CHAPTER 16

1171 Words
Chapter 16 Tawa naman nang tawa si Myrtil habang paakyat kami sa hagdan. “Ang saya talagang kawawain ni Michael dahil hindi siya bumabawi. Para ‘yon sa pagiging madaldal niya. Anyways, ayos lang naman na malaman mong idinahilan ko noon na masakit ang tiyan ko para lang makatulog ako sa clinic. Matagal naman na simula nang mangyari ‘yon,” usal niya. Tinaasan ko siya ng kilay. “Then why do you look so mad about it if it was fine with you?” Nanatili lang ang mga mata niya sa mga baitang ng hagdan. “Dahil gusto ko na ako mismo ang magkukuwento no’n sa ‘yo pero sinabi niya na kaya wala na akong magagawa. Ayaw ko rin naman na malaman sa ibang tao ang tungkol sa ‘yo kaya gusto kong sa akin mo rin malaman ang mga pinagdaanan ko.” Bigla ko namang naalala ‘yong sinabi ni Michael kanina tungkol sa childhood ni Myrtil. Na-curious ako tungkol doon. Kahit na curious ako tungkol sa childhood niya ay hindi ko itinanong sa kaniya dahil naghihintay ako na kusa niyang ikuwento ‘yon sa ‘kin. Kahit na isang taon na kaming magkaibigan ni Myrtil ay maraming bagay pa rin ang hindi namin nasasabi o naikukuwento sa isa’t isa. Naghihintayan kasi kaming dalawa kung sino ang unang magtatanong o kung sino ang unang magkukuwento. ‘Yon ‘yong isa sa mga bagay na ipinagkaparehas namin. Naghiwalay kami ng landas ni Myrtil nang nasa second floor na. Hindi kasi kami magkaklase sa susunod na subject namin. Sa 2nd floor siya at sa 3rd floor naman ako. Kahit na hindi kami magkaklase sa ibang mga subject namin ay sabay pa rin naman kaming umuuwi. “Ate, may itatanong ako,” saad ko kay Ate na nakaupo sa kama ko. Nakaupo naman ako sa wooden chair ko na nakaharap sa study table ko. Nagbabasa siya ng isang novel. “What is it?” tanong niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin. Nakatutok lang siya sa librong binabasa niya. Bukas naman ang ilaw sa kabuuan ng kuwarto ko kaya nakakapagbasa siya nang maayos. “Wala ka bang pasok ngayon?” Nakaharap ako sa kaniya kaya nakita ko ang ginawa niyang dahan-dahang pagtingin sa akin. Ibinaba niya sa hita niya ang libro. “Kauuwi ko lang nga, papapasukin mo na naman ako? Bakit?” tanong niya rin. Umiling-iling naman ako. “Nagtataka lang ako kung bakit nandito ka pa rin hanggang ngayon,” sagot ko. Gusto ko pa sanang itanong sa kaniya ‘yong tungkol kay Manong ngunit naisip ko na huwag muna ngayon dahil halata ko ang antok sa mga mata niya. Nang sumapit ang alas-onse ay lumipat na si Ate sa kuwarto niya para makapagpahinga na siya at para makapagpahinga na rin daw ako. Hindi naman ako kaagad nakapagpahinga dahil parang may hinihintay ang katawan ko. Tahimik na ang kuwarto ko at tanging ang lampshade na lang na nasa gilid ng kama ko at nasa ibabaw ng study table ko ang bukas. Nagbabasa ako ng libro upang mai-review ang mga inaral namin kanina. Binasa ko na rin ang magiging topic namin bukas. Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ko ang pagtunog ng messenger ko. Huminga ako nang malalim bago ko kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa gilid ng libro ko. Jyx Serajim •Active Now JULY 2, 2022 AT 11:45 PM : Sorry for the late reply. Nakaidlip na kasi ako : Good night to you, Decyrie! Hope you have a sweet dreams. Huwag kang masyadong magpuyat JULY 2, 2022 AT 11:50 PM Decyrie Acibar: Good night, Jyx. Sleep tight. Binasa kong muli ang huli naming pag-uusap kagabi. Ang iksi ko palang mag-reply. Jyx Serajim •Active Now JULY 3, 2022 AT 11:11 PM : Hello, Decyrie! Have you eaten already? : How was your day? Decyrie Acibar: Yes, kumain na ako. How about you? : My day was fine. I got home from university then study my notes. Jyx Serajim: That’s nice to know. I already ate too : Let me know if I am disturbing you, so that I can stop myself from chatting you Dahan-dahan akong napangiti nang dahil sa reply niya. Hindi ko alam pero iba ang epekto ng mga sinasabi niya sa ‘kin. Ikinalma ko ang sarili ko bago nag-type ng ire-reply sa kaniya. Decyrie Acibar: Bakit ba palagi mong itanatanong kung nakakaistorbo ka? Don’t think that way because you are not a disturbance. Ayos lang na i-chat mo ako. Jyx Serajim: Sigurado ka ba na ayos lang talaga? Puwede namang bukas na lang tayo ulit mag-usap kung busy ka Decyrie Acibar: Ayos lang nga, Jyx. Paulit-ulit? Jyx Serajim: Haha sige. Gusto ko lang makasigurado na ayos lang talaga dahil ayaw ko namang ma-distract ka sa ginagawa mo. : Anyways, ano ang binabasa mo ngayon? Decyrie Acibar: I am reading a book about Physiology. JULY 3, 2022 AT 11:20 PM Jyx Serajim: Wow! So you are studying about medicine? That’s great! Decyrie Acibar: Yes, I am studying about medicine. I am nursing student specifically. : Great? Talaga? HAHAHAHA eh halos sumakit na nga ang utak ko nang dahil sa mga binabasa ko. Jyx Serajim: Nice! : Kahit sumasakit na ang ulo mo ay binabasa mo pa rin. Ibig sabihin niyan, kahit napipilitan ka lang ay gusto mo pa ring ipagpatuloy dahil gusto mong matuto : Hindi madali ang mag-aral ng nursing pero alam kong kaya mo ‘yan Nangangalay na ako sa pagkakaupo ko rito sa wooden chair kaya naisipan kong humiga na sa kama. Inilapag ko na muna ang cellphone ko sa ibabaw ng study table at saka ko iniligpit ang mga gamit ko. Nang natapos ay pinatay ko na ang lampshade na nasa ibabaw ng study table. Kinuha ko na ang cellphone ko at saka ako lumundag sa kama. Binuksan ko kaagad ang cellphone ko at nag-reply kay Jyx. JULY 3, 2022 AT 11:48 PM Decyrie Acibar: Bakit kung magsalita ka ay parang alam mo kung ano ang pakiramdam? Hmm, hulaan ko. Nursing student ka rin, ‘no? JULY 3, 2022 AT 11:51 PM Jyx Serajim: Akala ko ay tulog ka na haha : Pakiramdam ko kasi ay nahihirapan ka na kaya naisip ko na mahirap talaga ang pagnu-nursing. Don’t give up. Laban lang nang laban! The way he motivates me, it brought me different emotions. His words may be simple, but it somehow lifted me up. He was cheering for me, like I’m one of those people who are close to him. Gosh, Jyx! You are causing my heart a trouble! JULY 3, 2022 AT 11:56 PM Decyrie Acibar: Thanks for the motivation. : Kung may pinagdadaanan ka rin, alam kong malalagpasan mo rin ‘yan. Huwag na huwag ka ring susuko. My words may or may not help him, but I would still say those words. I still don’t know him, but I will do whatever it takes for me to know him more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD