CHAPTER 13

2420 Words
Chapter 13 “Do you really think na merong magandang future para sa ‘kin?” tanong ko kay Myrtil habang naglalakad kami paakyat sa classroom namin. Papunta pa lang kami sa unang klase namin. Mabilis siyang tumango. “Oo naman, ‘no! Iniisip mo ba na wala?” sagot niya. “Wala,” sagot ko kaagad. “Papaanong magkakaroon kung ngayon pa nga lang ay nahihirapan na ako?” Malakas na bumuga ng hangin si Myrtil. “It’s just on your head, Decdec! Iniisip mo kasi palagi na hindi mo kaya, na nahihirapan ka kaya ‘yan talaga ang nangyayari! I know you can do it! I know you can make it! Why? Because I saw how you strived really hard when we were still in grade 12. Kung nagawa mo noon, alam kong magagawa mo rin ngayon.” Pinag-uusapan namin kung anong sub specialty ang ipu-pursue namin sa medical school. Sinabi ko sa kaniya na wala pa sa isip ko ang bagay na ‘yon ngunit sinabi niya sa ‘kin na dapat ngayon pa lang ay pinag-iisipan ko na ‘yon para hindi ako mahirapan once na maka-graduate na ako. Hindi nga ako sigurado kung makaka-graduate ba ako kaya wala muna sa isipan ko ang bagay na ‘yon—sa ngayon. Mahaba pa naman ang panahon para roon. Hindi naging madali para sa ‘kin ang makapasok sa DLSU dahil unang-una, ayaw ko naman talagang mag-nursing. Pangalawa, hindi ko inaasahan na ganoon pala kahirap ang pagdadaanan ko habang nagti-take pa lang ng entrance exam. Note that it was just an entrance exam. Meaning, pagsusulit pa lang ‘yon para malaman kung puwede o qualified ba akong makapasok sa DLSU. Hindi pa ‘yon ‘yong mismong exam para sa finals. Kinailangan ko ng mahaba-habang panahon para sa pagre-review dahil inabisuhan na ako ng mga kapatid ko at pati na rin ng mga magulang ko na magiging madugo nga ang pagpasok ko sa DLSU. Hindi ko maintindihan pero sobra akong nakaramdam ng pressure nang mga panahong ‘yon. Mabuti na lang at may mga kapatid ako na napagdaanan na ang gano’n kaya nabigyan nila ako ng tips at kaunting kaalaman. Habang nage-exam ako ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa bawat tanong dahil parang alien para sa ‘kin ang mga nakasulat doon. Sobra-sobra ang pamamawis ko at ang pagkabalisa ko dahil ‘yong ibang mga kasama ko sa examination room ay nagsasagot na. Kasama ko si Myrtil nang araw na ‘yon at nakita kong hindi naman siya nahihirapan sa pagsasagot. Tanging ako lang yata talaga ang nakaramdam ng hirap sa pagsasagot. After the exam, me and my siblings waited for the result. As soon as the DLSU announced that the names of the students who passed the entrance exam were already posted on the bulletin board located inside the university, my siblings and I immediately go to school to see the result. I was really sweating and very nervous while they were searching for my name. I didn’t have the guts to look for my name as I was really shaking that time. I got shocked when Kuya Donovan lifted me up to the air and he jumped while he was still carrying me. “You passed, Cy! You passed the entrance exam!” Hindi ako makapaniwala nang marinig ko ‘yon. Hinawakan ako ni Ate sa kamay habang buhat-buhat pa rin ako ni Kuya. Malawak siyang ngumiti sa akin at saka ako niyakap. Dahil nga buhat ako ni Kuya ay nasama rin si Kuya sa pagyakap ni Ate. Nagyakapan na kaming tatlo habang nasa gilid kami ng bulletin board. Ate Ariela’s eyes became so teary while she was hugging us. “I am so happy for you, Cy! I know that this is just the start, but this is something that we should really celebrate. You passed the entrance exam, Cy! I am so proud of you!” Gulat pa rin ako nang mga sandaling ‘yon ngunit naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga pisngi ko. Hindi ako sigurado kung ano ang iniiyakan ko. