CHAPTER 6

4219 Words
Chapter 6 They were right when they said that “promises are meant to be broken”. People tend to always make a promise but tend to not fulfill it afterwards. Why do they even need to promise if they are not going to fulfill it? Simula nang lokohin ako ni Reymel, naging sobrang mahalaga na sa ‘kin ang pagbibitaw ng pangako. Kung ayaw kong maranasan na pangakuan at hindi matupad ang bagay na ipinangako sa ‘kin, dapat ay hindi rin ako mangako kung wala naman akong balak na tuparin. “Decyrie, ano ‘tong kumakalat na post mo sa social media?” tanong ni Ate. Nandito kami ngayon sa kuwarto ko at nag-aaral. Gusto raw niya na samahan ako ngayon habang nag-aaral kaming dalawa. Habang gumagawa ako ng assignment ay nagre-review naman siya. Kumunot ang noo ko habang nagsusulat. “Huh? Anong post? Wala akong matandaan.” Umalis siya sa pagkakahiga sa kama ko at saka tumayo sa tabi ng study table ko. Yumuko siya nang bahagya para ipakita sa akin. “I was not a believer of romantic relationship. I thought before that it was just a waste of time. But when a man came into my life, my perspective about romantic relationship had changed. He made me feel…” Inagaw ko kaagad sa kaniya ang cellphone niya at tiningnan ang sinasabi niyang post. Ito ‘yong post ko noong nakaraang taon tungkol sa ex-boyfriend ko na si Reymel. After naming maghiwalay ay wala namang bago na nangyari sa buhay ko. Kahit nang mag-grade 11 ako ay nahuhuli pa rin ako sa klase ko ngunit hindi na kasing dalas kagaya noon. Maybe I already learnt from Reymel. Napakagat ako sa labi ko at saka ibinalik ang cellphone kay Ate Ariela. “W-Wala ‘yan, Ate. Ang tagal na mula nang mai-post ko ‘yan, ngayon mo lang nakita? Saka hayaan mo na ‘yan, gawa-gawa ko lang ‘yan,” pagpapalusot ko. Mahina niyang hinila ang buhok ko kaya napaigik ako. Hinampas niya ako sa braso. “Magpapalusot ka pa talaga? Hoy, Decyrie! Hndi ako bulag para hindi makita ‘yong mga pictures na nasa post mo! Sa akin ka pa talaga magsisinunaling, huh?!” malakas na sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa pinto bago bumaling kay Ate. Nanlalaki ang mga mata niya sa ‘kin. “Ate, ano ba?! Puwede bang hinaan mo ‘yang boses mo? Kapag ikaw narinig diyan ni Kuya, papalabasin kita!” pananakot ko. Bumalik siya sa aking kama at naupo sa gilid niyon. Tinaasan niya ako ng kilay. “Oh, ano nga ang mayroon sa post na ‘to? Ngayon ko lang ‘to nakita dahil hindi naman tayo friends sa f*******:! Napakaarte mo, hindi mo ako ina-accept!” singhal niya pa. Napakamot ako sa ulo ko. “Oo na! Totoo nga ‘yang post ko pero matagal na ‘yan. Nakita mo naman na noong April, 2019 pa ‘yan, ‘di ba?” Huminga ako nang malalim. “It was Reymel, my ex-boy—” “Oh, my God, Decyrie! Why you didn’t tell us that you had a boyfriend before?! O baka hanggang ngayon ay may boyfriend ka?” gulantang na ani niya. Inirapan ko siya at saka ko iniharap ang upuan ko sa kaniya. “Ate, balak ko na sanang ipakilala si Reymel sa inyo kapag nag-Anniversary na kami, pero hindi naman kami umabot ng Anniversary. At saka buti na lang nga at hindi ko siya ipinakilala dahil kung nakilala siya nina Mommy ay baka hanapin pa nila si Reymel sa akin ngayon.” Napatango siya at saka nagbaba ng tingin sa kaniyang cellphone. “But… was it really true that he cheated on you with your schoolmate, Cy?” tanong niya habang nasa cellphone ang paningin. “It was stated on your post that you two lasted for 4 months. Sayang naman,” nanghihinayang na saad niya. Nagkibit ako ng balikat. “It was true, yes. Masaya naman talaga kami, sa totoo lang, pero hindi naman lahat ng kasiyahan ay nagtatagal. Matagal naman na magmula nang mangyari ‘yon kaya hindi ko na iniisip.” Halos isang taon na ang nakalipas magmula nang mangyari ang hiwalayan namin ni Reymel. Wala na akong balita sa kaniya at wala rin naman akong balak na malaman ang tungkol sa kaniya. Hindi ko alam kung sa PLMAR pa rin ba siya nag-aaral. Hindi pa naman kasi nagtatagpo ang landas namin simula nang mag-grade 11 ako. Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Ate. “Are you okay now? Naka-move on ka na ba sa nangyari sa inyo? Sorry if I was not there when you needed someone to lean on. I was so busy with my own studies and you won’t tell me what was going on that was why I had no idea.” Naramdaman ko ang pagsisisi at ang pagka-konsensya sa boses ni Ate kaya napabaling na naman ako sa kaniya. “Wala man lang kaming kaide-ideya ni Kuya na nakaranas ka pala ng ganito last year. Alam naman namin na malakas ka pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi ka na nakakaramdam ng sakit.” Bahagya akong ngumiti kay Ate kahit na nasa cellphone pa rin naman niya ang paningin niya. “You don’t need to apologize for being not there when I needed someone. I’m fine now, and that what matters, right?” Narinig ko ang pagsinghot na ginawa niya. “Naiinis lang kasi ako sa sarili ko, Cy. Pakiramdam ko ay napakawala kong kuwentang kapatid para hindi malaman na nasasaktan ka. Palagi ka naman kasing malakas kung titingnan at hindi mahahalata sa ‘yo na nakaranas ka ng sakit.” Suminghot na naman siya at saka nagpahid ng luha gamit ang kamay niya. “Sorry talaga, Cy. Nagiging emotional talaga ako kapag ikaw na ang pinag-uusapan. Alam mo naman na sa inyong dalawa ni Kuya ay ikaw ang paborito ko.” At saka siya tumawa. Napatawa na lang din ako nang dahil sa sinabi niya. Ate is a really softie kind of person. Masuwerte talaga ang magiging mga pasyente niya kapag nakapagtapos na siya sa medical school. Marunong makaramdam ng empathy si Ate, na ni minsan yata sa buhay ko ay hindi ko pa naranasan. I mean, why would I put myself on other people’s shoe if I have my own shoe to step on? Obstetrician o Gynecologist ang ipinu-pursue ni Ate ngayon sa medical school. Graduate na siya sa kurso na BS Pharmacy. Naka-graduate si Ate bilang Magna c*m Laude. Nang dahil doon ay inaasahan ko na magkakaroon ng salu-salo sa bahay namin na siyang nangyari nga. Syempre, sino ba namang magulang ang hindi magiging proud kung nakapagtapos na ang anak nila at Magna c*m Laude pa? “Kuya!” sigaw ni Ate at saka tuloy-tuloy na lumabas papunta sa kuwarto ni Kuya. Nasa harapan lang ng kuwarto ko ang kuwarto ni Kuya kaya mabilis lang makakarating doon si Ate. Walang silbi kung hahabulin ko pa siya. Napatampal na lang ako sa noo ko. Dapat talaga ay binantayan ko si Ate. Panigurado na magsusumbong ‘yon kay Kuya kaya ihahanda ko na ang tainga ko sa mahaba-habang panininermon niya. Makalipas ang ilang segundo ay narinig ko na ang boses ni Kuya. “Decyrie!” tawag niya. Nasa corridor pa lang sila ay nagsisigawan na sila. Mabuti na lang at wala pa ang mga magulang namin kaya walang sumisita sa kanila. Ayaw na ayaw pa naman nina Mommy na may sumisigaw tuwing gabi. Nang makarating silang dalawa sa kuwarto ko ay lumapit kaagad sa akin si Kuya. Nasa likod naman niya si Ate na bumubungisngis. Sasabunutan ko talaga siya kapag nakalapit ako sa kaniya. “Bakit hindi mo sinabi sa amin na nagka-boyfriend ka noon? Kung hindi pa nakita ni Ariela ‘yong post mo ay hindi namin malalaman. At ano ‘tong nabasa ko na ginago ka no’ng ex mo?” sunod-sunod na pagpapaulan ni Kuya ng mga tanong sa ‘kin. Napairap ako at saka ipinadyak ang mga paa ako. “Bakit ba kasi kailangan pang ungkatin? Tapos naman na ‘yon, at matagal na mula nang mangyari ‘yon. Hindi na natin kailangang pag-usapan ‘yon dahil naka-move on na rin ako kaya sana mag-move on na rin kayo.” Napahawak si Kuya sa kaniyang noo at saglit na nanahimik habang pinagmamasdan ako. Nakatayo silang dalawa ni Ate malapit sa pinto habang ako naman ay nakaupo sa upuan na nakaharap sa study table ko. Lumingon si Kuya kay Ate. “Ano ngang pangalan no’ng ex-boyfriend niya, Ariela?” Nagtataka man ay itinuon ni Ate ang paningin niya sa kaniyang cellphone bago siya sumagot. “Reymel Reyes ang pangalan, Kuya.” Tumango si Kuya bago bumaling sa akin. “Reymel Reyes ang pangalan ng ex-boyfriend mo, Decyrie. Gusto mo ba na sabihin ko kina Mommy na nagka-boyfriend ka?” pananakot niya sa ‘kin. Umismid ako at saka natawa. “Ano naman ang akala mo sa akin, takot na malaman nina Mommy? Go ahead, tell them. I don’t care. Isa pa, matagal naman na kaming wala ni Reymel kaya ayos lang,” walang pakialam na sagot ko. Hindi ako takot na malaman ng mga magulang ko na nagkaroon na ako ng ex-boyfriend. Nagpa-control na nga ako sa kanila patungkol sa pag-aaral ko, pati ba naman ang pakikipagrelasyon ko ay pakikialaman nila? Sumandal ako sa aking upuan at saka ngumiti kay Kuya. “You can’t scare me with that, Kuya, you know that. At saka alam ko rin naman na hindi mo sasabihin ‘yan kina Mommy dahil ayaw mo na mapagalitan nila ako.” Nakita ko ang pag-asim ng ekspresyon niya kaya ako natawa. “Oh, hindi ba totoo? Kahit itanong mo pa kay Ate. Sinabi niya nga kanina na sa ating dalawa ay ako ang paborito niya.” Malakas na tumawa si Ate at saka tumakbo papunta sa kama ko. Lumundag siya roon na parang siya ang nagmamay-ari ng kama. Tawa pa rin siya nang tawa habang nagi-scroll sa cellphone niya. Napunta naman ang paningin ko kay Kuya na pailing-iling na ngayon. Parang problemadong-problemado ang ekspresyon ng mukha niya. “Wala naman talaga akong balak sabihin kina Mommy pero sana naman ay maging maingat ka na sa lalaking pipiliin mo sa susunod, Cy. Hindi ka mahilig magkuwento sa ‘min ng Ate mo at doon kami nag-aalala. Nalaman namin ang nangyari sa ‘yo kung kailan ilang buwan na ang nakalipas. Sa susunod na may mangyaring ganito—na sana ay huwag naman maulit—ay magsabi ka sa amin ni Ariela,” malumanay na saad ni Kuya. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Lumalambot talaga ang puso ko kapag si Ate o si Kuya na ang kausap. Sila lang kasing dalawa ‘yong alam ko na palaging makikinig at iintindi sa akin nang hindi ako hinuhusgahan. Alam ko rin na silang dalawa lang din ang magmamahal sa akin kahit pa sobrang pasaway ako at masama ang ugali ko. ‘Yong mga bagay na dapat sina Mommy at Daddy ang gumagawa ay ginagampanan na nina Kuya at Ate. Hindi na rin naman ako nage-expect na gagawin nina Mommy ang responsibilidad nila sa akin bilang mga magulang ko. Sapat na sa kanila na binigyan nila ako ng bahay na matitirhan, mga damit na maisusuot, mga pagkain na makakain, at edukasyon na napilitan lang naman ako. Sobra akong nakukulangan sa mga bagay na ibinibigay at ipinapakita ng mga magulang ko. Pero hindi na lang ako nagsasalita dahil wala na rin naman ‘yon sa ‘kin. Nagpapasalamat na lang ako dahil nandiyan ang mga kapatid ko para damayan at samahan ako kapag kailangan ko ng makakausap at makakasama. Tumango ako kay Kuya. “Oo na, Kuya. Lumabas ka na sa kuwarto ko dahil nag-aaral kami ni Ate.” Inirapan niya kaming dalawa ni Ate ngunit wala naman na siyang sinabi. Diretso siyang lumabas sa kuwarto ko at isinarado ang pinto. Ngayong nasa grade 11 na ako ay medyo nahihirapan ako dahil napilitan lang naman akong kuhanin ang strand na Science, Technology, Engineering, & Mathematics (STEM). My parents told me to take STEM as my strand. If I will not do that, I will not get any allowance from them. Meaning, kung hindi STEM ang strand na kukuhanin ko, pag-aaralin nila ako ngunit hindi nila ako bibigyan ng allowance habang nag-aaral ako. Ayos lang naman sana ‘yon kung may kakayahan na akong mag-trabaho. Gustuhin ko mang mag-trabaho ay hindi papayag ang mga kapatid ko kaya ang mangyayari ay sila ang magbibigay ng pera sa akin para lang makapag-aral ako. I know how my siblings’ minds work. Ayaw ko naman na sila ang magbigay ng pera sa akin dahil alam ko na marami rin silang pinaglalaanan ng pera na iniipon nila. Napipilitan man ay wala na akong nagawa kundi sundin na lang ang mga magulang ko para makapag-aral ako. Puwede ko namang i-pursue ang sariling pangarap ko kapag nakapagtapos na ako sa medicine school. Linggo ngayon at wala akong pasok sa school. Nakahiga lang ako sa kama habang nagi-scroll sa f*******: app. Hindi ako madalas makipag-usap dahil tinatamad ako mag-isip ng ire-reply sa kanila. Habang nagi-scroll ay may nakita akong isang post na nanggaling sa group page na “Wholesome posting para kay crush 0.5”. Khenjie Estoques ¤ Wholesome posting para kay crush 0.5 • 54 minutes ago “Sometimes, two people have to fall apart to realize how much they need to fall back together”. — Criiex Veneracion, Fuera De Mi Cuerpo • 500 reacts • 102 comments • 1k shares Napangisi ako nang mabasa ang post na ‘yon. Naniniwala pa rin pala talaga ang mga tao ngayon na totoo ang “destiny” o ang “fate” na tinatawag? If destiny or fate is really true, bakit lahat ay hindi nabigyan ng pagkakataon para maranasan ‘yon? Bakit kailangan pang masaktan muna bago dumating ang tamang tao na para sa kanila? Naisipan ko namang mag-comment. It was a plain thought of mine with a little bit of flirting. Decyrie Acibar: Kung totoo talaga ‘yan, try nga natin. Natawa ako pagkatapos kong mai-comment ‘yon. May ilang mga tao na nag-reply sa comment ko ngunit hindi ko na ni-reply-an dahil wala naman akong intensyon na mag-reply sa kung sinong magre-reply sa comment ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto ko. Pumasok si Ate habang nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya niya. “Cy, gusto mong sumama sa Mall? Pupunta ako ngayon kasi may bibilhin ako.” Wala naman akong masyadong gagawin dito sa bahay ngayon kaya tumango ako. “Sige, Ate. Libre mo ba ako?” biro ko. Tumango naman siya kaya natawa ko. “Charot lang! Hintayin mo ako, maliligo lang ako.” In-off ko na ang cellphone ko at saka ako naghanap ng susuotin. Naisipan ko lang na sumama dahil hindi naman masama ang paminsan-minsan na paglabas ng bahay. Dahil nga wala akong kaibigan, walang nag-aaya sa akin para lumabas o gumala. Wala akong kaibigan sa mga kaklase ko ngayon dahil lahat sila ay competitive at ang mga dating kakilala lang nila ang sinasamahan nila. Napili kong suotin ang isang high-waisted square pants na kulay brown para sa pang-ibaba ko habang ang pang-itaas naman ay isang croptop na kulay puti. V-neck ang croptop at ang design ay printed word na “Hottie” sa mismong bo*bs part. Pagkatapos kong maligo ay nag-lotion lang ako saglit at saka ako nagbihis. Habang nakaharap ako sa salamin na pabilog na nakapatong sa ibabaw ng study table ko ay nilagyan ko ng liptint ang labi ko. Pagkatapos no’n ay naglagay ako ng kaunting blush on sa pisngi ko gamit ang liptint. Ang huli ko namang ginawa ay naglagay ako ng pulbos. Nang matapos na ay nagpabango ako. Nagsuklay ako ng buhok at hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko. Naglakad ako papunta sa gilid ng kama ko at isinuot ang sandals ko na kulay itim. Nang maisuot ko na ang sandals ay kinuha ko ang phone na nasa ibabaw ng kama ko at pati na rin ang wallet na nasa loob ng school bag ko. Kinuha ko rin ang maliit na shoulder bag na nakasabit sa likod ng pinto ng kuwarto ko. Inilagay ko sa loob ng shoulder bag ang wallet at ang phone ko. “Cy, tapos ka na ba?” sigaw ni Ate galing sa labas ng pinto. “Oo,” sagot ko. Lumabas na ako at bumungad sa akin si Ate na nakasuot ng high-waisted white shorts at sleeveless top. May dala rin siyang maliit na shoulder bag. “Halika na,” aya niya bago siya naglakad. Nakasuot siya ng white Nike shoes. “Nasaan si Kuya Donovan, Ate?” tanong ko. Hindi ko na kasi nagawang silipin ang kuwarto ni Kuya dahil naglakad kami kaagad ni Ate. Pababa na kami sa hagdan at dinig na dinig sa buong paligid ang ingay ng sandals ko. Nakita ko si Daddy na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng mga papel. Napaangat siya ng tingin at bahagyang ibinaba ang suot niyang reading glass bago ulit siya tumingin nang maayos sa amin. “Where are you going?” “Sa Mall po, Daddy. May bibilhin lang,” sagot ni Ate na naunang makababa sa hagdan. Hinintay niya muna akong makababa bago siya naglakad palapit sa pinto. “Hindi niyo kasama ang Kuya Donovon niyo?” tanong na naman ni Daddy. Huminto si Ate sa paglalakad at saka sumagot. “Nag-aaral po si Kuya sa kuwarto niya, Dad. Hindi raw siya makakasama.” Tumango si Daddy at saka saglit kaming tiningnan. “Huwag kayong magpagabi sa daan,” paalala niya. “Alright, Dad. Saglit lang naman po kami. Alis na po kami,” paalam pa ulit ni Ate. Naglakad na ulit siya papunta sa pinto kaya sumunod na ako. Hindi naman na ulit nagsalita o nagtanong si Daddy. Mabuti nga at hindi naiinis sina Ate sa tuwing maraming mga tanong ang mga magulang namin. Ipinagpapasalamat ko nga na hindi nila ako pinapaulanan ng maraming tanong. Hindi kasi nila nagugustuhan ang sagot ko kaya hindi na sila nagtatangka. Lumingon si Ate sa ‘kin nang makapasok kami sa SM City Marikina. “May pupuntahan ka ba, Cy? Alam ko naman kasing maiinip ka kapag sumama ka sa ‘kin sa pagpili ko ng mga damit kaya puntahan mo na ‘yong gusto mong puntahan.” Iginala ko ang paningin ko sa paligid. “Buti naman at alam mo ‘yan, Ate. Ang bagal mo pa namang pumili ng damit na bibilhin.” Inirapan niya ako. “Pupunta na lang muna ako sa 2nd floor. Bahala ka na kung saang store ka papasok. Mag-chat ka na lang sa ‘kin o mag-text kung saan tayo magkikita” “Okay,” tugon niya. “May pera ka bang dala? Baka may bibilhin ka.” Nagtangka siyang kumuha sa kaniyang shoulder bag ngunit pinigilan ko siya. “Huwag na, may pera naman akong dala. Hihingi na lang ako kung sakaling kulang.” Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang kamay bago bumuntonghininga. “Sige, pero sure ka ba?” Tumango ako. “Okay. Una na ako para maaga akong matapos.” Pagkatapos no’n ay naglakad na siya palayo sa ‘kin. Umirap ako habang tinititigan ang likod ng kapatid ko. Isinama-sama niya pa ako rito kung ganito lang din naman pala ang mangyayari. Sana ay nanatili na lang akong nakahiga sa bahay. Kung sa bagay, magkakaroon din ako ng pagkakataon ngayon para makapaggala. Umakyat ako sa 2nd floor gamit ang escalator. Napatitig ako sa umaandar na escalator dahil ito ang bagay na pinapangarap ko na magkaroon sa school namin. Nakakapagod naman kasi talaga ang mag-akyat at panaog sa school namin. Una kong pinuntahan ang Watsons para magtingin-tingin ng magandang liptint at pabango. Pumasok ako sa loob at sinilip ang mga aisle para malaman kung nasaan ang mga liptint at pabango. Nang makita ko kung nasaan ang section ng mga liptint ay kaagad akong namili ng bibilhin. Dalawang klase ang binili ko, isang kulay maroon at isang kulay pink. Sunod kong pinuntahan ang section ng mga pabango. Ang binili kong pabango ay ang brand na binili ko rin noon. Mabango kasi ang amoy nito at nagtatagal kapag inilagay sa balat o sa damit. Nang makapagbayad na ako sa cashier ay iniabot na sa akin ang plastic na pinaglagyan ng mga binili ko. Nagpasalamat pa sa ‘kin ang packer ngunit hindi na ako tumugon. Lumabas na ako sa Watsons at tumingin sa paligid. Habang nagmamasid sa paligid ay iniisip ko kung anong store naman ang susunod kong pupuntahan. Madalas naman kami sa mga Mall dahil mahilig bumili ng mga essentials sina Kuya at Ate. Isinasama nila ako at sumasama naman ako kapag gusto ko. Ang mga magulang namin ay walang panahon para sa ganito. Masyado silang abala sa mga trabaho nila kaya hindi na nagagawang pumasyal sa Mall. Naisipan kong pumunta sa National Book Store para tumingin ng mga libro na may kinalaman sa pagnu-nursing. May mga libro naman kami sa bahay ngunit napagpasyahan ko pa rin na bumili ng kahit na isang libro lang. Nang makapasok sa National Book Store ay ipinaiwan sa akin ng guard ang plastic na dala ko sa dalawang lalaki na nagbabantay ng mga gamit. Binigyan nila ako ng number para maging palatandaan kung ano ang gamit na pagmamay-ari ko. Hindi naman na ipinaiwan ang shoulder bag ko dahil nakita nilang cellphone at wallet lang ang laman no’n. Habang nag-iikot ako ay nakita kong marami rin palang mga libro na puwedeng pagpilian. Iba’t iba ang klase ng mga libro na may kinalaman sa pagme-medesina. May libro na para sa anatomy, digestive system, reproductive system, skeletal system, at kung anu-ano pang system. May mga libro rin naman na may kinalaman sa pagnu-nursing, pagpa-pharmacist, at pagiging ganap na doctor. Kinuha ko ang libro na tungkol sa pagnu-nursing at binayaran ‘yon sa cashier. Nang mabayaran na ang libro na binili ko ay bumalik na ako roon sa pinag-iwanan ko ng mga pinamili ko sa Watsons kanina. Lumabas na ako sa National Book Store at naglakad paalis doon. Habang naglalakad ako ay sinisilip ko ang brown paper na pinaglagyan ng libro na binili ko. Kahit naman napilitan lang ako sa strand na STEM ay interesado naman akong mag-aral ng nursing. “Aray!” daing ko nang may makabangga ako. Sa lakas ng impact ay nabitawan ko ang mga hawak ko. Tumilapon ang brown paper na naglalaman ng libro habang ang plastic naman na hawak ko ay abot kamay ko. Kinuha ko ang plastic at saka ako tumayo. “S-Sorry, Miss! Hindi ko napansin na may mababangga ako,” paumanhin ng nakabanggaan ko. Nakita kong hawak niya ang paper bag at ipinapasok ang libro roon. Huminga ako nang malalim para pigilan ang sarili ko. “Sa susunod kasi ay huwag kang pipikit habang naglalakad,” singhal ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya dahil hindi niya pa rin ibinibigay ang paper bag. “Akin na nga!” Sabay kuha ko sa paper bag na nasa kamay niya. Tulala lang siya roon kaya iniwan ko na siya. Kapag talaga nagkaroon ng dumi o sira itong libro, susungalngalin ko ‘to sa mukha niya. Pero paano ko naman gagawin ‘yon kung hindi ko alam ang pangalan niya? Medyo hindi ko rin maalala ang mukha niya dahil hindi ko naman pinagtuunan ng pansin ‘yon. “Ang tagal mo naman!” reklamo ko nang makalapit si Ate sa ‘kin. Pinaghintay niya ako sa tapat ng Mang Inasal sa ground floor. Kanina pa ako rito nakaupo sa labas habang hinihintay siya. Nang i-check ko kanina ang libro ay wala naman itong sira o dumi. Mabuti na lang talaga… Umupo si Ate sa harapan ko. “Ang dami kayang tao sa loob ng store,” sagot niya. Tumaas ang sulok ng labi ko. “Maraming tao o baka tiningnan mo muna isa-isa ‘yong price tag bago ka pumili ng bibilhin?” asar na tanong ko. Ngumiti naman siya nang malaki sa akin. “Lulusot ka pa, eh.” “Ano naman ang masama sa pagiging matipid, aber? Gusto ko lang namang maging segurista sa mga bagay na paggagastusan ko.” Nangatuwiran pa talaga siya. Tumayo na ako. “Tara na. Ano pa ang hinihintay mo riyan, pasko?” tanong ko. Tumawa naman siya. “Bakit ko pa hihintayin ang pasko kung palagi namang may ibinibigay na aguinaldo si Kuya?” Magaling din talaga itong kapatid ko. Kapag sa sarili niya ay ang tipid niya pero kung gastusan niya naman kami ni Kuya ay parang kami ang nagtutustos sa pag-aaral niya. “Oh, saan kayo galing?” tanong ni Mommy nang makauwi kami. Alas-kuwatro na ng hapon. Maaga pa pero pakiramdam ko ay nagugutom na ako. Hindi na kami nakakain sa Mall dahil nag-aya na ako kaagad umuwi. “Sa mall lang po, Mommy,” sagot ni Ate. Hindi ba sinabi ni Daddy kay Mommy kung saan kami pumunta? Kailangan talagang paulit-ulitin palagi? Salitan kaming tiningnan ni Mommy. “Okay.” Akala ko naman ay may kung ano pa siyang sasabihin. Nauna na ako kaysa kay Ate na umakyat sa kuwarto ko dahil gusto ko na talagang mailapag ang lahat ng binili ko. Bahala na siya roon na kausapin si Mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD