Chapter 15
“Hindi ka na sasama sa ‘min, Mickey. May pupuntahan pa kami ni Decdec,” pigil ni Myrtil kay Michael.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa gate ng DLSU. Nagbago na nga talaga ang ihip ng hangin dahil ayaw na talagang isama ni Myrtil ang pinsan niya. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa. Parang kahapon lang ay ipinipilit niya na magkakasundo kaming dalawa ni Michael. Tapos ngayon naman ay ayaw niya na kaming pagsamahin.
“Wala nang bawian, Myrtil. Inaya-aya mo na ako tapos babawiin mo ‘yong sinabi mo? Wala namang ganiyanan,” sagot ni Michael kay Myrtil.
Nasa gitna nila akong dalawa kaya naririnig ko sa magkabilang tainga ko ang mga boses nila. Gusto ko na nga lang silang iwanan dito dahil ang ingay nilang dalawa. Gusto ko lang naman ng mapayapang vacant.
Huminga nang malalim si Myrtil. “Okay, fine. Sumama ka na pero huwag ka na ulit magbabanggit ng tungkol sa experiences natin dati kung ayaw mong i-scotch tape ko ‘yang bibig mo.” At inunahan niya na kami sa paglalakad.
Myrtil and I don’t talk that much about our past experiences since we are both not comfortable on talking about those. Despite of that, we still trusted each other. We didn’t make a big deal out of it. Maybe we’ll talk about those, but now is not the right time for that.
“Hi, Decyrie!” masiglang bati ni Michael na nasa kanan ko.
Kanina pa kami magkasama ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon para mabati ako nang ganiyan. Nagbangayan kasi kaagad silang dalawa ni Myrtil kaya nawalan siya ng pagkakataon na kausapin ako kanina.
“Hi,” mababa ang boses na sagot ko habang nasa harapan ang paningin. Tinitingnan ko ang likuran ni Myrtil dahil baka bigla na lang siyang mawala sa paningin namin at iwanan ako na kasama ang pinsan niya.
“Kumusta ka naman?” pagtatanong ni Michael na para bang matagal na kaming magkakilala.
Kung tutuusin nga, stranger pa rin siya para sa ‘kin. Kahapon ko lang siya nakilala kaya medyo nakakapagduda ang pagiging feeling close nitong si Michael. Pero ayaw ko namang mag-isip ng kung anu-ano nang dahil lang sa pangungumusta sa ‘kin ni Michael.
Lumunok muna ako bago ko sinagot ang tanong niya. “I’m just fine. Nothing’s interesting about my life.” Which is true by the way. I always go with my daily routine. From home, I will go to DLSU. In the classroom, I will listen to the discussions, then answer some quizzes and exams. From DLSU going back to home, I will eat my dinner and answer all my homeworks and read some of my notes and books. Repeat.
“Hmm,” he hummed. “Hindi ko alam na may kaibigan pala si Myrtil. Hindi ka niya nabanggit sa—ay! Nabanggit ka pala niya sa ‘kin, pero isang beses lang. ‘Yon ‘yong panahon na nagpunta kayo sa Mall tapos nanood kayong dalawa ng cine. Ako ang naghatid sa kaniya no’n. Hindi nga lang siya pumayag na sunduin ko siya, ewan ko kung bakit.”
I remember that. It was one of those days when we were still on vacation. Katatapos lang ng grade 12 days namin no’n pero nag-aya na kaagad siya na manood kami. ‘Yon ‘yong unang beses na may nag-aya sa ‘king lumabas. ‘Yon lang din ‘yong unang beses na lumabas ako na ibang tao ang kasama ko at hindi ang mga kapatid ko.
“Maybe she was thinking about me,” wala sa sariling sagot ko.
Nakalabas na kami sa gate at nakita namin si Myrtil na hinihintay kami sa tabi ng kalsada. Nakataas ang kilay niya sa amin. Mukhang may kung anu-ano na naman siyang naiisip patungkol sa ‘min.
“Saan niyo gustong pumunta?” tanong ni Myrtil nang makalapit kami sa kaniya. Kanina niya pa ‘yan itinatanong. Akala ko ay may naisip na siyang pupuntahan no’ng nag-usap kami sa hagdan kanina.
“Kumain na lang tayo ng street foods diyan sa malapit,” sagot ni Michael. “Kumakain naman siguro kayong dalawa ng gano’n, ‘di ba?”
Sabay kaming tumango ni Myrtil. “Kumakain kami ni Decdec ng gano’n, kaso kakaunti lang ang kakainin namin dahil masama sa kalusugan kapag kumain ng maraming street foods,” tugon ni Myrtil sa kaniyang pinsan.
I could still remember the time when we ate street foods. It was on September, last year. Pauwi na kami no’ng araw na ‘yon ngunit may nakita si Myrtil na stall ng mga street food kaya inaya niya ako. Noong una ay nag-aalangan ako dahil ayaw kong gumastos ngunit pinilit niya pa rin ako kaya wala akong nagawa kundi sumama sa kaniya. Napabili at napagastos tuloy ako nang wala sa oras pero worth it naman dahil masarap ang sauce at suka nila.
Naging weekly ang pagbili namin ng street foods sa vendor kaya masayang-masaya ito. Tinatawag niya nga kaming “suki” at binabati niya kami tuwing makikita niya kami. Tuwang-tuwa naman si Myrtil dahil naaalala pa kami ng vendor.
“Oh, sakto! Doon na lang tayo magpunta para hindi tayo masyadong mapalayo,” saad ni Michael.
Nagkibit na lang ng balikat si Myrtil at nauna na sa paglalakad. Nasa silong naman kami kaya hindi masyadong masakit sa balat ang sinag ng panghapong araw. Mabuti na lang at may mangilan-ngilang mga puno rito sa dinaraanan namin.
“Ano nga pala ‘yong sinasabi mo kanina, Decyrie? ‘Yong sabi mo na “maybe she was thinking about me”. Hindi ko kasi maintindihan,” usisa ni Michael na nasa tabi ko na pala.
Sumunod na rin kami kay Myrtil sa paglalakad. Tatlong hakbang lang naman ang layo niya sa ‘min. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang iwanan kaming dalawa ni Michael o gusto lang talaga niya ng tahimik na paligid.
Ilang sandali bago ako nakasagot. “I used to commute since then, so wala akong hatid o sundo kapag umaalis ako ng bahay. Myrtil knows about that, so maybe… iniisip niya ‘yong safety ko kaya nag-commute na lang din siya.”
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagbaling ni Michael kay Myrtil na nasa unahan namin. “Palakaibigan naman si Myrtil pero mapili talaga siya pagdating sa mga taong pagkakatiwalaan at kakaibiganin niya. Marami siyang kakilala o acquaintances pero bilang lang sa mga daliri ko ang matatawag niyang kaibigan sa mga ‘yon. Hindi maganda ang childhood niya kaya gano’n.”
Hindi na ako nagtanong tungkol sa huling sinabi niya. Ayaw kong pangunahan si Myrtil. Sasabihin niya naman siguro sa ‘kin ‘yong mga pinagdaanan niya kapag handa na siya. Kagaya ko, malalim ang sugat na natamo ko nang dahil sa mga pinagdaanan ko dati kaya hindi madali para sa ‘kin na basta-basta na lang ‘yong ikuwento sa ibang tao.
Yes, she trusts me and I definitely also trust her, but that doesn’t mean that it is required to always tell a part of us to each other. We respect our own time of healing. And we also respect each other’s own personal life.
Nang lumiko kami ay nakita namin si Myrtil na nag-aabang sa ‘min sa isang stall. Nakaharap siya sa gawi namin ngunit mapapansin na nakikipag-usap siya sa tindero. Nakikita ko ang paggalaw ng bibig niya kaya alam kong nasa tindero ang atensyon niya.
Nang makalapit kami ay tumayo ako sa tabi ni Myrtil. Nasa kabilang dulo naman namin si Michael. Pinagmamasdan nito ang mga fishball, kikiam, squid balls, hotdog, kwek-kwek, at iba pang street foods na iniluluto sa kawali.
“Oo nga po, eh. Mahirap po talagang mag-College pero mas mahirap naman po kung hindi magka-College, hindi ba?” natatawang saad ni Myrtil sa tindero.
Napatawa rin ang tindero at saka hinalo ang mga iniluluto niya gamit ang stainless strainer na hawak niya. “Tama nga naman, Hija. Mapalad ka at nabigyan ka ng pagkakataon na makapagpatuloy sa pag-aaral. May mga bata riyan na gustong-gusto rin magpatuloy ng pag-aaral ngunit hindi makapagpatuloy dahil walang sapat na pinansyal ang mga magulang nila. ‘Yong anak ko nga ay gusto ring mag-aral sa DLSU o FEU ngunit hindi naman namin siya kayang pag-aralin sa unibersidad na mataas ang matrikula.”
Nakita ko ang paglungkot ng eskpresyon ni Myrtil. “Tama po kayo, Manong. Marami po akong nakikitang mga bata sa kalsada na nanghihingi ng tulong sa ibang tao para lang may maipangkain sila. Nakakaawa po na may mga bata na nakakaranas ng ganoong paghihirap,” madamdaming saad ni Myrtil. “Nalulungkot po ako para sa anak ninyo.”
Nagpatuloy si Manong sa paghahalo ng mga iniluluto niya. “Wala naman silang ibang pagpipilian kundi ‘yon lang. Siguro kung may iba pa silang pagpipilian bukod sa pamamalimos, ‘yon ang pipiliin nila. Pero hindi naman sila nabigyan ng pagkakataon para makapili. Ipinanganak na silang ganoon kaya iniisip nila na hanggang doon na lang sila. Masuwerte ang mga batang kagaya mo na kayang tustusan ng mga magulang ang pag-aaral kaya huwag mong sasayangin ang pagkakataon na meron ka. Sinabi ko sa anak ko na mag-aral na lang siya sa unibersidad na libre ang matrikula. Wala rin siyang nagawa kundi ang pumayag na lang dahil ayaw niya namang mahinto sa pag-aaral.”
Lumiwanag ang mukha ni Myrtil at saka siya malawak na ngumiti. “Oo naman po, Manong! Ako pa ba?” At saka natawa si Myrtil. “Mabuti naman po kung gano’n. Sana po ay maging successful ang anak ninyo pagdating ng araw.”
Napatitig ako sa kawali na pinaglulutuan ng mga street food. Tumatak sa isipan ko ang mga sinabi ni Manong. Hindi naman ito ang unang beses na makarinig ako ng ganoong kumento patungkol sa privilege na meron ang mga taong kagaya ko. Maraming beses ko na itong narinig. Narinig ko na ito mula kina Ate at Kuya, sa mga magulang ko, sa mga naging guro ko, at pati na rin kay Myrtil.
Iba talaga ang impact sa akin dahil alam ko sa sarili ko na kahit papaano ay guilty ako. Palagi kong naiisip na sumuko na lang dahil nakakaramdam ako ng pagod at hirap. Hindi ko man lang naisip ‘yong mga batang nasa kalsada at walang ibang magawa kundi mamalimos dahil wala silang kakayahan para mag-aral.
Pero tama bang maging ganoon ang mindset natin? Hindi naman natin kasalanan kung bakit wala silang kakayahang makapag-aral. Kasalanan ‘yon ng mga magulang nila. Pero naisip ko rin na baka wala ring ibang pagpipilian ang mga magulang nila kundi mabuhay nang ganoon.
Sa totoo lang, ang kumplikado talaga ng buhay ng isang tao. Dahil kahit anong yaman at dami ng pera na meron ka, hindi ka pa rin mawawalan ng problema. Parang nakadikit na nga ‘yan sa buhay nating lahat. Nakakubli lang talaga sila minsan.
“Oh, kasama mo ba ang mga batang ito, Hija?” biglang bulalas ng tindero. Napaangat ang paningin ko sa kaniya at nakita kong salitan niya kaming pinagmamasdan ni Michael. “Pare-parehas kasi kayo ng suot na uniporme.”
“Opo, kasama ko po sila. Ito po ang kaibigan ko.” Sabay turo sa ‘kin. “Pinsan ko naman po ‘yon.” Sabay turo niya kay Michael.
Malawak na ngumiti si Michael sa tindero. “Ang pinakapogi niyang pinsan, Manong,” natatawang pagtatama ni Michael sa sinabi ni Myrtil.
Napatawa naman si Manong. “Kaya pala medyo magkahawig kayong dalawa, ano? Parehas kayong magandang lalaki at babae.”
Mas lalo namang lumawak ang ngiti ni Michael. “Ako lang po ang may itsura sa ‘ming dalawa ng pinsan ko kaya malabo po na magkahawig kaming dalawa.” Sabay tawa nito.
Napabaling naman ako kay Myrtil na naglakad palapit sa pinsan. Hindi na nakailag si Michael nang hilahin ni Myrtil ang patilya niya. “Ang kapal din talaga ng pagmumukha mo, Michael! Ikaw ang pangit sa ating dalawa, tandaan mo ‘yan!” At saka pa lang niya binitawan ang patilya ng pinsan niya.
Natatawa na lang kami ni Manong sa kakulitan nilang dalawa. Palagi talaga silang nagbabangayan. Mabuti na lang at wala akong pinsan na kagaya ni Michael dahil baka palaging magkaroon ng kaaway na kamag-anak ang mga kapatid ko.
“Mga batang ito talaga, oo! Oh, siya… luto na ang mga ito kaya kumuha na kayo habang mainit pa,” pagpapatigil ni Manong sa magpinsan. Nabaling ang paningin ni Manong sa ‘kin. “Parang pamilyar ang mukha mo sa ‘kin, Hija. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita.” Nanatili lang akong tahimik. Napatingin siya sa kaliwang dibdib ko. “Tama! Acibar… Ar… Ariza? Armina? A-Ar—”
“Ariela,” pagtutuloy ko sa sasabihin niya.
Napaturo siya sa ‘kin gamit ang index finger niya. “Tama, Ariela nga ang pangalan niya. Parehas kayong dalawa ng apelyido kaya ipinagpapalagay ko na magkapatid kayo.” Tumango ako. “Magkahawig kasi kayong dalawa ng Ate mo. Ang alam ko ay graduate na siya ng BS Pharmacy. Mahilig kasi silang pumunta rito ng mga kaibigan niya kaya pamilyar na sa akin ang kapatid mo.”
Medyo nagulat ako nang dahil sa nalaman ko. Hindi ko naman kasi ugaling pagkuwentuhin ang kapatid ko tungkol sa mga nangyayari sa buhay niya kaya hindi ko alam na mahilig pala siyang kumain ng street foods.
Kumuha si Manong ng isang plastic cup at saka nilagyan ‘yon ng iba’t ibang street foods. “Matagal na rin simula nang magawi rito ang kapatid mo. 2nd year college yata sila ng mga kaibigan niya nang magawi sila rito sa bandang ito. Naging madalang ‘yon nang sumunod na taon dahil siguro mas naging abala na sila ng mga kaibigan niya.” Iniabot niya sa ‘kin ang plastic cup na hawak niya. Kinuha ko na lang ‘yon sa kamay niya. “Nang sumunod na taon naman ay dalawang beses lang sa taon na ‘yon sila nakapunta rito.” Halos apat na taon na pala ang nakararaan nang huling beses silang bumisita kay Manong.
‘Yon na ‘yong mga panahon na Junior Intern na si Ate at nagpapalipat-lipat sa iba’t ibang hospital para sa internship niya. She was required to rotate to different hospitals in Manila for her to have some experiences in nursing. After that, she graduated in BS Pharmacy with a Doctor of Medicine diploma.
“Ano ‘yong pinag-usapan niyo ni Manong?” tanong ni Michael.
Pabalik na kami sa DLSU. Pagkatapos naming magbayad ay nagpaalam na si Myrtil at Michael na babalik na kami sa university. Nginitian naman kami ni Manong at sinabi niyang ikinagagalak niya kaming makilala. Mabait ang tindero at palakaibigan.
“Michael!” saway ni Myrtil sa pinsan. “Huwag ka ngang tsismoso! Kaya nga kita inilayo sa stall ni Manong dahil alam kong makiki-tsismis ka.”
Ngumuso si Michael. “Gusto ko lang namang malaman kung ano ‘yong pinag-usapan ni—” Napahinto si Michael sa pagsasalita dahil umilag siya sa pinsan niya na akma siyang pipingutin. “Sabi ko nga hindi na ako magtatanong! Namimingot naman ‘to kaagad, parang nagtatanong lang, eh.”
Habang naglalakad kami ay kinakain ko ang street foods na binili ko. Hindi ko nagawang kainin ‘to kanina dahil kinakausap pa ako ni Manong. Si Myrtil at Michael naman ay kanina pa tapos kainin ang binili nila. Nasa harapan ko silang dalawa at patuloy pa rin sila sa pagtatalo nila. Napapailing na lang ako sa tuwing napapasigaw si Michael dahil kinukurot at pinipingot siya ni Myrtil sa tuwing hindi nito nagugustuhan ang sinasabi niya.
Hanggang sa makarating kami sa DLSU ay panay ang reklamo ni Michael nang dahil sa p*******t ng pinsan niya sa kaniya. Hindi naman siya bumabawi kay Myrtil kaya mas lalo lang siyang kinakawawa nito.
“Bukas ulit, Decyrie!” paalam ni Michael sa akin at saka tumakbo na palayo. Hindi na siya nagpaalam kay Myrtil.