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko kaya hindi ko matukoy kung ano ang dahilan ng pag-iyak ko. “Kuya, ibaba mo na si Decyrie! She’s crying right now!” malakas na utos ni Ate kay Kuya. Sinunod ni Kuya ang sinabi ni Ate. Pagkababa niya sa ‘kin ay iniharap niya ako sa kaniya. Tumabi naman si Ate kay Kuya para parehas nila akong mapagmasdan. Pinunasan ko ang mga luha ko. “Hindi ako umiiyak! Naluha lang ako dahil may alikabok na nakapasok sa mga mata ko,” depensa ko. Napaluha na naman si Ate. Lumapit siya sa akin at saka pinunasan ang gilid ng mga mata ko. “Don’t try to lie to us because we know you too well, Cy! It’s okay to cry. I know na masaya ka rin nang dahil sa result.” Inirapan ko si Ate. “Hindi ko pa nga nakikita kung nakapasa ba talaga ako. Basta niyo na lang akong binati.” Inginuso ni Kuya ang bulletin board na nasa gilid niya. “Then check it yourself for you to believe us. Always remember that no matter how you discourage yourself, we’ll always be here to encourage you. And if you don’t believe in yourself, always know that we would always believe in your own abilities and capabilities.” Imbis na tingnan ang pangalan ko sa listahan ng mga nakapasa sa entrance exam, lumapit ako sa mga kapatid ko at sabay ko silang niyakap. Bumagsak ang masaganang mga luha galing sa mga mata ko papunta sa pisngi ko at paibaba sa baba ko. Sobrang saya ko dahil nandito ang mga kapatid ko palagi para sa ‘kin. Hindi nila ako pinabayaan kailanman. Palagi silang nasa likod ko para tulungan at gabayan ako. “Thank you, Ate at Kuya,” bulong ko. Niyakap din naman nila ako pabalik. Naramdaman ko ang isang magaang paghalik sa ulo ko. “It’s our pleasure to be here for you, Cy,” malumanay na tugon ni Ate. Naramdaman ko ulit ang isa pang paghalik sa ulo ko. “You don’t need to thank us because it’s our responsibility to look after you,” tugon ni Kuya. I am really blessed to have them as my siblings. I may be unlucky to have an unloving parents, but I am so lucky to have a loving and supportive silblings like them. And if not because of them, I wouldn’t make it this far. “Nakikinig ka ba, Decdec?!” malakas na tanong ni Myrtil. Saglit akong napahinto sa paglalakad ngunit nagpatuloy din kaagad. “Senior High and College are both different thing, Myrtil! Kung nahirapan ako sa STEM na strand dati, mas lalo na ngayon na puro about na sa Science ang pag-aaralan. Gusto kong maka-survive, pero parang hindi ko kakayanin.” Mabilis na lumakad si Myrtil at saka tumayo sa harapan ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Inilagay niya sa magkabilang gilid ng baywang niya ang dalawang kamay niya. Itinaas niya ang kilay niya. “So anong gusto mong sabihin, Decdec? Na susuko ka na? Na aayaw ka na nang gano’n-gano’n na lang? Ipapaalala ko lang sa ‘yo na isa ka sa mga estudyante na pumasa sa entrance exam, out of 40k applicants! Hindi ka ba nanghihinayang sa paghihirap mo na maipasa ang entrance exam? Kasi kung hindi ka nanghihinayang, ako ‘yong nanghihinayang para sa ‘yo,” mahabang saad niya. Napalunok ako at saka nagbaba ng tingin. Wala akong maapuhap na salita na maaari kong isagot sa kaniya. May punto siya kaya hindi ko magawang makasagot. Lumapit sa akin si Decdec at saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. “Decdec, I know that you are struggling, but… don’t give up just yet. Nag-uumpisa pa lang tayo. Mas marami pa tayong pagdadaanan at iiyakan kaya i-save mo ‘yang lakas mo para sa mga araw na ‘yon.” Sasagot na sana ako ngunit narinig ko ang isang boses na nanggaling sa likuran ko. “Myrtil!” tawag ng isang boses ng lalaki. “Mabuti naman at naabutan kita.” Binitawan ni Myrtil ang balikat ko at saka siya lumapit sa tao na nasa likuran ko. “Ano ba ‘yon, Michael?” bugnot na tanong ni Myrtil. Tumawa nang mahina ang Michael na tinawag ni Myrtil. “Naiwan mo kasi ‘yong libro mo sa sasakyan ko. Baka hanapin mo kung saan-saan, eh. At oo nga pala, ipinapasabi ni Tita na mali-late sila ng uwi mamaya dahil may aasikasuhin pa silang business meeting,” paliwanag nito. Narinig ko ang pagsinghap ni Myrtil. “Hala! Buti na lang at ibinigay mo kaagad dahil kakailanganin namin ‘to mamaya! Salamat, Michael!” masayang saad ni Myrtil. “By the way, nasabi ba ni Mommy kung anong oras sila uuwi?” “Hindi, eh. Basta ipinagbilin lang sa ‘kin na sabihin sa ‘yo na mali-late sila ng uwi. Hindi mo raw kasi sinasagot ang tawag nina Tito kaya ako ang tinawagan.” sagot ni Michael. “Sige na, aalis na ako. Sa kabilang building pa ang punta ko.” Narinig ko ang pagtunog ng sapatos ni Michael ngunit natigil din nang tinawag siya ni Myrtil. “Wait lang pala, Mickey!” pigil ni Myrtil. “Hindi ko pa pala naipapakilala sa ‘yo ang kaibigan ko.” “Ay, talaga? Nasaan ba siya?” tanong ni Michael. “Decdec, halika! Ipapakilala kita sa pinsan ko,” tawag niya sa ‘kin. Humarap ako para naman maibigay ko ang gusto ni Myrtil dahil kung sasalungat ako sa kaniya ay matatagalan lang kaming dalawa. Baka ma-late pa kami nito sa klase namin. Nakita ko ang pinsan niya na napatigil sa akmang pagsasalita. Nakatitig lang siya sa ‘kin na para bang isa akong multo. Nanlalaki ang mga mata niya at medyo nakaawang ang bibig. “I know that she’s pretty but don’t be so obvious, Mickey!” pagsasaway ni Myrtil sa pinsan. “Anyways, Decyrie, this is Michael—my cousin.” Sabay lahad niya ng kamay sa harapan ng pinsan niya. “And Michael, this is Decyrie—my best friend.” Sabay lahad niya ng kamay sa harapan ko. Bahagya akong nagulat nang kuhanin ni Michael ang kamay ko at saka hinalikan ang likod ng palad ko. Pagkatapos niyang gawin ‘yon ay binitawan niya na ang kamay ko. Umirap ako at saka ko siya pinagtaasan ng kilay. “Have we met before? Because you looked familiar to me,” pagsasalita niya. Umiling ako. “I don’t know you.” “You looked like my next girlfriend,” usal niya. Malawak akong ngumiti sa kaniya. “You also looked familiar to me. You looked like my next ex-boyfriend.” Napatawa nang malakas si Myrtil. “Should I apply an ointment for the burnt area, Mickey?” pang-aasar niya sa pinsan niya. Imbis na mainis ay nakangisi pa si Michael. “Don’t try your flirtng skills on her because you won’t succeed, I’m telling you.” Ngumiti si Michael sa ‘kin. “Let us see then.” Tumalikod na siya at naglakad pababa ngunit nakakaisang baitang pa lang siya ay huminto siya sa paglalakad. Nag-angat siya ng tingin sa ‘kin. “Watch every of your step, Decyrie… because you might fall for me.” He winked then took his leave. Malakas na tumawa si Myrtil. “Good luck to you, Decdec! Mickey is a guy na hindi mabilis sumuko kaya asahan mong kukulitin ka niya.” Tumalikod na siya at naglakad kaya sumunod na ako. “He’s a good guy. He may be playful but he can be serious if the situation calls for it.” Umirap ako sa hangin. “Wala akong pakialam kung anong ugali niya, Myrtil. Alam mo namang allergic ako sa mga makukulit na lalaki kaya pagsabihan mo ‘yang pinsan mo,” inis na usal ko. Binagalan niya ang paglalakad at tumabi sa ‘kin. Sinundot niya ako sa tagiliran. “Hayaan mo na siyang i-pursue ka. Hindi ba siya pasok sa standards mo? He is a potential fling, Decdec. Parehas naman kayo na gusto ng fling lang,” pangungumbinse niya. Mabilis akong umiling. “Ayaw ko sa ganoon kakulit, Myrtil.” Natawa siya. “Parehas naman kayong masiyahin kaya alam kong magakakasundo kayo.” Hinila ko ang buhok niya. “Kahit anong sabihin mo, hindi pa rin ako papayag. Sabihin mo sa pinsan mo na ‘yan, huwag niya akong malapit-lapitan dahil baka hindi ko siya matantya,” may diin na saad ko. Inilayo niya sa ‘kin ang buhok niya bago siya tumawa ulit. “That’s not for me to decide, Decdec. Hahayaan ko lang ang pinsan ko sa kung anong gusto niyang gawin. Kung ayaw kong humarang siya sa dadaanan ko, hindi ko rin dapat siya pigilan sa mga gusto niyang gawin.” Napabuga na lang ako ng hangin sa naging sagot ni Myrtil. Bakit ba kasi ipinakilala pa niya ako sa pinsan niya? Bahala na nga. Hindi naman kami palagi magkikita dahil sa kabilang building pa raw siya. Edi mabuti. “Nakalimutan ko ‘tong libro kanina sa kotse ni Michael. Mabuti na lang talaga at naibigay niya,” pagsasalita niya nang nasa classroom na kami. Inilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng desk at saka ako naupo sa upuan ko. “First time yata ‘to na naiwanan mo ang gamit mo,” pagpuna ko. “Ikaw pa naman ‘yong tipo ng tao na hindi nakakalimot ng mga bagay-bagay.” Nagbuntonghininga siya bago naupo sa kaniyang upuan. “Hindi ko rin alam, Decdec. Siguro masyado lang akong inaantok kanina kaya nakalimutan ko.” Kumunot ang noo ko sa kaniya. “Inaantok? Bakit? Anong oras ka ba natulog kagabi?” tanong ko. Inilagay niya ang bag niya sa likuran niya at saka siya humarap sa akin. “I read some books last night that I slept late. Bandang mga ala-una na ng madaling araw ako nakatulog kagabi.” Napatango ako. “I read some notes too last night. Pero maaga naman akong nakatulog dahil inantok na ako.” Hindi ko na binanggit ang tungkol kay Jyx. Naisip ko lang na hindi ko muna dapat ikuwento sa kahit sino si Jyx dahil wala namang ganap sa amin. Wala akong dapat ikuwento. Dumating na ang professor namin kaya nanahimik na kami ni Myrtil. Nag-umpisa ang klase tungkol sa Human Anatomy. Nakinig ako para hindi ako nangangapa sa tuwing magkakaroon kami ng quizzes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD