Chapter 17
Habang pababa ako sa hagdan ng bahay namin ay nakasalubong ko si Ate Melody. Isa siya sa mga tatlong kasama namin sa bahay. She’s in late 40’s. She’s very dedicated to her job and very efficient.
May hawak siyang mga panglinis kagaya ng dust feather, cleaning liquid, at mop na nakalagay sa balde. Nang makita niya ako ay napahinto siya sa paglalakad. Ibinaba niya muna sa isang baitang ng hagdan ang balde na lagayan ng mop bago siya humarap sa ‘kin.
“Ah… Decyrie, ayos lang ba na ako na ang maglinis ng kuwarto mo? Mukhang abala ka kasi sa pag-aaral kaya baka… wala ka nang oras para maglinis,” nag-aalangan na saad niya.
Hindi sana ako hihinto sa paglalakad kung hindi niya ako kinausap. Tumingin ako sa mga cleaning tool niya at saka ako nagbalik ng tingin kay Ate Melody. Medyo may katandaan na si Ate Melody ngunit hindi pa rin nagbabago kung gaano siya kasipag.
Dahan-dahan akong tumango. “Okay. Pakiingatan na lang ng mga gamit ko sa kuwarto,” sagot ko. Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay dire-diretso na ulit akong bumaba sa hagdan.
Sukbit-sukbit ko na ang bag ko sa likuran ko. Pupunta na lang ako sa dining area para kumuha ng kahit isang piraso ng tinapay at puwede na akong umalis. Ayaw kong pumasok na kumukulo ang tiyan ko.
Nadatnan ko roon si Ate Serafin na nagpupunas sa ibabaw ng lamesa. Nasa edad 45 na yata siya dahil medyo puti na ang kaniyang buhok at may guhit na ang mukha niya. Hindi niya ako napansin no’ng una ngunit nang makalapit ako sa lamesa ay bahagya siyang nagulat. Napaayos siya sa pagkakatayo at bahagyang lumayo sa lamesa.
Kadalasan ay hindi ko napapansin ang mga kasama namin sa bahay dahil wala naman akong pakialam sa paligid ko. Ang palaging nakakapansin sa kanila ay si Ate. Kahit pagod ‘yon sa pagi-intern ay nagagawa pa rin niyang kumustahin sina Ate Serafin.
“A-Anong gusto mong kainin, Decyrie? Ipaghahanda na kita,” aligagang alok ni Ate Serafin. Nahinto na siya sa paglilinis ng lamesa.
Kumuha ako ng tinapay na nakalagay sa isang plato. Halatang iniluto ‘yon dahil may parte na sunog. Mabilis kong nilagyan ng palaman at saka ako kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator. Nakalagay naman na sa tumbler ang tubig kaya madadala ko kaagad papunta sa university.
“Tinapay na lang ang kakainin ko, huwag ka na mag-abala,” sagot ko. “Nakaalis na ba sina Ate at Kuya?” tanong ko nang maisara ko ang refrigerator. Humarap ako kay Ate Serafin. Hindi na siya gumalaw sa pwesto niya.
Tumango siya. “Kanina pa nakaalis ang mga kapatid mo. Mas maaga nga lang umalis ang Kuya mo kaysa sa Ate mo.”
“Ah, sige.” Pagkatapos ay naglakad na ako paalis sa dining area.
Nang makalabas ako sa pinto ay bumungad sa ‘kin ang garden namin. Nakita ko na nandoon si Mommy kasama ang pangatlo sa mga kasama namin sa bahay na si Ate Fatima. Nasa edad 30 naman siya. Medyo bata pa siya at wala pang anak. Siya ang inaasahan ng kanilang pamilya kaya imbis na mag-aral ay nagtrabaho na lang siya kaagad.
“Ilagay mo rito ang halaman na ‘yan, Fatima,” utos ni Mommy. She was bending her back while carefully checking all of her crops. “Pagkatapos niyan ay itabi mo naman ito sa halaman na inilipat mo.”
Mabilis na tumalima si Ate Fatima. “Ililipat din po ba ang mga bulaklak na ‘to?” magalang na tanong niya. Nang tumango si Mommy ay nagsimula na si Ate Fatima na magtrabaho nang tahimik.
Medyo mataas na ang sikat ng araw kaya kitang-kita ko na pinagpapawisan na silang dalawa. Pang-umagang sikat ng araw naman ito kaya medyo healthy pa para sa balat.
Napansin ako ni Ate Fatima ngunit wala siyang sinabi. It’s not as if we are close to each other. Ate Fatima was just like Ate Serafin and Ate Melody. The three of them are kinda distant to me because of too many reasons. The main reason was because, obviously, I am not a nice person. Can’t blame them though.
Hindi naman ako napansin ni Mommy dahil nakatalikod siya sa ‘kin. Nilagpasan ko na lang sila at saka ako lumabas sa bakod namin. Nagtuloy-tuloy na akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep.
“Bakit ngayon ka lang?” pabulong na tanong ni Myrtil habang inilalapag ko sa upuan ko ang bag ko. Nasa kanan ko siya at pasimple lang ang pagbulong na ginawa niya. “You are doomed kung nagkataon na nag-roll call na ang professor natin, Decdec! Magpasalamat ka na lang na inuna pa niyang kuhanin ang mga papel na naiwan niya sa office niya kaysa ang mag-roll call kaagad!”
Umupo ako sa upuan ko at saka ko siya tinaasan ng kilay. “Edi salamat,” sarkastiko na turan ko. Mahina akong natawa nang makita ko ang pagkalukot ng mukha niya. “Chill ka lang, Myrtil. On time naman ako na nakarating, ‘di ba? Ipahinga mo na ‘yang utak mo, okay? Chill ka lang diyan,” natatawa pa ring saad ko. Kumuha ako ng bubble gum sa bulsa ng uniform ko at iniabot sa kaniya.
Buong pagtataka niyang tiningnan ang bubble gum na nasa kamay ko. “Ano ‘yan?” tanong niya. Hindi na lang kuhanin kaagad.
“Obvious ba? Nakikita mo na ngang bubble gum tapos magtatanong ka pa? Kuhanin mo na lang, at baka magbago pa ang isipan ko,” kunwaring naiinis na saad ko.
She hissed.“Alam kong bubble gum ‘to, Decdec! Anong tingin mo sa ‘kin, t*nga?” Siguro nga. Umirap siya. “Akin na nga! Tinatanong nang maayos, eh.” Siya pa talaga ang galit, ah? Wow naman, Myrtil Yohiri!
“And now you’re mad? Ikaw na nga ‘tong binigyan ko ng bubble gum! Sige, kung ayaw mo ay babawiin ko na—” She halt my words.
“No! Hindi na! Naibigay mo na, ‘di ba? Ibig sabihin ay akin na ‘to,” tutol niya. Aabutin ko na sana ang bubble gum ngunit inilayo niya ‘yon sa ‘kin at saka mabilis na binuksan. Aabutin ko pa sana ulit ngunit mabilis niyang ipinasok sa bibig niya at saka ako dinilaan. “Bleh! Nakain ko na. Hindi mo na mababawi ‘to.” Kulang na lang ay ilagay niya sa magkabilang sentido niya ang hinlalaki niya at igalaw-galaw ang apat niyang daliri para asarin ako.
“Good morning, class!” bati ng professor namin na siyang nakapagpatigil sa ‘ming dalawa ni Myrtil. Naglakad siya patungo sa harapan at tuwid na tumayo roon.
“Good morning too, Miss!” sabay-sabay na bati namin. Mataas dapat ang energy kapag bumabati dahil ipapaulit sa amin kapag mukha kaming hindi kumain ng agahan nang dahil sa matamlay naming pagbati.
Dahan-dahan akong umayos sa pagkakaupo at in-ignora ko na ang katabi kong panay ang nguya ng bubble gum. Kinain pa rin niya ‘yong bubble gum kahit alam niyang makakapagpa-bloat ‘yon ng stomach niya. Napapailing na lang ako sa kakulitan ni Myrtil.
Nang mailapag na ni Miss sa lamesa ang mga papel na dala-dala niya ay pumunta siya sa gitnang bahagi ng klase habang hawak-hawak sa dalawang kamay niya ang mga index card. Nakasulat sa index card ang mga pangalan namin, ang attendance namin, ang scores namin sa written works, at pati na rin ang points para sa recitation namin. Kaya importante talaga ang index card dahil malaking puntos ang hatak no’n sa grades namin.
Nag-roll call si Miss at aktibo naman kaming nagsasabi ng “present” o “here” sa kaniya. Hindi ko masasabing mabait ang professor na ‘to ngunit ang alam ko lang ay mahilig siyang mangbigla. Hindi literal na manggugulat, kundi…
“Acibar, stand up,” utos ni Miss. Hawak pa rin niya ang mga index card namin. Ang malas naman talaga na ako pa ang nauna niyang tawagin. “Since you are the last one who came in to the classroom, you should be the first one to recite.” Blangko lang ang eskpresyon ni Miss ngunit alam kong seryoso siya.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Myrtil at para kaming nag-usap gamit ang mga mata namin. Parehas naming hindi inaasahan ang nangyayari ngayon. Ang akala naming dalawa ay nakatakas na ako sa pagiging late ko. Hindi pala. Napansin pa rin pala ni Miss na late akong pumasok.
Pinanlakihan ako ng mga mata ni Myrtil at saka niya ilang beses na itinaas-baba ang kaniyang mga kilay, urging me to stand up. Sinamaan ko naman siya ng tingin bago ako humarap kay Miss na naghihintay sa ‘kin.
Dahan-dahan akong tumayo sa upuan ko. Humawak ako sa sandalan ng upuan na nasa harapan ko. Nakipagtitigan ako kay Miss kahit na para na akong lalamigin nang dahil sa mga titig niyang malamig. Blangko pa rin ang kaniyang ekspresyon.
Umayos siya sa pagkakatayo niya. “Let’s start the recitation with an easy question. What is the largest organ in human body?” seryosong tanong niya.
Hindi man lang siya kumurap habang itinatanong niya ‘yon. Straight to the point talaga. Tila sinasabi niya na “hindi puwedeng hindi mo ‘to sasagutin dahil kapag hindi mo ‘to sinagot ay ibabagsak kita”.
Medyo pinagpawisan ako nang dahil sa tanong. Ang aga-aga pa, pinapasakit na ni Miss ang ulo ko. Pasimple akong tumingin kay Myrtil ngunit nang mapagtanto kong mali ang mangopya ng sagot ng iba ay ibinalik ko rin kaagad ang paningin ko kay Miss. Napansin ko na tahimik akong pinagmamasdan ng mga kaklase ko. Sana ay sila na lang ang tinawag. Badtrip.
Tumingin ako sa white board at inalala ang mga inaral ko. Pamilyar sa akin ang tanong kaya sigurado ako na nabasa ko na ‘yan sa notes ko, o sa libro ko. Pilit kong inaalala kung saang parte ko ba nabasa ang keywords. Paulit-ulit kong sinabi sa utak ko ang mga salitang “largest organ” na halos makabisado ko na.
“Acibar, you are taking too much time. That’s one of the easiest question, and yet… you can’t answer it immediately,” pagsasalita ni Miss. Iniisip ko pa nga, eh. Huwag ka namang mang-pressure, Miss. “What’s the answer, Acibar? Do you know the answer or not? Because if not, I’m now going to mark your recitation for today as zero. I’ll just call someone else to answer the—”
“Skin!” malakas na sabi ko. Nang mapagtanto ko na masyadong malakas ang pagkakasabi ko ay inulit ko. “Skin, skin is the largest organ in a human body.”
Ilang segundo bago tumango si Miss at saka nagsulat ng kung ano sa index card na nasa unahan. Malamang ay index card ko ‘yon. “Alright. It was an easy question, but it took 3 minutes for you to answer it. You should read your books and study more. Both of your siblings excelled in their freshmen, so we are expecting that you can do that as well since you have them at home to guide and teach you.”
I gritted my teeth for me to suppress my annoyance. She doesn’t need to say those words infront of everybody in the class. I know from myself that I am not good in academics but I am really trying my best. I am trying my best to survive. I don’t aim for high grades, I aim for a passing grades. I know that college life is not as easy as high school life, but I am really doing the best I can for me not to be left behind. Because this is the least that I can do for myself.