Chapter 11
Sa tuwing maaalala ko ‘yong mga nangyari sa ‘kin dati, napapatampal na lang ako sa noo ko. Nakakaramdam ako ng hiya at awa para sa sarili ko. Hindi ko lang talaga in-expect na gano’n ang magiging karanasan ko sa mga lalaki na akala ko ay mabubuti.
It was predicted, but I didn’t really expect that it would be that worst. I just wanted to try and see what it would be like to be in a long distance relationship. Never did it cross my mind that I would be cheated on a lot of times.
Siguro nga, t*nga lang talaga ako. Siguro t*nga lang talaga ako para maniwala na may magseseryoso talaga sa ‘kin. Hindi ko nga alam kung bakit umasa pa ako. It was just a wishful thinking. It was too ideal.
Sa panahon ngayon na minamadali na ang pag-ibig, mukhang malabo na talaga para makatagpo ako ng tao na magmamahal talaga sa ‘kin nang tunay. Meron pa bang darating? Ewan.
Habang naglalakad ako sa field ng university ay napahinto ako sa paglalakad nang may maalala. Jyx—the guy who’s been messaging me since then—didn’t reply to my message to him. After ng reply ko ay nag-offline na siya. Hindi ko alam kung matagal na ba siyang naka-offline o sakto lang talaga na nag-offline siya no’ng nag-reply na ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung ano ang reply ko sa kaniya kagabi.
Jyx Serajim
(Active 7hrs ago)
JULY 1, 2022 AT 11:11 PM
: Haha hello
: Ngayon ko lang nabasa ‘yong chat mo dahil naging busy kasi ako these past few days
: Tagal na rin pala simula nang i-chat kita, buti nakita mo ‘yong message ko? Haha
JULY 1, 2022 AT 11:15 PM
Decyrie Acibar: Hello!
: I was scrolling on my message requests then I saw your name. I got curious, so I checked your messages. I thought that your account was already abandoned since you didn’t reply immediately.
Matagal kong pinakatitigan ang conversation namin. Napansin ko na halos 3 minutes din pala bago ako nakapag-reply sa kaniya kagabi. Kaya siguro nag-offline na lang siya dahil akala niya ay hindi ako magre-reply sa kaniya.
Hindi ko na sinundan ang huling mensahe ko sa kaniya. Masyado namang halata na interesado ako sa kaniya kung gagawin ko ‘yon. Hihintayin ko na lang siguro ulit siya.
Nagbuntonghininga ako habang nakatitig pa rin sa screen ng cellphone ko. “Bakit ba kasi nangako pa ako sa sarili ko?” bulong ko. “T*nga talaga!”
Gusto kong magpapadyak sa inis. Kung hindi ko lang sana ipinangako sa sarili ko na aalamin ko ang pagkatao niya kahit anong mangyari, hindi ko na kakailanganin pang magtiyaga na hintayin ang reply niya.
“Peek a boo!”
Muntik na mahulog sa damuhan ang cellphone ko nang dahil sa gulat. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko kaya nasalo ko kaagad kahit nasa ere pa lang. Magkaka-heart failure pa yata ako.
Inis akong humarap kay Myrtil. “Pasalamat ka na lang at hindi nahulog ang cellphone ko! Dahil kung nahulog ‘to, pababayaran ko talaga sa ‘yo!” nanggagalaiti na usal ko habang sinasabunutan siya.
Hinahawakan niya ang kamay ko ngunit hindi ako nagpapapigil sa kaniya. Kabado at gulantang pa rin ako nang dahil sa pagbulong niya sa tainga ko kanina. Nananahimik ako sa isang sulok ng field tapos bigla niya akong bubulungan nang gano’n, sinong hindi magugulat?
Habang pinipigilan niya ang kamay ko ay humahagikgik siya. “Sinabi ko naman sa ‘yo na iwasan mo ang pagkakape dahil nagiging nerbyosa ka! Uminom ka na lang ng gatas, mas maganda pa ang epekto no’n,” saad niya.
Hindi ko siya tinugon. Nang mapagod na ang kamay ko ay binitawan ko na ang buhok niya. Ipinasok ko ang cellphone ko sa kaliwang bulsa ng white blouse na suot ko. Inayos ko ang sarili ko at saka ko tinalikuran si Myrtil.
“Hindi naman mabiro ‘tong si Nurse Acibar,” pang-aasar niya sa ‘kin. “But seriously, tigilan mo na ang pagkahilig sa kape, Decdec. Alam mo naman kung ano ang epekto niyan sa katawan at functionality ng utak mo.”
Umirap ako nang hindi siya nililingon. “Then what? Iinom ako ng gatas palagi? Tapos ano? Makakatulog ako nang dahil doon? Edi hindi ko na matatapos ‘yong mga assignment na dapat kong tapusin!” tugon ko. “At puwede ba, Myrtil? Tigil-tigilan mo ang panggugulat sa ‘kin dahil baka sa susunod na gawin mo ‘yon ay atakehin na talaga ako sa puso!”
Humalakhak siya habang nasa likuran ko pa rin. “Kung mangyari man ‘yon, gamutin mo na lang ang sarili mo. Nursing student ka, ‘di ba?”
Haharap na sana ako sa kaniya ngunit nakita ko na nilagpasan niya na ako at saka siya mabilis na tumakbo palayo sa akin. Minsan talaga ay isip-bata itong si Myrtil. May mga pagkakataon na pahahabulin niya ako sa kaniya. Though natutuwa rin naman ako dahil pansamantalang nawawala ang stress ko nang dahil sa kaniya.
Nursing student na kaming dalawa ni Myrtil. Ang “pagkakaibigan” na nabuo namin noong nasa grade 12 kami ay patuloy pa rin na tumitibay hanggang ngayon na first year college na kami. Sa DLSU kami nag-aaral at magkaklase kami.
Ipinagpapasalamat ko na magkaklase kami. Malaki ang tulong ni Myrtil sa akin, lalo na sa pag-aaral ko. Hindi naman kami ‘yong tipo ng magkaibigan na nagkokopyahan, pero kami ‘yong tipo ng magkaibigan na nagtutulungan kapag may mga bagay kami na hindi maintindihan sa isang subject namin. Sabay rin kaming nagre-review kapag may examination kami na paparating.
Myrtil was the only friend who stayed by my side this long. I don’t know how she managed to stay despite of my bad attitudes. To be honest, I am so blessed to have her as my best friend. Even though I sometimes act rude towards her, she would always understand. Myrtil won’t get mad because of petty reasons. She was the positive kind of friend. She was the type of friend that anyone could asked for.
Being a nursing student is really a challenge. There are many things that we need to consider and also set aside because of the profession we chose to pursue. I know that this would be easy for me if only I really like this profession. But I was just being forced to pursue this, so it would really be a big challenge for me.
So I was thinking… is it really worthy to continue this?
“Kung ako naman siguro ‘yong nasa kalagayan mo, mahihirapan din talaga ako. You know me, Decdec. I won’t do things that I am not familiar with. I won’t risk just so I could prove to myself that I am brave enough to face the realities of life,” saad ni Myrtil. “Naiintindihan ko kung bakit nahihirapan ka, kaya nga nandito ako palagi para sa ‘yo. I won’t let you down. I got your back. Always.”
Naglalakad na kami ngayon papunta sa main gate ng DLSU. Tapos na ang lahat ng klase namin para sa araw na ‘to kaya makakauwi na rin kami sa wakas. Nakakapagod talaga at nakakasakit ng ulo ‘yong mga lessons na idini-discuss namin ngunit masasabi ko naman na nage-enjoy ako kahit papaano.
Tipid akong napangiti kay Myrtil. “I don’t usually say this, but… I am really grateful that I have you by my side. Kung hindi kita nakilala last year ay baka nalugmok na ako sa putikan. You were always there to cheer me up and motivate me,” sinserong sabi ko. Hindi ako makatingin sa kaniya. “I don’t know what good things I did in the past to deserve a friend like you.”
Naramdaman ko ang pabiro niyang paghampas sa braso ko. Tumawa siya. “Bakit ba bigla kang naging cheesy, huh? Sabihin mo nga sa ‘kin kung anong nakain mo ngayon para palagi kong ipapakain ‘yon sa ‘yo. Nakakapagduda talaga ang pagiging cheesy mo ngayon, Decdec!”
Bumaling ako sa kaniya kaya nakita ko siyang nakangiti habang tumatawa. “Kaya ayaw kong magsabi ng mga ganitong bagay sa ‘yo dahil alam kong mang-aasar ka at hindi mo ako paniniwalaan,” nakasimangot na saad ko. “Huwag ka ngang tumawa! Wala naman kasing nakakatawa, Myrtil!”
Sinundot niya ang pisngi ko. “Hindi lang talaga ako sanay sa Decyrie na sweet kung magsalita. But don’t get me wrong, okay? I am not laughing because I find it funny, I am laughing because I find it sweet. Magkaiba ang dalawang ‘yon.” Tumawa na naman siya at saka sinundot ang pisngi ko. “Nakakainggit talaga ‘yong dimples mo, Decdec. Puwede bang ilipat mo na lang sa ‘kin ‘yang dimples mo? Kahit ‘yong isang dimple lang.”
Lumayo ako sa kaniya. “Palagi mo na lang pinagdidiskitahan ‘yong dimples ko, Myrtil! Gusto mong magka-dimples?” tanong ko.
Mabilis naman siyang tumango-tango at saka ipinagsalikop ang mga palad niya sa harapan ko. “Please!”
Sarkastiko akong ngumiti sa kaniya. “Magpapukpok ka ng martilyo sa pisngi—‘yong head part ng martilyo, ah. Sure ako na pagkatapos no’n ay magkaka-dimples ka na.” Ako naman ngayon ang tumawa nang makita ko ang dahan-dahang pagkawala ng masayang ekspresyon sa mukha niya. “Oh, gusto mo ng dimples, ‘di ba? Binibigyan na nga kita ng effective at affordable na suggestion, eh.”
Halos malukot na ang mukha niya nang dahil sa pagsimangot. “Funny mo sa part na ‘yan, Decdec,” sarkastikong saad niya. “Gusto ko kasi talaga ‘yong mga dimple mo. Ang ganda kasi tingnan. Parehas na malalim at medyo malaki.” Inialis niya ang paningin niya sa ‘kin. “Kung sana ay may dimples lang ako, hindi ako titigil sa pagngiti.”
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Matagal niya na kasi talagang pinanggigigilan ang dalawang dimples ko. Malalim kasi talaga sila kahit na kaunting galaw lang ang gawin ko sa mukha ko. Kahit na igalaw ko lang ang labi ko ay magiging visible na kaagad silang dalawa.
Nang makauwi sa bahay ay nagbihis ako kaagad at saka nagpahinga saglit bago i-check kung may mga assignments o paperworks ba ako na kailangan kong gawin at tapusin. Minsan kasi ay nakakaligtaan kong gawin, lalo na kapag antok na antok na ako.
Iginugol ko ang dalawang oras ko sa pagi-scroll sa newsfeed ng f*******: ko. Wala naman akong nakitang interesante roon. Nanood na lang ako ng mga random videos. Minsan ay may mga video na may kinalaman sa pagmemedesina na napapadaan sa newsfeed ko kaya humihinto ako para panoorin.
Nang i-check ko kanina ang messenger ko ay wala akong nakitang reply ni Jyx. He haven’t seen my messages too. Hindi pa ba siya nago-online? Hindi ba siya mahilig gumamit ng social media?
Nang magsawa na ako sa pagsu-surf sa internet ay naisipan kong i-check na ang mga notebook ko. Tiningnan ko na rin kung may mga basura ba sa bag ko. Sa kabutihang palad naman ay wala. Abala ako sa pagkakalkal ng sulok-sulok ng bag ko nang pumasok si Ate sa kuwarto ko.
“Aren’t you going to eat, Cy?” tanong niya.
Napahinto ako sa ginagawa at saka siya binalingan. Nakasuot siya ng cotton shorts at isang spaghetti strap. “Kakain na ba?”
Tumango siya. “Oo. Alas-siyete y media na.”
Bumaling akong muli sa bag ko. “Saglit na lang ‘to. Susunod na ako,” sagot ko. Umalis na rin siya kaagad kaya ipinagpatuloy ko na ang ginagawa.
Nang matapos ako sa pagchi-check kung may natira bang mga dumi sa bag ko ay tumayo na ako para bumaba sa dining area. Nakasabay ko pa si Kuya.
“Oh, ngayon ka pa lang bababa?” obvious na tanong ko.
Tamad siyang tumango. “Obviously,” sagot niya.
Hindi na lang ako sumagot. Pagod na pagod siguro ‘to sa pag-aaral kaya ganito. Kawawa naman siya.
The dinner was successfully done. Tahimik lang ang mga magulang ko at parehas silang abala sa mga kinakain nila. Si Daddy ay paminsan-minsang sumasagot sa mga tawag na dumarating sa cellphone niya. Si Mommy naman ay titingin kay Daddy at papakinggan ang sasabihin nito.
Sa ngayon ay nananatili na lang si Mommy rito sa bahay dahil nag-resign na siya noong nakaraang buwan bilang nurse. Medyo matanda na rin naman si Mommy para roon kaya understandable. Isa pa, mas magandang dito na lang siya sa bahay para naman may matitira rito bukod sa mga kasama namin sa bahay. Ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang pagtatanim at pag-aayos ng garden namin.