CHAPTER 14

1116 Words
Chapter 14 Simula nang makapagtapos kami ng grade 12 ay hindi ko na nakita si Reymel. Wala na rin akong balita patungkol kina Khenjie at Daniel. Not that I want to have a news about them. It’s just that… iniisip ko kung nagbago na ba sila. Whatever. Nang natapos ang klase namin sa pangalawang subject ay may 2 hours vacant kami ni Myrtil. Hindi kami magkaklase sa ibang mga subject namin kaya nakaka-boring talaga sa classroom. “Saan tayo ngayon?” tanong ko kay Myrtil habang naglalakad kami pababa sa hagdan. Madalas kaming pumunta sa Milktea Shop na nasa malapit. Paborito ni Myrtil ang milktea kaya sinasamahan ko siya. Gusto kong uminom ng kape kaya sinasamahan niya naman ako sa tindahan para bumili sa vendo machine. Mas nakakatipid ako nang dahil doon. Kung sa Starbucks pa ako bibili ay baka maubusan ako ng pera kaagad. “I don’t know about you. Saan mo ba balak pumunta ngayon?” sagot niya naman nang hindi ako tinatapunan ng tingin. “Ikaw na ang bahala. Wala naman akong planong puntahan,” bored na sagot ko. Nagkibit siya ng balikat. “Sure ka, huh?” paninigurado pa niya. “Okay.” Habang naglalakad kami papunta sa ground floor ay kinuha niya ang cellphone niya at nag-type roon. Pinabayaan ko na lang siya sa ginagawa niya dahil hindi ko naman ugali ang makialam sa personal na buhay niya. “Hello?” pagsasalita niya. Nakita kong nakalagay sa tapat ng tainga niya ang cellphone niya. “Nasaan ka? Vacant mo na ba?” Pinakinggan niya ang kung sinumang nasa kabilang linya. “Ah, okay. Hintayin ka namin sa tapat ng building namin. Oo, namin. May problema ka ba? Wala naman pala, eh. Ibababa ko na ‘to. Sige.” Masama ang kutob ko sa mga narinig ko galing kay Myrtil. “Sino ‘yon?” pakikiusyoso ko. Sinabi kong hindi ko ugali ang pangingialam ngunit may kutob talaga ako sa mga sinabi niya. “Si Michael ba ‘yon, Myrtil?” Malawak siyang ngumiti sa ‘kin. Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa ng kaniyang blouse. “Why are you asking? Yie! Gusto mo ba siyang makasama?” pang-aasar niya. Kiniliti niya ako sa tagiliran. “Oo, si Michael nga ‘yong kausap ko. Inaya ko siyang lumabas habang vacant natin.” Tuluyan na kaming nakababa sa ground floor at naglakad papunta sa harap ng building. Nakasuot sa likod namin ang mga bag namin. Nakasuot kami ng puting blusa at puting slacks na siyang school uniform namin. Nakaburda naman sa kaliwang bahagi ng aming mga dibdib ang logo ng DLSU. Sa ibabang bahagi ng logo ay ang nameplate namin. “ACIBAR, D.” ang nakasulat sa nameplate ko at “YOHIRI, M.” naman ang nakasulat sa nameplate ni Myrtil. “Bakit ba kasi inaya mo pa si Michael? Tayong dalawa na lang ang umalis, hayaan mo na ‘yon,” pagrereklamo ko sa kaniya. Nakatayo na kami ngayon sa garden na nasa gilid ng entrance ng College of Medicine. Inilagay ko ang mga kamay ko sa loob ng magkabilang bulsa ng blouse ko. Tumingin siya sa akin saglit bago siya nagmasid sa paligid. “Bakit ba ayaw mo, Decdec? Hindi ka naman kakainin ng pinsan ko.” Pagkatapos no’n ay tumawa siya. “Huwag mo na lang siyang pansinin kapag kinukulit ka niya. Besides, sure naman ako na magkakasundo talaga kayong dalawa.” Tumitig ako kay Myrtil. Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Wala akong planong makipagkaibigan o makipag-usap man lang sa pinsan niya. Papaano ko ba pakikisamahan ang pinsan niya kung masyadong makulit ito? Hindi mahaba ang pasensya ko para sa mga lalaking kagaya ni Michael. Puwede ko nga namang huwag na lang pansinin si Michael. Bakit ko ba masyadong pinoproblema ang lalaking ‘yon? “Myrtil! Decyrie!” sigaw ni Michael mula sa malayo. Kalalabas pa lang niya mula sa isang building. “Eskandaloso talaga ‘yang pinsan ko,” kumento ni Myrtil habang pinagmamasdan ang pinsan niya. “Hindi mo naitatanong pero Civil Engineering student si Mickey. Namana niya siguro kay Tito ‘yong pagkahilig niya sa pagbuo ng mga infrastructures.” Napansin ko nga na galing si Michael sa building ng mga Engineering. Hindi ko alam na Engineering student si Michael dahil wala naman akong pakialam at hindi ako nagtanong kay Myrtil. “Sorry kung ngayon lang ako. Actually, mamaya pa ‘yong vacant namin pero nag-excuse ako sa professor ko. Sinabi kong biglang sumakit ang ulo ko,” pagkukuwento ni Michael nang makarating siya sa harapan namin. Hinawakan ni Myrtil ang tainga ni Michael at inikot ‘yon. “Napakagaling mo talaga kahit kailan! Isusumbong kita kay Tita mamaya,” pagbabanta ni Myrtil at saka binitawan ang tainga ng pinsan niya. Napahawak naman si Michael sa kaniyang tainga at saka hinimas-himas ‘yon. “Ang sakit, ah!” ungot nito. “Bakit mo naman ako isusumbong kay Mommy? Kapag ikaw ba ang nagdadahilan na masakit ang tiyan mo, pinapakialaman kita?” Daglian akong napabaling kay Myrtil nang marinig ko ‘yon. Nanlaki ang mga mata niya at saka siya napatakip ng mukha niya. Mukhang natamaan siya sa sinabi ni Michael. “Huli ka, pero hindi ka kulong.” At saka humalakhak si Michael. Napatawa na lang din ako. “Nagdahilan ka dati, Myrtil?” natatawang tanong ko. Imbis na sumagot si Myrtil ay masiglang sumagot si Michael. “Oo, ginawa niya ‘yon dati,” paunang saad ni Michael. Napabaling naman ako sa kaniya. “Grade 10 kami no’ng ginawa niya ‘yon. Inaantok pa kasi siya, ang kaso hindi siya makatulog sa classroom namin dahil top 1 siya ng klase kaya hindi siya puwedeng magbulakbol sa klase. Nagdahilan na lang siya na masakit ang tiyan niya para papuntahin siya sa clinic. Hindi na siya bumalik sa classroom hanggang mag-breaktime na kami.” Natawa ako at saka bumaling kay Myrtil na masama na ang tingin kay Michael ngayon. “Akala ko ba ay kalilimutan na natin ang tungkol doon?” aniya sa pinsan. Tumingin siya sa ‘kin. Namumula ang mga pisngi niya at para na siyang maiiyak. “Huwag kang makikinig diyan kay Michael, Decdec.” Hinila na niya ako at mabilis siyang naglakad. Nagpatianod naman ako. “Hindi na natin isasama ‘yang pinsan ko.” Tumawa ako nang malakas. “Akala ko ba ay inirereto mo siya sa ‘kin? Hindi ba’t ipinipilit mo na magkakasundo kaming dalawa? Eh bakit ayaw mo na siyang isama ngayon?” pang-aasar ko. Humigpit ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko. “Nagbago na ang isip ko. Baka maging bad influence lang siya sa ‘yo,” bugnot na sagot niya. “Hoy! Hintayin niyo nga ako!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD