CHAPTER 12

1009 Words
Chapter 12 Bumalik ako sa kuwarto ko at naglakad-lakad muna nang 15 minutes sa kabuuan ng kuwarto ko para bumaba ang mga kinain ko. Bibihira lang ako makapag-exercise kaya malaking tulong ‘to para hindi maging bloated ang tiyan ko. Pagkatapos ng 15 minutes ay umupo na akong muli sa wooden chair na nasa harapan ng study table ko. Nagsagot ako ng mga assignment at nagbasa na rin ng notes para naman kahit papaano ay may laman ang utak ko kapag nagkaroon ng biglaang quiz o recitation bukas. Nananakit na ang batok ko ngunit hindi pa naman ako inaantok kaya nagpatuloy pa rin ako sa pagbabasa ng notes ko. Bukas na lang siguro ako magbabasa ng libro. *Ting* *Ting* Narinig ko ang tunog ng messenger ko kaya napamulagat ako. Nakalimutan ko palang i-turn off ang WiFi kaya mabilis na pumasok ang chats. Mabuti na lang din at hindi ko napatay dahil kung pinatay ko ay hindi ko malalaman na may nag-chat pala. Jyx Serajim •Active Now JULY 2, 2022 AT 11:11 PM : Hi! Are you still awake? : If you are still awake and doing some things, don’t bother yourself on replying to me. It’s fine Saglit akong napatitig sa huling reply niya. Nang may maisip na ire-reply ay nag-type na ako. Decyrie Acibar: Bakit ngayon ka lang nag-reply | Delete. Delete. Delete. Binura ko ang mga nai-type ko dahil hindi tama na itanong ko ‘yon. Kung ‘yon ang sasabihin ko ay baka isipin pa niya na kanina pa ako naghihintay ng reply niya. Dapat chill na reply lang. Decyrie Acibar: I am just reading my notes when I saw your messages. I thought he won’t reply again like he did last night, but I got it wrong. He still replied. Jyx Serajim: Really? Ano namang notes ang binabasa mo? : About last night, sorry kung hindi na ako nakapag-reply. Nakatulog na kasi ako no’n Why was he explaining? I didn’t even ask him. Decyrie Acibar: No, it’s just fine. Not that I am expecting you to still reply to me. I almost thought that you’d ghost me. Jyx Serajim: I won’t do that haha : Going back to my question, anong notes ang binabasa mo? Baka nakakaabala na ako sa ‘yo Hindi kaagad ako nakapag-reply. It’s funny how I am peacefully talking with somebody I just met last night. I don’t know… I feel like I am getting comfortable to him in that instant. Decyrie Acibar: Notes about our discussions in school earlier. Don’t worry, hindi ka naman nakakaabala sa ‘kin. Actually, patapos na rin naman ako. Jyx Serajim: You are a first year college now, am I right? Decyrie Acibar: Yes. How about you? Minutes had passed and he didn’t reply to me. Naisip ko na baka nakatulog na naman siya. It’s not a problem though. Nakausap ko naman siya ngayong gabi kaya ayos na rin ‘yon. To my surprise, he replied again. Jyx Serajim •Active Now JULY 2, 2022 AT 11:45 PM : Sorry for the late reply. Nakaidlip na kasi ako : Good night to you, Decyrie! Hope you have a sweet dreams. Huwag kang masyadong magpuyat After that, nawala na ang hugis bilog na kulay green sa ibaba ng pangalan ni Jyx. Nag-offline na siya. Talaga namang gumising pa siya ulit para lang makapag-good night siya sa ‘kin. I didn’t know but I smiled. Hindi ko maipaliwanag pero nandito ‘yong kakaibang pakiramdam sa puso ko. Iniisip ko na lang na masyado lang akong na-overwhelm nang dahil sa mga sinabi niya. Pero ayaw ko namang i-overlook ang mga bagay-bagay. Hindi dapat ako mag-isip ng kung ano dahil baka masyado lang talagang mabait na tao si Jyx kaya niya sinabi ang mga ‘yon. Ilang minuto akong nakatulala sa notebook ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkaantok kaya naman iniligpit ko na ang mga gamit ko. Pinatay ko na rin ang lampshade nang natapos ako sa pagliligpit ng mga gamit ko. Gumapang ako papunta sa itaas na bahagi ng kama ko at saka dahan-dahang humiga. Napatitig ako sa kisame na para bang may babagsak na mga ginto mula roon. Hawak-hawak ko ang cellphone ko gamit ang dalawang kamay ko habang nakapataong ‘yon sa ibabaw ng dibdib ko. Para ko na nga ‘yong niyayakap. Napansin ko na malawak akong nakangiti kaya mabilis kong inalis ang ngiti ko. “Nababaliw ka na ba, Decyrie? Anong inginingiti-ngiti mo riyan, huh?” pagsaway ko sa sarili ko. “May I remind you, you just met him last night! Huwag kang masyadong magpakampante at magpakasaya sa mga ipinapakita niya!” Tumagilid ako ng higa. Nakaharap na ako ngayon sa pinto ng banyo ko. Nakalagay pa rin sa dibdib ko ang cellphone ko. “But… he was consistent over the past years!” pagkontra ko naman sa sarili kong sinabi. “He won’t be that consistent kung hindi siya seryosong tao. Malay mo naman…” Napahinto ako dahil may naisip din kaagad na pangkontra. “But you can’t be sure if he is a good guy! Hindi ka pa ba nadala sa mga naranasan mo dati, Decyrie? You’ve been cheated on for 3 times! And 3 of them have a common denominator: at first, you thought that they were all a good guys!” Napapikit ako nang mariin pagkatapos kong sabihin ‘yon. Nababaliw na nga yata ako dahil kinakausap ko ang sarili ko. Binuksan ko ang mga mata ko at saka tumitig sa pinto ng banyo. “Don’t talk as if you have a plan of making him your boyfriend! Hindi ba’t hanggang fling-fling ka na lang? Panindigan mo ‘yon! Huwag na huwag ka ulit magpapaloko. Tama na ‘yong tatlong beses kang nagpakat*nga!” Tumango ako sa sarili ko pagkatapos kong ibulong ‘yon. I can’t be foolish this time. I won’t let that happen again. If I would let myself be fooled again, para ko na ring pinatunayan na t*nga nga talaga ako. I am wiser and smarter now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD