our “harutan” in the comment section will turned out this way. It was unexpected and yet thrilling. Who would’ve thought that there’s a person who would court me in social media? I know it’s not shocking for other people out there, but for me, it is. Nagsisimula kami ni Khenjie sa pagsasabi ng “good morning” sa isa’t isa hanggang sa mapadpad ang usapan namin sa kung anu-anong mga topic. Nagtatapos ‘yon sa “good night” na minsan ay hindi ko na nari-reply-an. Gano’n din naman siya minsan. “Ex-boyfriend mo pala si Reymel Reyes?” tanong sa akin ni Rachelle. Kaklase ko si Rachelle ngayong grade 11. Hindi naman siya mukhang mataray pero hindi rin siya mukhang mabait. Mula sa pagkakayuko sa aking desk ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya. She was sitting on the chair infront of me. She has this expression that you can read: almost surprised and uninterested. Napatingin ako sa palagid namin at nakitang wala na ang iba naming kaklase dahil break time na. Nagbalik ako ng tingin kay Rachelle. “Saan mo naman napulot ‘yang tsismis na ‘yan?” Napataas ang sulok ng labi ni Rachelle. “Tsismis bang matatawag kung totoo ang balita? I don’t think so. So, ano nga? Naging kayo ba?” Sumandal ako sa aking upuan at pinakatitigan si Rachelle. Iniisip ko kung ano ba ang makukuha niya sa pagtatanong na ginagawa niya. Kung gusto niya lang mapunan ang curiosity niya, sana’y si Reymel na mismo ang pinagtanungan niya. “Why are you even asking, Rachelle? It’s not as if we are friends for you to demand me for an answer. And besides, wala ka na ro’n kung naging kami nga. Bakit ba hindi mo na lang problemahin ang sarili mong problema and stop gossiping around?” iritableng sagot ko. Nagkibit siya ng balikat at itinukod ang siko (elbow) niya sa desk ng upuan na inuupuan niya ngayon. Hindi ba siya nangangalay sa posisyon na ‘yan? Nakaharap sa akin nang 180 degrees ang katawan niya habang nakatalikod ang upuan niya. Para lang may makuhang kasagutan, nagtitiis siya sa ganiyan? “Nanggaling ang balita na ‘yon sa babaeng naging ex-girlfriend din ni Reymel. Maybe you are familiar with her?” pang-aasar niya sa ‘kin. Of course, I remember her. How could I forget about her? She was the reason why my first heartbreak almost killed the f*ck out of me. “One more thing, hindi ko rin naman gugustuhing makipagkaibigan sa kagaya mong talunan at ipinagpalit. Siguro, mas minahal talaga ni Reymel si Vanessa kaya ka niya nagawang ipagpalit.” Magsasalita na sana ako ngunit tumayo na siya at iniwan akong nagpupuyos sa galit. How could she say that to me? Maaaring tama si Rachelle. Ayaw ko lang marinig ‘yon sa ibang tao dahil iba ang impact sa ‘kin. Nakakaramdam ako ng anxiety sa tuwing maaalala ko kung ano ang kinahinatnan ng relasyon naming dalawa ni Reymel. Naka-move on na ako kay Reymel pero ‘yong sakit na ipinaramdam niya sa ‘kin, hinding-hindi ko makakalimutan ‘yon. It scarred me. It will always be here in my heart and in my memories.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD